11

1.1K 60 6
                                    

Nang dahil sa nangyari, hindi na ako naka attend ng Christmas party, hindi na rin ako masyadong pinapayagang umalis ni Henry. It was different this time, kasi noong may gusto akong puntahan ay si siya pa mismo ang nagpapa alam para sa akin kay Papa. I'm still grateful though, dahil hanggang ngayon ay hindi niya sinasabi kay Papa. He stayed true to his words, na hindi niya ito sasabihin kay papa kung iiwas ako sa kay Trevelyan.

Naging madalang ang pagsasama namin kahit sa school. Alam niya ang tungkol sa pinagusapan namin ni Henry, kaya tuwing naguusap kami ay sa likod na lang parati ng building ng school. Iyong walang masyadong nakakakita. Natatakot rin kasi akong baka may mga estudyante rin na inutusan si Henry para mag manman sa akin. I don't even know who told him about Trevelyan and I's friendship.

“I understand why your cousin is like that. Isa pa, mainit talaga ang dugo niya sa akin. Hindi ko rin siya gusto. Kung siya siguro ang nakikipag kaibigan sa kapatid ko ay pagbabawalan ko rin.” he said calmly ngunit hindi nakatakas sa akin ang kanyang pag ngiwi.

“Maswerte pang hindi niya ako sinumbong kay papa. Siya lang talaga ang kaibigan at kakampi ko sa mansyon, Treb. Sa kanya lang ako nakakaramdam ng pagmamahal mula sa isang pamilya.”

Natigilan ako. Ito ang kauna unahang beses na tinawag ko siyang Treb, like all his friends does. Napansin kong napagtanto niya na iyon ang iniisip ko dahil sa pag angat ng sulok ng kanyang labi. I bit my lip and looked away.

“Hmm. Payag naman ako, na dito lang kita nakakausap. This would be my new favorite place, then.” mga tanim na gulay ang naroom sa harapan namin. Livelihood section kasi ito ng iskwelahan, halos walang estudyante na nagpupunta dito. karaniwang may tao lang rito kapag Livelihood na ang klase.

Sumabat si Paul. “Buti pa kami nitong si Tori, walang magbabawal.” kinindatan niya ito at inakbayan. Tinulak siya nito at tumawang malakas si Paul.

“Siraulo ka talaga, Aldeguer.” nailing nitong sabi.

“Masisira na talaga ang Bait ko, kapag hindi mo pa ako sinagot. Bakit ba ayaw mo pa akong sagutin, Tori...”

Tumawa rin ako sa mapanlokong asta ni Paul sa aking kaibigan.

“Bakit nga ba ayaw mo pang sagutin, Tori?” humagikhik ako.

“Ano ka ba? kakakilala ko lang don sa Tao, tsaka isa pa, masyado pa akong bata. Hindi rin ako sigurado kung... seryoso ba talaga siya. Alam mo naman si Paul, palaging nagbibiro.”

“Pero sinabi niya sayong gusto ka niya?”

She blushed and nodded.

“Ehhh yun naman pala eh.”

Tori rolled her eyes. “I could say the same. Bakit ba ayaw mo pang sagutin si Trevelyan?”

Natigilan ako. Hala. “Hindi naman siya nanliligaw! Tsaka, magkaibigan lang kami. Panigurado, iba ang gusto non.”

Hatid sundo ako ni Henry. Minsan wala pang dismissal ay nariyan na siya kaagad. Maayos naman ang pakikitungo niya sa akin pero iyon nga lang, naging mahigpit na siya.

“Pasensya ka na, kung hindi kita natulungang magpaalam sa Papa mo. Alam ko namang naiintindihan mo kung bakit.”

Tumango ako. “Naiintindihan ko naman.”

Marahan siyang ngumiti. Henry's gentle side towards me is showing, once again. I refuse to believe he'll be cruel to me for a long while. Alam Kong sa lahat ng Tao rito ay siya lang ang kakampi ko. He's the only one who cared for me.

