IKAAPAT

3 0 0
                                    

"Hindi ka pa uuwi?" Tanong niya.

Okay. Awkward na naman.

"I'll go later. 5PM pa ang out ko." Sagot ko kahit after ng klase namin eh pwede na ako umuwi.

"Okay. I'll go first, then." Paalam niya tas umalis na siya.

Nakahinga ako nang malalim pagkaalis niya.

Hindi ko alam pero ang ang awkward talaga ng feeling ko pag kaharap ko siya. Nagligpit na din ako at umuwi.

Makalipas ang isang linggo, okay naman ang klase namin. Medyo hindi na din awkward kasi hindi na siya masyado nagsasalita. Focused na siya sa inaaral namin.

Sa room na ako nagstay tuwing lunch since may mga klase din yung nga kasama ko sa oras na yun at wala akong kasabay kumain sa canteen.

Si Rafael naman ay 12 pa lang ng tanghali nasa room na. Wala naman daw siyang ginagawa sa bahay kaya maaga siya pumapasok. Hinayaan ko nalang.

As usual, hindi kami nag-uusap. Lagi siyang busy gumamit ng cellphone niya habang ako ay nagtatype ng lessons sa laptop.

Na-add na din niya ko sa Facebook pero hindi naman ako nagsesend ng activity doon.

Ayoko magsend sa kanya bakit ba?

Sometime after, bigla namang dumalaw  yung dalawang former students ko na kagagraduate lang nitong March.

"Hi, baby!" Sigaw ni Carl papasok.

Napatingin tuloy si Rafael sa kanila.

"Hi, Carl! Baby ka dyan?!" Sagot ko tas umupo sila sa upuan sa tapat ng table ko.

"Hi, teacher." Bati naman ni Depoy.

"Bakit? Di ba sabi mo pwede na kitang tawaging baby kapag nakagraduate na ako?" Pabiro niyang sabi.

"Hoy, Carl wala akong sinabing ganon ah. Parang ikaw lang nagsabi nyan. Wag mo nga akong baliktarin. Hehe."

"Ito si baby... Masyado ka saken ha." Banat ulit ni Carl sabay nagtawanan kami.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko

"Dinadalaw lang namin yung maganda naming teacher. Hindi ka na namin makikita sa pasukan eh."

Wala talagang matinong sagot 'to si Carl.

Kung nagtataka kayo bakit ganon siya makipag usap, magka edad lang kasi kami. Pareho kaming 22 years old.

"Isa na yun sa dahilan teacher pero nagbayad po talaga kami ng balance sa accounting. Dumaan lang kami kasi nangungulit tong si Carl." Paliwanag ni Depoy.

"I see. Nako College na kayo. Magsiryoso na."

"Siryoso naman ako, baby ah."

Biglang tumayo si Rafael at padabog na lumabas ng classroom.

"Sino yun? Boyfriend mo?" Usisa ni Carl.

Hoy anong boyfriend?!

"Hoy hindi! Studyante ko yun." Depensa ko.

"Parang nagselos ata, teacher."

Anong selos? Walang ganon. Itong mga to!

"Baby ha. Kaya ba ayaw mo saken kasi may pretty boy ka na?"

"Hay nako, Carl. Ewan ko sayo. Sige na maya maya magsisimula na klase namin. Uwi na kayo. Salamat sa pagdalaw."

"May karibal na ako." Pabirong sabi ni Carl. "Oh dinalhan kita ng donut."

Inabot niya saken yung dala niya.

"Nag-abala ka pa. Thank you, Carl! Sweet ka pa din."

"Uwi na kami, baby. Ingat ka dun sa pretty boy na yun."

"Ikaaaaw. Sige na ingat kayo. Deps, ingat ha! Uwi na kayo."

"Bye, teacher." Paalam ni Depoy at umalis na din sila.

Nako talaga tong si Carl!

Bumalik na si Rafael nang nakasimangot.

Problema non?

Nagready na ako ng powerpoint at pinalapit ko na siya para makapagsimula na kami.

"Ohm's Law is one of the most fundamental and important laws governing electrical and--"

"Baby? Tss." Biglang singit ni Rafael.

-----

@91binibini

PAGHILOMWhere stories live. Discover now