UNA

11 0 0
                                    

February 29, 2020

"Hello, Dom? Ngayon na? Oh sige papunta na ko. Didiretso na ko dyan. Thank you. Bye."

Tumawag yung kaibigan kong si Dominic. Sabi niya may nakita na siyang buyer para sa bahay ko. I'm selling my dream house here in Tagaytay. It took me two years para makita yung finished product ng pangarap kong bahay pero bakit ko nga ba ibebenta kung dream house ko yun?

Weird no?

Actually, dream house namin yun ng ex-boyfriend ko. We dreamed to have a house here in Tagaytay na may overlooking pa sa Taal. Dito namin pinangarap magkaron ng pamilya at manirahan hanggang sa pagtanda namin.

Dami naming pangarap pero hindi pala ako kasama sa pangarap nya. Hehehe

We broke up last two years ago. Eh bakit ko pa din tinuloy kahit na naghiwalay na kami?

Wala lang. May something kasi sa heart ko na kailangan kong matupad yun kahit wala na siya. Para kasing hindi makukumpleto yung buong pagkatao ko kung hindi ko matutupad yung pangarap na yun kahit wala na kami.

Mahal ko? Oo naman. Mahal ko pa din pero wala eh... Hanggang doon nalang kami.

Anong gagawin ko pag nagkita kami isang araw? Hmm... Mag Hi ako hahaha but seriously, hindi ko din alam kung anong gagawin ko.

Pano kung mahal pa niya ko? Hmm... Hindi ko na din alam hehehe

Nako! Malelate na ako sa usapan namin ni Dom.

Naging bestfriend ko si Dominic dahil nung unang araw na tumira ako dito sa Tagaytay, tinulungan niya ako. Saka ko na ikukwento pero sobrang bait niyang tao.

Nanligaw ba? Hahaha OO! Bakit di ko sinagot? Kasi mawawalan ako ng kaibigan kapag naghiwalay kami. Bakit ko iniisip na maghihiwalay agad kami? Kasi nga di ba mahal ko pa si ex. Nako. Hahaha!

I'm on my way to Starbucks in Tagaytay-Calamba Road. 15 minute drive lang naman ito from my condo and that's my favorite branch kasi. Kilala na ko ng mga staff doon. Parang extension ng condo ko yun haha!

Nag park na ako sa baba then nakita ko na si Dom sitting with someone sa loob ng cafe pero bungad lang kaya makikita mo agad sila.

Napahinto ako habang nakatingin silang dalawa sa akin. Feeling ko kasing lakas ng busina ng truck yung tibok ng puso ko. Parang huminto din yung oras nung makita ko kung sino yung kasama ni Dom.

Nararamdaman ko yung luha ko na tumutulo sa pisngi ko. Parang gusto ko na lang na umalis doon.

Lumabas si Dom at tinawag ako mula sa pinto.

"Sey!" Sigaw niya habang sumisenyas sa akin na pumasok na ko sa loob.

I turned back to wipe my tears then hinarap ko na si Dom with a smile.

"Dom! Kanina pa kayo?" Sagot ko.

"Oh? Okay ka lang? Bakit namumula yung mga mata mo?" Tanong nya habang papalapit na ako sa kanya.

"Napuwing ako. Lumakas bigla hangin kanina kaya ako huminto. Tara na pasok na tayo. Nakakahiya sa buyer." Yaya ko at pumasok na kami.

Napatayo siya nang papalapit na kami sa table.

Balik tayo sa tanong kanina... Anong gagawin ko pag nagkita kami isang araw?

I smiled at him.

"Hi, I'm Hosea. The owner of the house." I introduced while reaching out for a handshake.

Nakatitig lang siya sa akin. Kinakabahan ako. Natatakot ako.

-----

Hi!

@91binibini

PAGHILOMWhere stories live. Discover now