DV - Chapter 20

40 4 2
                                    

Hi guys! It's been a while, kumusta? Stay safe guys❤️we love you, mwah💋

- CURIOSES
——-
Zyrelle Ellis PoV

Nagmulat ako ng mata dahil sa magkasunod na katok. Hindi ko napansin na nakatulog ako dahil sa sobrang pag iyak. Ni ang pag uwi ay hindi ko alam kung paano ko nagawa. Nakita kopa sina Mommy sa sala at halatang nagulat sila ng umuwi ako.

Kahit masakit pa ang mga mata ko at mabigat pa ang nararamdaman ko ay tumayo na'ko upang pagbuksan ang kumakatok.

Nagulat nalang ako ng dambahin ako ng yakap ni Hyerill. Narinig ko ang iyak niya kaya hinagod ko ang likodniya para patahanin siya.

"Ikaw babae ka! Bakit hindi mo man lang sinabi sakin na aalis ka." Mangiyak ngiyak na ani niya. Pinilit kong ngumiti.

"Sorry,"

"Hmp! Mamimiss kita" umalis siya sa pagkakayakap. Wala siyang alam na wala na kami ni France. "Ayos ka lang ba? Bakit namamaga ang mga mata mo?" Lumambot ang tinig niya habang nakatingin sakin kaya nag iwas ako ng tingin.

"B-Bakit ka nga pala nandito?" Pag iiba ko sa usapan.

"M-Mag ayos kana daw, umaga ang flight niyo." Batid kong gusto pa niyang magtanong pero ayoko munang alalahanin yon.

"Sige, pasensya na kung hindi ako nakapag paalam sayo. Mamimiss rin kita. Pwede ka naman sumama sa paghatid samin sa airport."

"Talaga?!" Tumango ako "Sige sige, maliligo nako ha??" Yinakap niya pa'ko bago umalis. Bumuntong hininga nalang ako bago sinara ang pinto at kumuha ng damit na isusuot.

Akala ko paggising ko ay okay na. Akala ko pagkatapos kong iiyak lahat ay wala na. Yun lang pala yung simula ng lalong pag bigat ng nararamdaman ko. Nasa loob na'ko ng banyo at malayang umaagos ang luha sa mga mata ko kasabay ng tubig mula sa shower.

Mabilis kong tinapos ang pag ligo ko dahil para akong nalulunod dahil sa pag iisip. Yun parin ang nasa isip ko. Mabuti nalang at nagkaroon ako ng lakas ng loob na harapin siya kagabi at tapusin ang kung anong meron samin. Hindi ko nga lang alam kung anong nangyayari sakanya. Kung kumain naba siya o nagising naba siya. Kung nakatulog ba siya at papasok na sa eskwelahan. Sh*t! I should stop thinking about him if I want to move on.

I wear my fake smile while eating breakfast with my family. I was shocked when Fade enter the dining area. I didn't told him that I'm going to US and stay there for good. But maybe, Kuya already told him about it.

"Good morning, Tita, Tito and Miguel." Bati niya habang naka pamulsa. Tinignan ko siya panandalian bago bumaling sa kinakain kong hindi ko halos magalaw.

"Goodmorning Fade, come join us." Nakangiti aya ni Mommy at iminuestra pa ang upuan sa tabi ko. Naramdaman ko ang tingin niya.

"Good morning Zyrelle" maligayang bati niya. Ngumiti ako ng payak.

"Morning" gusto ko siyang tanungin kung anong ginagawa niya dito. Sasama ba siya sa paghatid samin? Siguro.

Sumakay na kami sa aming van. Umupo ako sa tabi ng bintana habang nakatabi naman sakin si Hyerill. Si Fade ay katabi si Kuya na abalang nag uusap. Nandito na rin ang mga bagahe namin kaya agad na kaming lumarga.

Dahil medyo mabilis ang andar ay agad kaming nakalabas ng village. Nahagip ng mga mata ko ang park kung saan natapos ang lahat samin. Ang dami daming ala ala doon na nagsumiksik nanaman sa utak ko.

Hindi ko dinala ang kwintas at bracelet, bagkus ay tinabi ko yun sa kahon na nahanap ko noon kasama ang mga litrato. Nag iwas ako ng tingin doon at napansin ko naman na nakatingin si Hyerill sakin.

Deja VuWhere stories live. Discover now