Magkasalubong ang kilay niya nang magtama ang mga mata namin. It's pretty obvious that she's a noble.

May kasama rin siyang lalaki na parang kaedad niya lang din. Who has a blonde hair and blue eyes. He looks elegant in his blue tunic shirt. Kapwa ng babae ay marangya rin ang suot nito.

Nakapila sila sa likod ko at hinihintay akong gumamit ng portal.

"U-Uy, ano ba Zairah!" mahinang pagsaway ng lalaking kasama niya. Nahihiya itong napatingin sa akin.

"Hehe, sorry miss. Ako na lang ang magbubukas para sa'yo. Saan ka ba pupunta?" pag-iiba niya.

Napangiti ako sa sinabi ng lalaki. Mabuti pa siya ay maayos ang ugali. Hindi katulad ng babaeng kasama niya.

"To Mageía High."

Both of them paused—surprised. The girl's forehead furrowed and the guy's jaw dropped. Pareho silang nabigla sa sinabi ko.

Bakit, may mali ba?

"You're a witch? A witch that can't open a port-"

"Nice! Doon din kami pupunta!" biglaang sambit ng lalaki.

Hindi na natuloy ng babae ang sasabihin niya nang sumingit sa pagsasalita niya ang lalaki. Napairap na lamang siya.

Tumabi sa akin ang lalaki at hinawakan niya ang fountain.

"Anoígo tin pýli!"

Unti-unting lumiwanag ang fountain at bumukas na ang portal. "Tara na!" masiglang sambit niya.

Naunang pumasok sa loob ang babae at sumunod sa kaniya ang kasama niya. Hindi rin ako nag-aksaya ng oras at pumasok na rin ako.

"Nandito na tayo!" nakangiting sambit ng lalaki.

Bumungad sa akin ang masiglang bayan ng Bernice. Kung ano ang kinatahimik ng bayan na pinanggalingan ko ay kabaliktaran dito. Kahit umaga pa lang ay andami ng mamamayan sa paligid. May kani-kaniyang buhay ang mga tao.

"Miss nando'n 'yong Academy." Tinuro sa akin ng lalaki ang isang kastilyo sa tuktok ng isang burol. "Mauuna na kami!" dagdag niya.

Nagpasalamat ako sa kaniya at isang ngiti ang sinagot nito sa akin. Habang nauna na maglakad ang babaeng kasama niya.

Iniwan nila akong dalawa sa tapat ng fountain. Bago pumunta sa Academy ay muli kong pinagmasdan ang bayan ng Bernice.

Isa ito sa apat na malalaking bayan. Hindi na kaduda-duda ito dahil nandito lang naman ang nag-iisang eskwelahan para sa mga gustong matuto ng mahika.

Our nation is called Miyamih, kung saan ito nahahati sa mga cities at ang kilalang apat ay ang Bernice, Paranela, Gestia, and Frencide. Sa kanilang apat ay ang pinaka-main ay ang Frencide kung nasaan ang council, ang lugar ng mga nakatataas.

Nandito kaya ang libro na hinahanap ko?

"Excuse me!-"

Natigil ang pagkakatunganga ko nang may nakabangga sa akin na babae.

She has a short brown hair and a round glasses. She's also wearing a steampunk dress and boots.

Nahulog ang lahat ng libro na hawak niya. Sobra-sobra pa ata sa sampu ang librong hawak niya.

Paano niya nakikita ang dinadaan niya?

"S-Shit! I'm sorry!" natatarantang sambit ng babae.

Agad ko siyang tinulungan na pulutin ang mga librong nahulog. "N-No! Wag na, I'm really sorry, hindi ako tumitingin sa dinadaan ko-"

Nagmamadali siyang pulutin ang mga librong nahulog niya. Sa kasamaang palad ay nasira ang isa niyang libro at kumalat lahat ng pahina nito.

Napabuntong-hininga na lang ako nang mas lalo itong nataranta. Mas lalo niya lang kinakalat lalo ang mga gamit niya.

She's so clumsy.

Tinigil ko ang pagpupulot ng libro niya at tumayo ako. "flotér!"

Unti-unting lumutang ang lahat ng libro niya pati na rin ang mga pahinang nakakalat. Nang tinuro ko ang hintuturong daliri ko sa isang pwesto ay napunta ito lahat dito.

Naiwang tulala ang babae sa ginawa ko. "Y-You're a witch?!" namamanghang tanong niya.

I answered her with a smile.

"Woah! Y-You're so good at magic!"

Muli nitong pinulot ang lahat ng libro niya at pinilit niyang makipagkamay sa akin.

"I'm Tristana, you can call me Tana! And I'm also a witch!" masiglang pagpapakilala niya sa 'kin.

Hinawakan ko ang kamay niya at nakipagkamay ako pabalik. "Xena."

"Ohh! Pupunta ka rin ba sa Academy?" marahang tanong ni Tana.

I nodded in response.

"Great! Papunta rin ako roon! Sabay na tayo!"

Hindi ako umangal sa sinabi niya at pumayag akong sabay kaming pumunta ng Academy. Tinulungan ko na rin siya sa dala-dala niyang libro. Mahirap na at baka may mabangga na naman siya.

Tahimik at sabay kaming naglakad ng kasama ko papunta sa Academy. Sumisilip ang sinag ng araw sa mga punong nadadaanan namin paakyat.

It's not really a forest because there's a pathway that we can use but this hill is no joke. Paakyat ang daanan at sobrang haba, nakakapagod.

"Hm, Xena saan mo nabasa ang spell na 'yon?" biglaang tanong ni Tana.

Nabigla ako sa tanong niya at hindi kaagad ako nakasagot. "A-Ah, 'yong kanina ba? Tinuro sa akin ng Teacher ko."

"Wah! Mabuti ka pa! Hays, sa totoo lang hindi ako magaling sa magic eh. Kaya nga éxi lang ako."

I glanced at her direction just to see that her expression changed.

"Isang magaling na witch si mama kaya mataas ang expectation niya sa akin. Pero wala talaga akong kakayahan pagdating sa magic hehe," dagdag niya.

Tipid na ngumiti sa akin si Tana. Hindi ko napansin na malapit na pala kami sa Academy.

"Cheer up. Kaya nga nandito ka hindi ba?" nakangiting sambit ko.

Lumiwanag ang itsura ni Tana sa sinabi ko.

"Yup! I'm going to be a great witch!" masayang sagot nito sa akin.

"Yey! Nandito na tayo!"

Sabay na umangat ang tingin naming dalawa ni Tana sa harapan. Nasa tapat kami ng Academy at kusang bumubukas ang gate nito. Tila mas malaki ito sa malapitan.

Nang bumukas ang gate ay parang isang bayan din ito sa loob dahil sa laki nito.

Umikot ang tingin ko sa kabuoan ng loob. Maraming mga tindahan ng kagamitan at kung ano-ano. At sa gitna naman ay ang malaking kastilyo kung saan kami mag-aaral.

Malalim akong huminga.

I guess this is it. Sana rito ko makita ang hinahanap ko.


Mageía High: Grimoire of AstriaWhere stories live. Discover now