xxiv. the exorcism of anneliese michel

541 28 3
                                    

Ang Exorcism ni Anneliese Michel

Si (Anna Elisabeth "Anneliese" Michel) ay pinanganak sa Germany noong September 21, 1952

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Si (Anna Elisabeth "Anneliese" Michel) ay pinanganak sa Germany noong September 21, 1952.

Nagkaroon siya ng malalang seizure at na-diagnosed na may Psychosis dahil sa temporal lobe epilepsy noong siya ay nasa edad 16 pa lamang. Bukod sa seizure ay nakaranas din siya nang matinding depression sa hindi malamang kadahilanan na naging dahilan para madala siya sa isang Psychiatric Hospital, subalit lalo lamang ito nagpalala sa kondisyon niya.

20 taon siya nang magsimula siyang magkaroon ng takot sa mga relihiyosong mga bagay lalo na sa krus, nakakakita ng nakakatakot na mga imahe gaya ng demonyo at nakakadinig ng mga boses na palaging bumubulong sa kanya, mapa-gising o kahit mapa-tulog man ito.

Ayon sa mga doctor na tumingin kay Anneliese ay meron siyang Schizophrenia. Pero patuloy na lumala ang kanyang mga nararanasan kahit pa tuloy-tuloy naman ang kanyang pag inom ng gamot sa loob ng 5 taon. At dito dumating sa punto na naniwala at pumasok bigla sa isip ng mga magulang ni Anneliese na siya ay baka sinasaniban ng isang demonyo.

Agad agad nilang dinala si Anneliese sa San Damiano, isang lugar sa Italia para bisitahin ang kaibigan nilang isang religious group leader. Subalit ng papasok na siya sa loob ng simbahan ay naging iritable ito at nagsasabing parang sinisilaban ang kanyang balat sa bawat hakbang na kanyang ginagawa pero nagtagumpay pa din ang magulang ni Anneliese na maipasok siya sa sambahan.

Dito ay mas naging kombinsido ang magulang ng dalaga at ilang tao na nakakita sa kanila noong oras na iyon, na tunay siyang sinasaniban. Pero tinanggihan sila ng pari na kanilang kaibigan na tignan si Anneliese at sinabing mas maganda kung dadalhin nila ito sa isang pagamutan para mas lalo itong matignan.

Dagdag pa nito na kailangan ng basbas ng isang Obispo bago sila makapag-gawi ng isang exorcism. Iyon nga ang kanilang ginawa humingi sila ng basbas sa isang Obispo at napagbigyan nga ang kanilang kahilingan dahil na din sa nakita ng Obispo ang kalagayan ni Anneliese at agad-agad ay nagprisinta ito ng dalawang pari na titingin sakanya para mag-perform ng Exorcism.

Naging permanenteng gamutan na ni Anneliese ang kanyang tahanan at ang dalawang pari na inatas sa kanya ng Obispo ang nagsisilbing doctor niya at dahil na din sa paniniwala na sinasaniban nga ang dalaga ay itinigil na nila ang pag papainom ng mga gamot dito at iniasa na lang nila ang lahat sa pari na tumitingin sakanya at gumagawa ng exorsismo.

Pero mas napadalas pa ang pagwawala nito sa pag daan ng mga araw at ayon din sa kwento ng pari na tumitingin sakanya ay may kakayahan minsan si Anneliese na magpagalaw ng mga bagay na parang may kakaibang kapangyarihan, tumigil na din ito sa pagkain at iniinom na nito ang sarili nitong ihi.

May pagkakataon ding nahuhuli siya na kumakain ng insekto, gaya ng ipis. Ito ang naging dahilan ng kanyang labis na malnutrisyon. Hanggang noong 1 July 1976, ay bumigay ang kanyang katawan at tuluyang namatay.

Sabi ng mga doctor ay maari sanang naagapan ang kondisyon ni Anneliese at hindi siya namatay. Ayon sa kanila ay napabayaan ito at hindi sila naniniwala sa sanib na sinasabi nila.

Ang magulang ni Anneliese at ang dalawang pari na kinilala na sina "Ernst Alt" at "Arnold Renz" ay nakasuhan ng negligent homicide.

Inilaban ang kaso nila ng kanilang abogado na si "Erich Schmidt-Leichner", si Erich ay ipinadala ng simbahan para tulungan ang magulang ni Anneliese at ang dalawang pari sa kaso. Nag-presinta sila ng ebidensya na nagpapatunay na satanic possession ang nangyari kay Anneliese. Nagkaroon ng mahabang debatehan at pag-uusap sa naturang kaso pero bandang huli ay hindi sila hinatulan ng hukom para makulong, kundi binigyan na lamang ng danyos perwisyo na bayaran ang dalawang pari na tumingin sa kanya, at wala na ding kaso pa na kinaharap ang mga magulang ni Anneliese dahil para sa hukom ay matindi na din ang dinanas nitong paghihirap dahil sa nangyari sa kanilang anak.

Kung pamilyar kayo sa kwentong ito, iyan ay dahil naisa-pelikula ito taong 2005 na pinagbidahan ni Jennifer Carpenter na pinamagatang "Exorcism of Emily Rose".

Bagamat iniba ang pangalan niya sa pelikula, di pa din maitatanggi na ito ang buhay ni Anneliese.

-Jade®-

Source/FactsOfKnowledge/ https://www.youtube.com/watch?v=NQ3HpyUL1EQ

Copypasted.
Ctto.

X-FilesWhere stories live. Discover now