2

1.7K 84 6
                                    

Si Rafael Rosales ang pinaka makulit na nakilala ko. Mula noong insidente sa football field ay hindi niya naman talaga ako tinantanan. How he managed to get my number is still a mystery to me. Parati itong nagti-text. LNagrereply din naman ako kapag nagtatanong siya. But when he calls, hindi ko sinasagot ang tawag. Baka niyan marinig pa ni Papa na may kausap ako sa cellphone at mapagalitan pa. Ang sabi ni Rafa ay Gusto niya akong i date. I am too young for that. Besides, baka ginu-good time niya lang ako at ng mga kabarkada niya. I'm not even pretty. For all I know, may pustahan lang ang mga iyon.

"Magandang umaga, Xerxes." Nag angat ako ng tingin ng makitang naka sakay si Henry sa kabayo. Ibinaba niya ang sombrero.

"Magandang umaga!" Bati ko pabalik. Nasa balkonahe ako ng mansyon at kita mula rito ang pag ha-harvest ng mga tauhan. Henry is probably helping papa. Masyadong maaga pa noong ito ay umalis, hindi ko na nga naabutan.

"Ang aga pa para mag aral, ah." He chuckled lightly. Ngumiti ako sa kanya. Of all people in my family, kay Henry lang magaan ang loob ko. Siya lang naman kasi itong nagpapakita ng malasakit sa akin.

Exams na kasi next week, kapag hindi ako nag aral, hindi ko ma mimaintain ang grado ko at baka bumaba pa. I have to work hard this grading.

So on my free time, I was at the library. Minsan, kasama si Marc. Minsan naman, ako lang magisa tuwing may practice ito. Kilala na nga ako ng librarian dahil parati ay naroon ako. Iyong library card ko nga ay halos mapuno na.

Nagbabasa ako ng may humila ng upuan sa aking tabi. The screeching sound distracted me from reading, I looked at the person beside me only to see that it was Trevelyan Di Marco. He smirked and noisely shoved his bag at the table. Kung hindi lang ako takot sa kanya ay sinuway ko na siya sa pag iingay. Now that he's beside me, all I could do is tremble.

"Hi..." he lazily said.

"Magandang hapon." Nag aalangan kong sabi. I was uncomfortable, alright. I don't think a student here has ever been comfortable around this brute. Well, except for his friends.

I closed the book I was reading, napansin niya iyon. Pinuna niya lang noong inilagay ko ang libro sa aking bag.

"Aalis ka dahil nandito ako?" He accused, though, it didn't sound angry. Sa katunayan, banayad ang boses niya.

"M-May gagawin pa kasi ako."

Trevelyan Di Marco smirked, again. "Really?"

Tumango ako.

"Exam na kasi next week. And I'm on the verge of failing grades so I need your help." Diretsahan niyang sinabi na parang obligado akong turuan siya.

My eyebrows shot up. "Pa-aano ako makakatulong?" He's in his senior. Magkaiba ang leksyon namin kesa sa leksyon nila. He's got to be kidding me...

"Exactly. You're reading my mind, Xerxes Torillo." Trevelyan raised his eyebrow. "I heard you're good in math. Aaralin mo lang naman in advance para maturuan ako." He said again, like everything was just so simple. Na parang hindi niya hininging aralin ko ang math lessons ng isang fourth year!

It was all about calculus. Mahirap para sa akin dahil nga nasa sophomore pa lang ako. I had to look for other references other than his book. Yes, he has given me his book as if it was my lifeline. Third grading na pero yung libro niya ang bago pa rin. Parang hindi niya man lang binuklat kahit kailan.

Seriously, it still smells new.

Napuyat ako sa pagaaral ng ituturo sa kanya. The brute only gave me two days to study. If only I have a say on it, talagang hindi ko siya tuturuan. He didn't even ask if I could do it, o kung willing ako. Mabuti nalang at wala kaming masyadong Assignments. I don't want to gave mg studies divided attention. Talagang timing ang pagpapaturo niya dahil wala ako aaralin.

The betrothed (COMPLETED)Where stories live. Discover now