xxiii. mysterious books

756 26 3
                                    

BOOK lover ka rin ba? May mga panahon talaga na ayaw nating makihalubilo sa tao at ang gusto lang natin ay magbasa ng libro. Kasi naman, masarap magbasa ng mga magagandang stories. Pero, sa panahon ngayon, ilan na nga lang ba ang nagbabasa ng libro? Bakit pa kailangan mo pang bumili isa-isa kung meron naman nang Wattpad? Ebook? Google? Nakakalungkot mang isipin, bihira ka na lang makakakita ngayon ng mga taong nakasubsob sa libro dahil madalas na nakapagkit ang mga mata nila sa cellphone, kaya ultimo mga babasahin ay nasa cellphone na rin. Hays. Kawawa naman ang mga book lover na katulad kong napaglilipasan na yata ng panahon.

Books, 'yan ang topic natin ngayong araw. Bago pa maging modernized ang mga ito, alin-alin nga ba ang mga ma-impluwensiyal, misteryoso, nakakatakot at kakaibang mga librong nakalathala sa nakaraan? Buksan ang mga mata, talasan ang pandinig, palawakin ang pag-iisip---de joke lang simulan na natin.

- - -
STRANGEST AND MYSTERIOUS BOOKS
- - -

CODEX GIGAS

Simulan natin sa Codex Gigas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Simulan natin sa Codex Gigas. Also known as The Devil's Bible, ito ang pinakamalaking medieval manuscript na nabubuhay pa rin hanggang sa ngayon, na merong laking 92 cm (o 36 inches), bigat na humigit-kumulang 165 lbs, at binubuo ng 310 na papel o 620 na pahina. Ginawa ito noong early 13th century sa Benedictine monastery of Podlažice na matatagpuan sa Bohemia, o isang region sa ngayon ay Czech Republic.

Pero ano nga bang meron sa librong ito at tinawag itong The Devil's Bible? Yun ay dahil pinaniniwalaang ang devil mismo ang nagsulat nito.

According sa lore, ang sumulat daw ng libro ay isang monk na sumira sa kanyang monastic vows kaya siya ay sinentensyahan na makulong habambuhay. Para matakasan itong kaparusahan niya, nangako siyang tatapos siya ng isang libro sa loob lamang ng isang gabi para purihin ang monasteryo habambuhay. Pero syempre, hindi naman 'yon ganoong kadali. Kaya pagsapit ng hatinggabi, alam niyang hindi niya na 'yon matatapos kaya naman nagdasal siya, hindi kay God kundi sa kanyang counterpart, si Lucifer. Nagdasal siya dito para humingi ng tulong na matapos ang libro, kapalit ng kaluluwa niya 'pag namatay siya. So, Lucifer heard his prayer and wrote the manuscript, at bilang pasasalamat, inilagay ng monghe ang litrato ng devil sa libro na makikita sa litrato sa ibaba nito;

 So, Lucifer heard his prayer and wrote the manuscript, at bilang pasasalamat, inilagay ng monghe ang litrato ng devil sa libro na makikita sa litrato sa ibaba nito;

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
X-FilesWhere stories live. Discover now