33

1.4K 100 18
                                    

The maids helped me pack my stuff. Maaga kong tinawagan si Uncle Samuel kung pupwedeng magpasundo sa kaniyang driver. He didn't ask much but I know for sure that he knows what's going on.

Ang sabi ng mga katulong ay maaga daw siyang umalis. I don't know if he knows that I'm leaving today, pero mas mabuti na nga iyon na hindi ko siya makita.

Baka mag bago pa ang isip ko at ipag siksikan pa ang sarili ko sa kanya.

“Mamimiss ka namin dito, Mam.” ani ng isa sa mga kasambahay na nakakausap ko paminsan minsan. “Eh tumutulong ka pa dito sa gawaing bahay. Sayang naman po at maghihiwalay na kayo ni sir kahit ilang buwan pa lang kayong mag asawa.”

I smiled. Atleast, they're gonna miss me. “Alam niyo naman po siguro ang sitwasyon namin ni Trevelyan. Kung paano po kami nauwi sa kasalan. Pero maraming salamat po sa maayos na pakikitungo ninyo sa akin. Lalo na sayo ate Tess. Sa tulong tuwing nagluluto ako.”

Finally the very last of my clothes were inside my luggages. I remember the first day I was here. Halos hindi magkasya ang lahat ng gamit ko sa wardrobe ni Trevelyan, kaya naman nang sumunod na araw ay mayroong binigay na closet si Uno para sa amin.

I zipped my luggages, tinulungan ako ng mga kasambahay para ibaba ang lahat ng mga gamit ko. Nasa labas na ang driver ni Tito Samuel at naghihintay para sa akin.

Ang huling bagahe sa itaas ay ako na mismo ang kumuha.

I sat at the edge of our bed and scanned the whole room. This has been the room I shared with Trevelyan for eight months. Sa loob ng walong buwan na iyon ay marami ring nangyari rito. I remembered how mean he was to me the first month, how he said he was sorry for what he did. Kahit iyong mga panahong nag aaral ako at nagtatrabaho siya rito. Lahat ng mga pinagusapan namin sa kwartong ito. I will always miss how it feels so safe in his arms. Ngayon ang kwartong ito ay kagaya na lamang noong una akong pumasok rito.

As if I wasn't even here.

Pinasadahan ko ng aking kamay ang kama. My fingertips ran on the silk fabric.

Though it was shortlived, I will always be thankful for our fairytale , Trevelyan. You made me so happy. I could only wish I did make you happy, too.

Dadalhin kong parati ang mga ngiti niya. Kagaya noong hindi ko siya nakita ng ilang taon. I will always remember his face in my heart and pray for his happiness, kahit na wala na ako.

Pinalis ko ang aking mga luha. Pagkababa ko ay naroon na si Mama Stella, kausap ang driver.

She sighed when she saw me. Motioned everyone to leave for a while.

“Must you really go, hija?” napansin ko kaagad ang pagka basag ng kanyang boses. Nahabag ang puso ko roon.

Pinilit kong ngumiti. “Para po sa nakabubuti. Ito rin po kasi ang gusto ni Trevelyan.”

“At ikaw, ito rin ba ang gusto mo?”

Hindi ako nakasagot.

“I don't understand. Okay na man kayo, masaya kayong dalawa... you're good for him, hija. I noticed how he changed so much when you came....”

Halos hindi na ako makangiti. I didn't want to leave. Gusto kong dito lang sa tabi niya para maalagaan siya. Napamahal na rin ako kahit kay mama Stella, kay Rexes, kay Uno.

“Mali po ang nangyari sa lahat. Pinilit po siya ni papa na magpakasal sa akin para makalaya sa kulungan. Hindi ko po siya masisisi kung gusto na niyang tapusin ito dahil wala na rin naman si papa.”

“Awe, hija. Alam kong ayaw mo itong gawin.” she pulled me in a tight hug. “Napamahal ka na sa akin.”

She was the closest to mother figure I ever had. She was always good to me.

The betrothed (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora