20

1.5K 85 11
                                    

Naging masaya ang bachelorette party ni Tori. Noong matapos ay sinundo kami ulit ng private plane at hinatid rin sa kaniya kaniyang bahay namin. Dahil gabi, nariyan mismo si Trevelyan sa bahay. Pantalon niya lang at boots ang kita ko dahil nasa ilalim siya ng kanyang pick up. Mukhang may inaayos doon.

“Treb,” tinawag ko siya.

Binitawan niya ang tool na hawak. He pushed himself out and emerged infront of me. Ngumuso ako. Nadudumihan ang puti niyang tshirt!

Nag taas siya ng kilay. “What's that pout all about?”

Kahit sa kanyang mukha ay may grasa rin. “Uhm, bakit ka nakaputing t shirt habang ginagawa iyan? Nadudumihan.”

There's always something about his eyebrow raised and his weight shifting, lalakeng lalaki siya, back then he always looked so boyish. Now, he's so manly.   “I shouldn't have worn a shirt, is that it?” tumaas bahagya ang gilid ng kanyang labi.

Nanlaki ang mata ko. I've seen him shirtless a couple of times, in our bedroom, or after he showered. But I've never seen him shirtless and working! Napahigpit ang hawak ko sa aking bagahe.

Trevelyan chuckled, sinabayan niya pa iyon ng iling. “Kamusta ang bakasyon?”

“Nag enjoy ako. Kapag si Tori ang nagplano ng lakad nag eenjoy talaga ako.” binigyan ko siya ng ngiti. “Anong... ginagawa mo dyan sa sasakyan mo?”

“May inaayos lang. Did you eat?”

“Umiling ako.”

Nagpagpag siya at sinundan ako sa loob. He went upstairs carrying my luggage. Pagkababa niya ay nakapalit na ito ng damit at malinis na ang itsura. Inihanda ng katulong ang aking dinner at naglagay ng dalawang plato. Trevelyan sat across me.

“Hindi ka pa kumakain?” manghang tanong ko.

“I was waiting for you.” he murmured and looked away. Pinigilan ko ang pagkawala ng ngiti sa aking labi. You calm down, Xerxes Torillo! Ay, Di Marco pala.

Pagkatapos kumain ay bumalik siya sa kanyang ginagawa. I plan on waiting for him pero hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. I was tired, too. Noong nasa Amanpulo ay mag uumaga na parati ang tulog namin dahil sa mga pinag gagawa namin. Kagaya ng iilang tagpo tuwing umaga, pagkagising ko ay nasa kama pa rin siya at natutulog. Maingay rin ang hilik niya. When I tried to wake him up, yet again, sinabi niya na namang wala namang magagalit kung late siya dahil siya ang may ari ng hacienda. Umiling ako. Hindi ko na siya ginising at ang driver nalang ang naghatid sa akin papuntang iskwelahan.

While I was on my way to school, my phone beeped. Galing ang mensahe kay Henry.

Henry: Hindi ka na nag paparamdam, Xerxes. Kamusta ka riyan? Abalang abala ka?

Xerxes: Sorry. Naging abala sa klase at sa bachelorette party ni Tori. Maayos lang naman ako rito, Henry. Ikaw?

Paniguradong nagtatampo iyon sa akin. Kahit ganoon yun kalaki at nakakatakot sa iba, kapag nagtampo sa akin ay parang bata.

Henry: Hindi ka rin bumalik sa mansyon. Talagang paninindigan mo iyan, Xerxes? Kami pa rin ang pamilya mo.

Yes, you are, Henry. Ikaw lang ang tumuring sa aking pamilya higit pa kay Papa.

Hindi ako nagreply sa mensahe niyang iyon. Ilang oras ay nag text siya muli.

Henry: I know you're still upset and I'm sorry. Pero wag namang pati ako ay kinakalimutan mo na rin, Xerxes.

I was touched by his words. Agad akong nagreply sa aking pinsan.

Xerxes: Sorry, Henry. Kapag free na ako ay babawi ako sayo, pangako.

The betrothed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon