Unang silip

4K 129 24
                                    

Sa isang malungkot at mapag isang buhay na aking kinalakihan, ang tanging naging karamay at kausap ko ay ang mga buwan at talang pinagmamasdan tuwing gabi. Ang buwan, ang tala, mga tanging saksi sa aking paghikbi, sa aking tawa.

"Xerxes, ma hamog na sa labas. Pumasok ka na." Boses iyon ng aking Papa. Ang tanging taong mayroon ako sa aking buhay. Wala akong mama, kahit ang kanyang pangalan ay hindi ko alam. Kahit ni isang litrato sa mansyong ito ay wala.

Noon, tinatanong ko si Papa tungkol sa aking ina. Ang tanging sagot ay wala na ito. Wala, nangiwan? Namatay? I'll never know. I am too scared to my father to even bother, I am too scared to even ask.

Hindi ko kamukha si Papa. Sigurado ako doon. Kahit ang masungit niyang ugali at malakas na kompyansa sa sarili ay hindi ko nakuha. Nahihiya ako sa mga tao, at kung pwede nga lang na huwag ng mag salita...

"Saglit nalang po..." sagot ko sa mahinang boses. Unang araw ko bukas sa highschool, lahat yata ng kaba ay nasa aking dibdib na. Pagkatapos ng elementarya ay inilipat pa ako ni Papa sa isang paaralan, kaya naman labis ang aking kaba ngayon. Wala akong kakilala doon. Hindi ko alam kung doon ba mag aaral ang ibang mga kaklase ko dati, hindi naman ako nakakapagtanong dahil sa halos anim na taon ko sa elementarya, halos Wala akong naging kaibigan.

I am Xerxes Marie Torillo, the only daughter of Gilbert Torillo Jr, the most powerful man in San Dionisio, the man who owns the biggest Hacienda in the region, and one of the most dangerous man in the capital. Iyon siguro marahil ang dahilan kung bakit wala akong maging naging mga kaibigan. O talagang... ayaw lang akong kausap ng ibang tao?

Iyon ang nararamdaman ko kay Papa. Buong buhay ko, hinding hindi niya pa ako niyakap, o hinalikan, o pinatahan tuwing umiiyak ako. Paminsan minsan ay natatanong ko kung talagang anak niya nga ba ako, o talagang ganoon lang rin siya bilang isang tao.

"Punasan mo ang luha mo, Xerxes. At itaas mo iyang baba mo. Sa pamamahay na ito, bawal ang mahina. Naiintindihan mo ako?"

Halos hindi ko makain ang pagkaing nasa aming hapag. Noong hindi ako sumagot ay narinig ko ang pagbaba niya ng kubyertos. Nag taas ako ng tingin sa gulat.

"Walang aalo sa'yo kapag umiyak ka." He said, and I think that was the last time I ever cried in front of him. Ayaw kong tinatawag niya akong mahina, at dahil ayaw niya ng umiiyak ay tanging sa buwan at mga tala ko lamang naibubuhos ang aking kalungkutan. I never wanna disappoint, as much as possible.

"Señorita, alas tres po ay nandito ako. Gusto niyo bang ihatid ko kayo Sa classroom ninyo?"

Umiling ako. "Huwag na, manong Ricky. Ayos lang po ako."

Kinuyom ko ang aking palad sa aking palda. Ang kabang naramdaman ko kagabi ay wala sa kabang nararamdaman ko ngayon. Ang daming tao, ang daming nakatingin habang dumadaan ako. Ang pang ibabang labi ko ay halos magka sugat dahil sa aking pangangagat. I was sweating bullets, ganito naman talaga basta't first day sa highschool, hindi ba?

Ang daming tao...

Dati sa International school kung saan ako nag elementarya, hindi naman ganito karami ang tao. Maliit lang rin ang paaralan kumpara dito. Everything was new to me, nahihirapan rin akong ganito kasi hindi ako magaling makipag socialize sa mga tao.

Iyon na yata ang pinakamatagal na lakad ko sa buong buhay.

Nakahinga lang akong maluwag noong mahanap ang kwarto kung saan naka paskil ang pangalan ko. Dumaan ako sa pintuan sa likuran at umupo sa pinaka likod na silya. Kagaya ng mga first day of school sa ibang paaralan ay kailangang magpakilala rin dito sa harap ng mga kaklase at sa guro. Iyong mga kaklase ko ay nakangiti pa habang pinapakilala ang kanilang sarili, habang umuusad naman ay halos hindi na ako mapakali. My heart was in my throat, kabadong kabado ako.

