DV - Chapter 23

42 4 1
                                    

Zyrelle Ellis PoV

Who would have thought, na mababago pala ang desisyon ko. I successfully graduated and I'm a proud Doctor now. I graduated last year and the bonus is I'm one of the topnocher of our batch. Hindi agad ako nagtrabaho dahil nag travel muna ako, but know that I'm done traveling, I decided to start working, but not here.

Ilang taon na rin naman simula ng umalis ako sa Pilipinas, dahil sa isang masakit na dahilan. Siguradong Doctor na rin siya ngayon.

May nag ooffer na ring mga hospitals sakin sa Pilipinas kung saan pwede akong magtrabaho.

"Okay naba lahat ng gamit mo?" Tanong ni Kuya habang karga karga ang dalawang taong gulang niyang anak na si Alexandre. See? Sina Kuya at Lourdes rin ang nagkatuluyan sa huli. Tatlong taon na silang kasal.

"Yeah," tinignan ko ulit ang kabuuan ng bahay bago sumakay sa Van kasama si Kuya, ang anak niya at ang asawa niya.

Sina Faye at Leah ay dito nagtrabaho. Ayaw rin nilang malayo sa pamilya nila dahil nandito ang pamilya nila. Si Dale naman, ayun, nauna na sakin sa Pilipinas. Pareho lang kami ng hospital na pagtatrabahuan.

Kung anong score namin ni Fade ngayon? Mag bestfriend nalang kami. Five years ago, nung kasalukuyan akong nag aaral ng medisina. Nag propose siya sakin. But I declined it. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil hindi pa'ko ready that time. Naging boyfriend ko naman siya for three years. Kung hindi ko ginawa yun, hindi niya makikilala ang babaeng para talaga sakanya. Kinasal sila last year ni  Andrea.

Sina Ian naman at Hyerill. Kasal na rin sila, ano paba. Kinasal sila last two years. Hindi ako nakadalo sa kasal nila, pero nagbigay naman ako ng regalo. Syempre kasal yun ng dalawang bestfriend ko.

Siguro tatanda nalang akong dalaga. Buti pang nag madre nalang ako. Ang hindi kopa matanggap ay ang inosenteng si Hyerill ay nagkukwento kung paano nila ginagawa yun! Damn it! Palagi niyang sinasabi na kinikilig pa rin siya kay Ian, which is good. Kaso hindi ko matanggap na nagkukwento siya ng mga ganong bagay sakin.

Tho may experience na'ko dahil kay Fade. We almost, almost did it. Pero I'm still a virgin.

Pinilig ko ang ulo ko para burahin lahat ng nasa isip ko. I can't wait to finally inhale the air in the Philippines. Bibisitahin ko rin ang puntod ni Ate Ky and Frances. Para kahapon lang lahat. Masyadong mabilis ang pagdaan ng mga taon. All those years, I've learned so many things. Masasabi kong tama ang naging decision ko noon. At hindi ko pinagsisisihan ang pag alis ko.

Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Mommy at Daddy. Sa mga nakaraang taon ay tumanda na sila. Naging prone na sila ng mga sakit dahil sa tanda. Ang company naman ay pinamana kay Kuya since wala naman akong alam sa pamamalakad non. Mga properties nila ang pinamana nila sakin. May resort rin na naibigay sakin at bukas yun sa mga tao. May hotel rin doon na pagmamay ari kona. And that's enough for me. Sa totoo lang ay masaya na'ko kung ano ang meron ako ngayon. As long na nabubuhay silang dalawa, okay na'ko doon.

"I missed you baby" napangiwi ako pero hinalikan ko pa rin sa pisngi si Mommy.

"Mommy, I'm not a baby anymore."

"Nah, you're still my baby." Ngumiti nalang ako at muli silang yinakap ng mahigpit.

Parang mas gumanda pa ang bahay ngayon dahil iniba ang interior design ng bahay. Alam ko ay pina renovate nila yon.

Nagkaroon rin kami ng salo salo na nabigyan ng tuwa at saya dahil kay Ate Lourdes. Not until ako na ang pinagdiskitahan nila.

"Ma, si Elli ba ay hahayaan niyong tumandang dalaga? Sayang ang ganda niya." Hirit ni Ate Lourdes. Noon nasa ibang bansa kami ay naging close kaming dalawa. Ako palagi ang iniinis niya.

Deja VuWhere stories live. Discover now