Treinta

32K 558 59
                                    

Ynoa's POV

Parang nabasag ang puso sa unti-unting pagtalikod ni Roemer. I didn't think about the screaming lady in front of me. All I want is to run towards Roemer. I want so bad to hug him. To kiss him. To be with him.

Hindi na ako nag-isip at tumakbo para habulin siya. Pinigilan naman ng chairman ang asawa na sugurin ako kaya't nagawa ko ang gusto kong gawin. Tumakbo ako para habulin si Roemer nang napatigil ako dahil sa hapdi ng sampal sa pisngi ko.

In front of me is a crying girl I love. Her lips trembled as she looked at me with those pair of cold eyes. Kung kanina ay nakaya ko pang pigilan ang hikbi, ngayon ay hindi na.

"Did you have fun?" Mom asked.

"M-mom plea-"

"Don't call me that! Don't you dare call me that!!" She screamed. Agad namang pinigilan ni Dhelia ang ina na sugudin ako. Halos manginig ang buong kalamnan ko. Umiiling akong umiyak, tila ba pinapakiusapang dinggin nila ako.

"I can't believe it. I treated you like a real sister. Yet, you fooled all of us." Madiin na sambit ni Dhelia. Madilim ang tingin ng ama ni Roemer sa akin. I wondered where is Rafael. Baka sakaling maintindihan niya ako.

"I.. I love all of you. Sa kaunting panahon na nakasamo ko kayo, minahal ko kayo ng buo." Humikbi kong sambit. Mom closed her eyes, another tear fell. Dhelia is also shedding tears while holding her mom's arms.

"You lied! Sa tingin mo papaniwalaan ka pa namin?!" Mom screamed. Tahimik ang lahat ng bisita na para bang nag-aabang ng panibagong eksena. Sa paraan pa lang ng paningin nila, libo libo na nila akong pinatay sa isip nila.

"Sana hindi ka na lang namin nakilala. You know what? Hindi ka nababagay sa anak ko. Malandi ka." Mom words broke my heart into pieces. I felt a thousand cuts. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ay halos mamanhid na ako.

"Just leave, Ynoa. Ayaw na kitang makita. Kahit kailan." Dhelia uttered.

Wala akong nagawa kundi ang umalis doon. Nabangga ko ng mga ilan sa bisita dahil sa sobrang pagmamadali. Agad kong tinahak ang daan palabas, luminga ako sa palagid sa pag-asang makita ko si Roemer.

In the garden, I saw a familiar figure of a man walking. 

Likod pa lang ay alam kong si Roemer iyon. Kabisado ko ang lahat sa kanya.

Natapilok ako dahil sa sobrang pagmamadaling paghabol sa kanya. Pero hindi ko ininda ang sakit. I removed my stilettos and held it both on my hands.

"Roemer!" I screamed.

Napatigil siya nang marinig ang aking sigaw. Masakit sa paa ang magaspang na semento. Nandito kami ngayon sa harap ng mansion. May fountain sa gitna na ngayon ay sumasayaw, may mga ilaw na bumalot sa buong paligid, sa gilid ng daan ay puno ng mga bulaklak at halaman. It looked so perfect and magical. Very opposite to what I'm feeling.

Naitaong tumigil siya sa gilid ng isang bench. Napatingin ako sa kalangitan, sa sobrang dilim nito ay nangningning ang mga tala at mas lalong nadepina ang liwanag ng buwan.

"R-roemer." bulong ko nang makalapit. Halos dalawang metro ang layo namin sa isa't isa.

"Is it fun?" unti-unti niya akong lingingon. 

My heart broke as I stare at those eyes I love the most. I cried even more when he threw me a cold stare. He remained stoic, there's no single emotion on his face. Mas gusto ko pa yung magalit siya! Yung sumbatan ako! Yung awayin ako! Kaysa makita siya na parang walang pakialam na tumingin sa akin.

Who's the Boss? (Salvaje Caballero Series 1)Where stories live. Discover now