✨TWO✨

5 2 0
                                    

Aella Heavenly Marcos

Dumating sa bahay ang family car nila Tita at exactly 8:00 am, umalis ako sa bahay mga 9:00am na, kanina pa umalis si Elly kase ayaw niya daw makitang aalis ako, arte talaga, para namang mangingibang bansa ako eh 3 hours lang naman yung byahe sa tutuluyan kong bahay kela Tita, anytime naman pwede silang bumisita sakin, yun ay kung pare-pareho kaming hindi busy.

Si Jared naman, maiiwan dito sa bahay kasama sila Nanay Gaying at yung tatlong kasambahay. Pinilit ko siyang sumama nalang sakin kela Tita, pero ayaw niya daw kase mas gusto niya daw sa kasalukuyang school niya ngayon, ayaw mapalayo sa mga kaibigan tsk. Pero I trust his friends naman, nakita at nakasama ko na sila since palagi namang dinadala ni Jared sa bahay, and luckily mababait naman at maaasahan. Buti nga'y marunong pumili ang kapatid ko sa kakaibiganin.

Binilinan ko siya sa kung anong mga dapat niyang gawin, at sinabihan ko rin na tatawagan ako lagi para i-update sa mga nangyayari sa kanya. I will definitely miss my lil bro kahit na halos buong buhay namin eh palagi kaming di nagkakasundo, pero siguro part na yun ng bonding namin. I know Jared loves me, and I love him too of course.

Huminto ang sinasakyan naming kotse sa tapat ng isang bahay, ito na siguro yung bahay nila Tita. The cream colored house with a touch of beige and brown was dominating among the other houses nearby. Mas malaki ang bahay na 'to kumpara sa mga nadaanan naming bahay na kalapit dito. Walang dudang mayaman nga talaga sila Tita.

Pag baba ko ng sasakyan ay nakita kong nasa front porch sila Tita Len kasama si Tito Larry, hindi nila kasama ang tatlo kong pinsan. Agad nila akong dinaluhan ng makalapit ako sa kanila, then I kissed Tita and Tito on their cheeks.

"Aella I'm glad that you finally agreed na dumito na saamin. You know how much I wanted you here lalo na't wala akong anak na babae" Tita Len said then hugged me.

"Naku Tita sorry po, alam niyo naman pong ayaw kong iwanan si Jared sa bahay, eh ang tigas kase ng ulo nun, sinabi ko nang sumama dito, ayaw naman niya" sabi ko saka kinalas na ang yakap, binalingan ko naman si Tito Larry at niyakap din.

"Siguradong matutuwa ang mga pinsan mo pag nalaman na andito kana. We didn't told them na ngayon na ang paglipat mo dito eh." Tito said then broke the hug.

Sus! if I know aasarin lang ako ng tatlong yun. Lalo na yung kambal ugh! kailangan ko na namang magtimpi sa kakulitan ng dalawang yun.

"Tara na iha sa loob, para rin makapag pahinga ka" sabi ni Tita at iginiya nila ako papasok ng bahay.

Wala akong dalang madaming gamit, tanging ang sarili ko lang at ang bag pack kong naglalaman ng isang journal at personal documents para sa pag transfer ko at ang iba kong gadgets. Sinabihan na kase ako nila Tita na wag na magdala ng mga damit at ibang gamit since meron na daw dito.

Halos mapanganga naman ako sa pagpasok ng bahay kase kung maganda na sa labas, mas maganda dito sa loob. Maganda din naman ang bahay namin pero dito kela Tita ay halatang alagang-alaga ang mga kagamitan. Wala atang ni isang alikabok ang naligaw sa sobrang linis. Sa pag pasok ay bubungad na sayo ang Living room na nasa left side, may magkabilaang bintana rin dito.

The beautiful high arched with velvet drapes framed the windows and the cream colored lace inner curtains remained drawn, allowing daylight to enter. The floor was furnished with also a plain cream colored tiles and a soft color beige carpet on it. Couches has an antique floral designs and the glass table is placed on the center. This living room was enough to accommodate the entire family.

Nasa kanang bahagi ang hagdan na may classic style din papuntang second floor.

Sa unahan naman ay isa pang room na hindi ko alam kung ano, mamaya na siguro ako maglilibot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stars of December Night Where stories live. Discover now