✨ ONE ✨

13 4 2
                                    

Aella Heavenly Marcos

"Ano ba Aellaaaa sure ka ba talaga?! Haaa? I mean, mag tatransfer ka talaga?! Simula na ng first sem natin as grade 12 Senior High sa JU! ganyan ka na ba kabaliw sa lalaking yon kaya ka lilipat sa school nila?! My goodness Aella!"

Ghhadd, heto na naman tayo, siya ang bestfriend kong si Elly. Mag kaibigan na kami since elementary kaya alam ko kung gano siya ka tutol sa paglipat ko sana ng school kase mahihiwalay ako sa kanya, peroo kaseee ehhhh, chance ko na yun para mapansin at makasama ko na ang love of my life ko na si Joseph Asher, grade 9 palang ako eh crush na crush ko na yun. Pero unfortunately sobrang magkalayo yung school namin kaya heto ako ngayon, gustong gusto na mag transfer kung saan siya pumapasok, lalo na't may bahay sila Tita malapit sa school na yun.

Nandito din tong si Elly ngayon kase dito siya matutulog saamin, okay lang naman sa parents niya kase kilala na nila ako simula pa nung mga bata kami, ako din naman minsan sa bahay nila natutulog.

"Eh kase naman Ellyyyy, alam mo naman diba na matagal ko ng pangarap na pumasok sa school na pinapasukan niya? Chance ko na to El" sabi ko habang tinitignan siya.

Alam kong alam niya na sigurado na ko dito.

"Aella, alam ko naman na gusto mo talaga to, pero kase namannn~ huhu iiwan mo ko? Tapos nakapag enroll na tayo sa JU, isang taon nalang gagraduate na tayo, tapusin nalang natin tong grade 12 SH year natin"

Hays ang bestfriend ko, mamimiss lang naman ako nito kaya ayaw niyang magtransfer ako. Tsaka anong magagawa ng JU kung gusto kong magtransfer? sasabihin ko nalang na lilipat na kami ng bahay sa malayo para naman wala ng madaming tanong.

"Alam mo Elly, ayaw din naman kitang iwan dito pero kase dun na muna ako kela Tita titira diba? Malapit lang yung bahay nila dun eh, kaya hindi lang din to about kay Joseph okay? Atsaka mamimiss kita El"  mangiyak-ngiyak naman ako habang sinasabi to kay Elly, kase hindi talaga kami sanay na wala sa tabi ng isa't isa nakakalungkot man pero isa na siguro to sa paraan para masanay kami na hindi nagdedepend sa bawat isa, pag college kase namin, magkaibang school din kami.

Lumapit naman sakin si Elly at bigla akong niyakap ng mahigpit.

"Sure ka na ba talaga Aella? Hindi na kita mapipigilan? Mag-iingat ka dun lagi, tsaka lagi mo kong tatawagan at ichachat! i-update mo ako sa nangyayari sayo dun ha! Nako talaga pag may nang away sayo dun susugod ako agad! Wag kang magpapa-api! Mamimiss kita Aellaaa~huhu"

Aww~ nakakatouch naman ang bestfriend ko, hindi kami masyadong nagdadrama ni Elly kaya nakakagulat na ganito siya ngayon sakin, siguro nga nalulungkot siya sa pag alis ko sa JU. Nalulungkot din naman ako pero kailangan ko ng masanay na hindi habang buhay eh magkasama kami.

"Mamimiss din kita Elly, ikaw pa ba? Tsaka oo naman lagi kitang kokontakin para naman hindi ka malungkot, nandyan pa naman sila Catherine, Caramel, Janine at Angel, hindi ka naman mag-iisa sa JU, nandyan pa din yung iba nating kaibigan"  lintaya ko sa kanya, hindi na nga ako makakapagpaalam ng personal sa iba ko pang kaibigan kase bukas na ako aalis, buti sana kung kagaya ni Elly eh malapit lang yung bahay nila saamin.

Kumalas na sa yakap si Elly kaya kitang-kita ko na ngayon na umiiyak nga siya. Nalulungkot na tuloy ako.

"Aella basta promise me ha na kapag sinaktan ka niyang Joseph na yan magsumbong ka sakin, saamin! Hindi porket pinsan niya si Catherine eh hindi ko na siya mabubugbog, ha! Subukan niya lang talaga Aella na saktan ka, susugod ako sa school nila at ipapatikim ko sa kanya kung pano magalit ang Dyosa! "

Baliw talaga tong si Elly, umiiyak na nga't lahat nagagawa paring magbitiw ng mga banta.