"Your turn, hija." Tinawag ako ng guro noong hindi pa ako tumayo kaagad. Hilaw ang aking ngiti.

"I--I'm Xerxes Marie Torillo... 11 years old." Nanginginig pa ang aking labi.

"Any hobbies? Description about yourself?"

Mabilis akong umiling at umupo. Nagtawanan ang aking ma kaklase. Anong problema?

"Class, stop. Baka nahihiya lang si Xerxes..."

Nang dahil doon ay magisa akong kumain noong mag recess na. I didn't go to the canteen, may baon akong dala at paniguradong siksikan lang iyon doon. Sa isang gazebo na maraming nakasulat sa pader ay doon ako kumain. Nalulungkot akong ang ibang mga kaklase ko ay may mga kaibigan na at magkasama pang mag rerecess, tapos ako, eto, magisa na naman.

Guess I'll be spending four years in highschool alone again, huh?

Thirty minutes ang recess dito sa University. Mabilis kong naubos ang meryendang baon ko, ang aking sarili ay inaliw ko sa pagbabasa ng mga vandalism doon sa gazebo. Ito nga lang yata ang gazebong may mga nakasulat.

Hindi ko itinuloy ang pagbabasa dahil halos lahat ng nakikita ko ay mura. Ang iba naman ay guhit na bastos.

Napabuntong hininga ako. Oh well, what a first day of school it is, huh?

Tawanan at mga sipol na narinig ko papunta sa gazebo ang nagpalingon sa akin. Lumingon ako mula sa pagkakayuko at nakita ang mga kalalakihang nakatingin sa akin.

Estudyante rin, pero mukhang mas matanda naman sa akin. Siguro ay nasa fourth year?

"Hoy, bata, bakit dito ka? Hindi mo ba alam na territoryo namin ito?" Isa sa kanila ang nag salita. Ang iba ay naka pamewang pa habang hinihintay ang sagot ko.

Binilang ko kung ilan sila. Anim. Pagkatapos noon ay nagbaba na ako ng tingin dahil sa kaba. Mga lalaki sila at mukhang mga masasama pa, baka pag tripan ako at paiyakin...

"H-hindi ko po alam. P-pasensya na po. Aalis na lang ako..."

Mabilis kong iniligpit ang aking lunch box at ang aking backpack ay sinuot ko, nakayuko pa rin. Akmang aalis na ako ng magtama ang aking mata sa isang katawan na nakaharang.

"Saan ka pupunta?" Napa angat ako ng tingin sa lamig at panganib ng boses na iyon. Natutop ang aking bibig.

Ibang iba ang mukha niya sa kanilang lahat, sobrang pamilyar rin siya at kung hindi ako nagkakamali ay kilala ko siyang talaga.

Natakot ako sa tangkad niya. Nanginig ako, please, sana ay may tumulong.

"Pasensya na. H-hindi ko po talaga alam na inyo iyan dito." I hurriedly explained, lumiko pa ako sa kabila pero humarang siya ulit sa akin. His lips tugged into a ghost of smile.

"You're new here, aren't you?"

Aba mukhang gangster lang pero ang galing naman mag English!

Tumango ako. Ang sabi ni Papa, tuwing may nagtatanong sayo, parating sasagutin ng maayos.

"Opo."

"Then, you can stay here. Kung wala ka pang kakilala. You can join us every recess. I don't mind sharing you our place."

My eyes widened. I couldn't point out where I've seen him or heard his voice. Ang tanging alam ko ay hindi ito ang unang tagpo naming dalawa.

"Aba, ang bait mo naman yata ngayong araw, Treb."

Ang sapatos ko ang pinagtuunan ko ng atensyon, doon lamang ako nakatingin. Standing here makes me so uncomfortable, ilang na ilang akong mapalibutan ng mga taong hindi ko naman kilala.

Isang kamay ang inilahad sa akin. Mula iyon sa kanya. Nagtaas ako ng tingin, ibinaba niya ang kanyang kamay. Nagtawanan ang kanyang mga kaibigan.

Suminghap ako.

"I'm Trevelyan, I know you. You're Xerxes, right?"

The betrothed (COMPLETED)Where stories live. Discover now