Wala ako noong Christmas party. Pinilit pa ako ng mga kaklase na dumalo pero alam ko naman kung bakit gusto nilang naroon ako. Hindi rin ako nag ambag ng kahit ano. I promised Tori I won't ever let them use me again. Kung hindi dahil kay Paul, hindi rin sana siya pupunta roon.

Trevelyan didn't attend, too. Ang sabi niya sa text ay boring din naman iyon. Pupunta na lang daw siya sa Christmas party para sa kanilang fraternity sa susunod na araw.

Trevelyan: Is there a chance we could see each other today?

Desperas bago magpasko. Maraming Tao sa bahay, kadalasang may mga visiting negosyante si Papa. Sa hacienda naman ay namigay ng mga pang noche buena si Henry sa mga tauhan.

Ako: Hindi kasi ako pinapayagang umalis. Pasensya na.

Trevelyan: Okay lang. Kamusta ka riyan?

Napangiti ako. Parang kahapon lang, tinanong rin nito ang kalagayan ko.

Underneath the big, bad wolf, Trevelyan has a caring side he refuses to let everyone see. Mapalad na siguro ang nagkakaroon mg pagkakataong makita iyon. Kagaya ko.

Sa Christmas eve ay kasama Kong naghapunan si Tito Samuel, Papa at Henry. I noticed papa was in a pleasant mood. Ganoon rin si Tito Samuel at kahit pa si Henry. Napuno nang usapan ang hapag. Pagkatapos ay uminom na sa labas si Papa at Tito. Naiwan akong kasama si Henry. Heto siya at pinabubuksan ang regalong bigay niya sa akin.

Mga libro iyon mula sa mga author ng iba pang libro na naibili na niya para sa akin. First edition pa ang mga iyon. Nanlaki ang Mata ko at niyakap siya. “Thankyou, Henry! Pasensya na, wala akong maibibigay na regalo sa iyo.”

He chuckled. it's been a while since he laughed with me. “Bumawi ka nalang sa susunod kung may trabaho ka na. Nagustuhan mo ba?” Pabiro niyang sabi.

“Oo naman! Talagang babasahin ko ito ngayong bakasyon...”

“I'm glad you liked it.”

Sumabay si Henry kila Papa kaya umakyat na ako sa aking kwarto para magpahinga. Mamayang alas dose ay gigising rin naman ako para bumati.

Kinuha ko ang aking cellphone mula sa pagkakacharge. Doon ko lamang napansin na marami pa lang text mula roon.

Trevelyan: May ibibigay ako. Are u in your room?

Trevelyan: Hey

Trevelyan: Iiwan ko lang rito sa bintana.

My eyes widened. How did he... tinakbo ko ang maliit na distansya papunta sa bintana at nakita ang kwintas na nakasabit roon. May papel pa na nakasabit at alam Kong kanya ang sulat kamay na iyon.

merry Christmas

Hinawakan ko ang gintong kwintas at tinignan ang ganda niyon. May kakapalan ang bilog na pendant roon, simple lang.

My heart raced. Sa sandaling iyon, hindi ko malaman kung bakit ganoon ang saya na nararamdaman ko higit pa sa saya nararamdaman ko kanina noong makuha ang regalo mula kay Henry. I felt so special. Talagang dinala niya pa ito rito sa araw ng pasko at paano kaya siya nakapasok?

Humarap ako sa salamon at sinuot ang kwintas.

Ako: Trevelyan! Thankyou!

Inaasahan Kong magrereply siya sa akin ngunit nagulat ng tumatawag na pala ito sa aking telepono. Mabilis ko itong sinagot. His deep, baritone voice greeted me.

“Hey...”

Kahit sa boses niya, natutuwa ako... na kinakabahan.
Natatakot ako. Natatakot ako sa mga bagay na ipinararamdam sa akin ni Trevelyan Di Marco.

The betrothed (COMPLETED)Where stories live. Discover now