Hindi naman ako sure kung hindi nga ako sasaktan ni Joseph unintentionally kase in the first place, hindi niya naman alam na may gusto ako sa kanya, tsaka hindi rin naman ako nun pinapansin kahit anong gawin kong papansin sa chat sa kanya, although mag friend na kami sa Facebook hehe pero hays lahat na ata ng patama na shared post nagawa ko na pero huhu ang manhid parin niyaaaaa~ kaya once na makalipat na ako sa West Austin University kung saan siya nag-aaral sisiguraduhin kong mapapansin niya na ako.

Tumingin ako kay Elly tsaka tinanong siya.

"Elly sa tingin mo ba, hindi malayong magkagusto din saakin si Joseph Asher?"

Nalulungkot kase ako sa isiping baka nga hindi siya magkagusto sa kin at ako hanggang pangarap nalang. 😔

"Ano ka ba Aella, maganda ka, matalino, magaling sa arts, music at sporty type of person din, sino bang hindi magkakagusto sayo, don't degrade yourself too much Ae, you are you and if ever man na hindi siya magkagusto sayo, ang laki niyang tanga"

Hindi ako sumagot sa kanya, bagkus eh, humarap lang ako sa bintanang katapat lang ng kama ko.

Hindi naman ako kagandahan talaga eh, simple lang ako, yung tipong pag dumaan ako eh hindi mapapatingin yung mga tao, hindi din naman ako masyadong matalino, sakto lang, sadyang nag aaral lang talaga ako para pumasa. And yeah, mahilig talaga ako sa Arts, music at Sports. Pero hindi naman yun mga basehan para magustuhan ako ni Joseph Asher.

"Hayss ano ba Aella wag ka ng mag isip ng negative things, matulog na tayo, ala una na ng madaling araw, tapos bukas na ng umaga yung alis mo. Goodnight na bestfriend"

Sabi nito at humiga na sa right side ng kama ko, malaki naman to kaya kasyang kasya kami.

Humiga na din ako pero mag sasampung minuto na hindi parin ako makatulog. Hays. Samantalang itong katabi ko, naghihilik na.

Bumangon ako at nagjacket, tsaka dahan-dahang lumabas ng bahay  namin. Dito lang muna ako sa madalas kong tambayan tuwing hindi ako makatulog o di kaya'y gusto kong makapag isip-isip. Sa likod lang to ng bahay namin, may isang puno ng mangga na tinayuan ng isang maliit na kubo. Andito ako sa labas ng kubo kase may upuan naman dito. Nakatingala ako sa kalangitan na puno ng mga makinang na bituin. June ngayon kaya hindi pa ako pwedeng mag wish, dapat sa December pa hehe. Hindi ko alam pero kahit na hindi naman nagkakatotoo yung mga wish ko, naniniwala parin ako. Siguro kase mahal na mahal ko lang ang pumanaw kong Lola na siyang nagkuwento saakin ng paniniwalang iyon, kaya pinaniniwalaan ko parin hanggang ngayon.

"Hello stars, kayo na sana ang bahala sa kung ano man ang kahihinatnan ng mga desisyon ko"

Namimiss ko na sila Mom at Dad, matapos kase nilang maghiwalay, iniwan nalang nila kami ng basta basta, pero sinusustensyohan parin naman nila kami.

Kung siguro'y hindi sila naghiwalay, masaya parin sa bahay namin, siguro'y hindi lalaking may sama ng loob sa kanila ang kapatid kong si Jared. Namimiss ko na yung dating ingay sa bahay namin. Nakakalungkot lang isipin kase hindi na siguro mababalik yung mga masayang alaala namin.

Anyways, ang gusto ko din ngayon sana ay ang mapansin ako ng tanging lalaking minamahal ko. Ni Joseph Asher. Sa kanya lang talaga ako nagkaganito at di ko alam kun bakit.

"Stars sana naman, this time matupad na yung hiniling ko last December, sana mapansin na din ako ni Joseph Asher"

Aasa ako.

See you soon Ash.

________________

Sorry for the typographical and grammatical errors.

How was it? Comment your thoughts guys and please vote hehi❤️ thank youuuuu mwah😘

Caelia_Heavens 🌷

Stars of December Night Where stories live. Discover now