DV - Chapter 6

55 5 0
                                    

DEJA VU CHAPTER 6

Zyrelle Ellis PoV

Nasa field ako ng school ngayon. Nanonood ako ng mga nag sa-soccer na players ng university namin. Hindi ko masabi kung magaling sila o hinde, wala naman akong alam sa larong soccer. Hindi ko alam kung saan nagsusuot si France, hinahabol niya kase ako kanina dahil iniinis ko siya kaya naghabulan kami. Tumigil lang ako dahil pagod nako saka naligaw ko na siya.

Habang nanonood ako ay biglang may humarang sa tinitignan ko. Akala ko si France pero nang tignan ko siya sa mukha ay agad ko siyang naalala.

"Mark Ian." wala sa sariling sabi ko.

"Natatandaan mo pa pala ako." Sabi niya at ngumiti saka umupo sa tabi ko. Tinignan ko ang suot niya, naka suot siya jersey na pang basketball at medyo pawis rin siya pero mabango ang amoy niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Magpapahinga lang, kakatapos lang namin mag basketball."

"Player ka?"

"Oo, nagsisimula na agad kaming mag practice eh." Sagot niya kaya napatango ako. "Anong grade kana?"

"Twelve-STEM, bakit?"

"Ahh wala, pareho lang pala tayong grade twelve kaso ABM ako."

"Ahh sige alis na'ko, baka hinahanap na'ko ng kaibigan ko." Paalam ko saka tumayo.

"Pwedeng samahan mo muna 'ko sa cafeteria? Libre ko, please." Sabi niya, iiling sana ako ng matandaan ko yung pagbigay niya sakin nung panyo niya at pag dala sakin sa convenience store non para kumain.

"Sige, pero libre kona. Pambawi sa mga natulong mo sakin."

"Sure" sabi niya saka tumawa.

"Ehh?"

"Bakit?"

"Para kang baliw." Sabi ko saka na naunang mag lakad.

"Ha? Bakit naman ako baliw? Woy Zyrelle hintay!" Sigaw niya saka binilisan ang lakad para magkapantay kami.

Habang naglalakad kami ay panay ang tingin ng mga estudyante samin kaya tinataasan ko sila ng kilay.

"Ian, sikat ka ba?" Bulong ko

"Oo? Just don't mind them." Sabi niya kaya tumango nalang ako.

Dumating kami sa cafeteria saka nag order ng pagkain. Ako ang nagbayad gaya ng sinabi ko saka umupo sa bakanteng pwesto.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami ng cafeteria.

"Saan kana niyan pupunta?" Tanong niya

"Hmm babalik na'ko sa classroom namin, baka nandon na yung kaibigan ko." Lagot niyan ako kay France, my gahd.

"Hatid na kita." Nag aalangan ko siyang tinignan.

"Baka nakaka abala na'ko sayo, tsaka kaya ko namang mag isa."

"No, i insist. Inaya kitang kumain kaya dapat lang na ihatid kita. Halika na." Sabi niya saka hinila ang kamay ko.

Naiilang ako sa paghawak niya sa kamay ko pero nahihiya akong alisin yon, pero mas nakakahiya naman na makita yon ng ibang estudyante.

"Ian yung kamay ko. Tinitignan tayo ng ibang estudyante." Bulong ko saka inalis sa pagkakahawak niya.

"Ahh sorry" napakamot siya ng ulo.

"Okay lang."

Nagtuloy na kami sa paglakad hanggang sa makarating kami sa harap ng pinto ng classroom namin na naka bukas. Walang ginagawa ngayon dahil walang pumapasok na teacher pero hindi nila kami pinapa uwi.

Deja VuWhere stories live. Discover now