DV - Chapter 8

49 6 0
                                    

DEJA VU CHAPTER 8

Zyrelle Ellis PoV

Naka upo ako sa sala at hinihintay si France na dumating. Sinabi niyang dito siya matutulog para daw may kasama ako dahil siguradong isang linggo nanaman bago bumalik sina Mommy. Kumuha lang siya ng damit na pantulog niya at uniform para bukas. Feeling ko nga ay naaabala kona siya tsaka sinabi ko rin na baka walang kasama ang lola niya pero naalala kong nandon pala Mama niya dahil sa birthday niya.

Siguradong mapupuyat ako dahil itutuloy ko ang painting na ireregalo ko sakanya. Gusto ko kasi yung regalo na pinaghihirapan unlike yung bibilhin mo lang. Tatakpan ko nalang bukas para hindi niya makita kung sakaling pumasok siya bigla sa kwarto ko. Hindi naman kasi siya matutulog sa kwarto ko, sa guest room siya.

Narinig kong tumunog ang doorbell namin kaya ako na mismo ang lumabas para buksan ang gate.

Medyo natawa ako sa suot niya dahil ngayon ko lang siya nakitang naka pantulog at terno yon, pero damn ba't kahit sa ganitong damit ay ang gwapo niya?

"Done checking?" Agad akong nag iwas ng tingin ng magsalita siya, ganon ba 'ko ka obvious? Sh*t nakakahiya.

"A-Anong pinagsasabi mo dyan? Pumasok na nga tayo." Nauna akong mag lakad sakanya. Naka pantulog rin ako at terno rin yon.

"Ang cute mo sa suot mo" sabi niya habang naka sunod sakin. Mabuti nalang at nauuna ako sakanya, hindi niya makikita ang pamumula ko.

Iginaya ko siya sa guest room na katabi lang ng kwarto ko. Pinalinis ko na yon para maging komportable siya. Pagkapasok namin ay sinindihan ko ang ilaw at umupo sa kama non.

"Hindi ka naman namamahay no? Baka hindi ka makatulog eh."

"Don't worry, makakatulog ako ng mahimbing kasi malapit ka lang sakin." Sabi niya saka ngumiti. Kumunot ang noo ko.

"Tss, anong pinagsasabi mo kanina kapa"

"Totoo naman eh, tsaka tinitigan mo kanina ang katawa--" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Wah blah blah blah, manahimik kana okay? Nas-stress ako sayo."

"Hmm may facemask akong dala dito, skin care tayo" sabi niya saka kumindat. Ngumisi ako.

"Mabuti nalang ay kahit lalaki kana ay hindi mo inalis yang pag aalaga mo sa mukha mo."

"Syempre, kailangan ay gwapo at fresh ako palagi sa paningin ng magiging asawa ko. Damn kinikilig ako kapag naiisip ko siya." Sabi niya saka ngumiti at tinignan ako.

"Oo nga, ahh nasan na? Para malagay na natin sa mukha natin." Pag iiba ko ng usapan.

"Wait kunin ko sa bag ko." Sabi niya saka kinuha ang bag niya at binuksan yon.

"Sa sala nalang tayo, okay lang ba?" Tanong ko.

"Sure, dito na." Aya niya kaya lumabas na kami ng kwarto at bumaba sa sala. Inon ko muna ang tv bago umupo sa sofa at pinatong ang paa sa lamesa na kaharap non.

"Ako na maglalagay ng sayo" sabi niya habang linalagay yung kanya.

"Ako nalang"

"Hinde, ako na" sabi niya saka lumapit sakin. Nalagay na niya yung kanya.

Hinayaan ko nalang siya at hindi gumalaw sa pwesto ko. Napalunok ako ng linapit niya at mukha niya at dumampi ang kamay niya sa balat ko. Para yong kuryente na tumatama sa mukha ko. Napatingin ako sa labi niya na hindi natatakpan. Fvck! Ba't parang pinagnanasahan ko siya??? What the hell!!

Pigil ang hininga ko habang linalagay niya yon hanggang sa matapos niya yon at tumabi sakin saka gumaya sa pagkaka upo ko. Dun palang ako naka hinga ng maluwag. Napapikit nalang ako at napahawak sa dibdib ko.

Deja VuWhere stories live. Discover now