v. weird coincidences

1.1K 61 8
                                    

Coincidence - a remarkable concurrence of events or circumstances without apparent causal connection.

Highlight without apparent causal connection.

Ang mga coincidences kadalasan ay wala naman talagang koneksyon sa isa't-isa. Basta ay nagkataon lang. Hindi porke nahulaan mo yung mga numerong lalabas sa lotto ay manghuhula ka na (that's just luck). Hindi porke hinawakan mo yung may sakit at gumaling siya ay manggamot ka na. Hindi porke kadaraan mo lang at bumahing yung isa ay mabaho ka na. Malay mo coincidence lang. (O pwede ring nangangamoy ka na talaga, tawas-tawas din pag may time.)

Marami talagang coincidences sa buhay ng isang tao. Kung ako nga lang yung mga kapapanuod ko lang na shows, kinabukasan, palabas na naman. Example?

Alan Rickman, we'll drop you on three, but drops him on two. Kinabukasan, palabas sa channel 2, Die Hard. Clip ng Saving Private Ryan, kinabukasan, isa sa answers sa Boom ng Eat Bulaga. Yung lumang pelikula nina Angel at Dennis na TxT na bigla ko lang naalala kaya sinearch ko, wala akong makitang full movie. Sumunod na araw, ikinomercial sa Cinemo, ipapalabas daw. Like, wtf?

Pero syempre, maliliit na coincidence lang naman ang mga 'yon. Marami naman akong naranasang mindblowing pero hindi ko na iku-kwento dito kasi alam ko namang walang may paki.

At tutal andito na rin tayo sa coincidences, ito ang ilan sa mga mindblowing coincidences na nakita ko sa internet.

WEIRD COINCIDENCES

1. REINCARNATION

Ang founder ng Ferrari companyㅡisa sa pinakamahal ngayong sasakyanㅡ na si Enzo Ferrari ay namatay noong 1988. Isang buwan makalipas ang pagkamatay niya ay pinanganak naman si Mesut Özil na naging isang footballer. Well, people die and new lives are born. So nothing really uncanny there until...

 So nothing really uncanny there until

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hory zheet!

2. UNLUCKY BROS

Noong July 1975, si Erskine Lawrence Ebbins, ay isang 17 years old na naninirahan sa Bermuda Islands, at kasalukuyang nakasakay sa isang moped sa kalsada nang mabangga siya ng isang taxi. Pero halos isang taon bago mangyari ang aksidenteng 'yon, buwan din ng July, ang kapatid ni Lawrence na noon ay 17 years old din ay nakasakay sa parehong moped at nabangga rin ng taxi sa parehong kalsada. Parehong moped, parehong kalsada, parehong buwan, parehong edad, parehong taxi. Sa likod ng manibela ay ang parehong driver, sakay ang parehong pasahero nang mabangga ang magkapatid. And here I am thinking how strange coincidences could get.

3. ABRAHAM LINCOLN, JOHN F. KENNEDY

Maraming pagkakapareho ang naitala sa dalawang presidente ng Amerika, at narito ang ilan.
- Pareho silang namatay dulot ng tama ng bala sa likod ng ulo, araw ng Biyernes, bago ang isang okasyon. (Namatay si Lincoln bago sumapit ang Easter, at si Kennedy ay nung gabi ng Thanksgiving)
- Parehong may kaibigan na ang pangalan ay Billy Graham (magka-ibang tao).
- Parehong may apat na anak.
- Ang kanilang mga successor ay vice presidents na may pangalang Johnson (again, magkaibang tao) na parehong southener at demokratiko.
- At higit sa lahat, mayroong secretary si Kennedy na ang pangalan ay Mrs. Lincoln, samantalang si Lincoln naman ay nagkaroon ng secretary na may pangalang John.

4. UNSINKABLE

Nakapaglaro ka na ba ng Rules of Survival? How about doing it on water? Kung hindi mo pa 'yon nagagawa pwes wala ka sa bida natin ngayon.

Si Violet Constance Jessop ay isang Irish Argentine ocean stewardess na nakilala dahil sa pag-survive niya sa tatlong sister ships na RMS Olympic noong 1911, HMHS Brittanic noong 1916 at ang pamosong RMS Titanic noong 1912

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Si Violet Constance Jessop ay isang Irish Argentine ocean stewardess na nakilala dahil sa pag-survive niya sa tatlong sister ships na RMS Olympic noong 1911, HMHS Brittanic noong 1916 at ang pamosong RMS Titanic noong 1912. Like dude, seriously, how to be you po?

5. PARKER... OH, PARKER

Kilala niyo ba si Edgar Allan Poe? Sa mga hindi pa nakakakilala sa kanya, si EAP ay tinaguriang horror god dahil sa dami ng mga librong naisulat niya na may kinalaman sa kababalaghan. Pero noong 1838 ay may inilathala siyang isang libro na pinamagatang The Narrative of Arthur Gordon Pym of Nantucket, ang kaisa-isa niyang full novel.

Ano nga bang meron sa librong 'yon?

May isang eksena sa The Narrative of Arthur Gordon Pym of Nantucket kung saan may isang whaling ship na naligaw sa dagat, na ang sakay ay apat na crewmen. Tumagal sila ng ilang araw sa dagat, hindi alam kung saan dadalhin ng alon, hanggang sa maubusan sila ng pagkain. At para makapag-survive, nagbunutan sila kung sino sa kanila ang kakainin para mabuhay ang natitirang tatlo. Ang pinakamalas, ang cabin boy na may pangalang Richard Parker.

Forty six years matapos mailathala ang librong 'yon, merong parehong insidenteng nangyari sa open sea. Naging usap-usapan 'yon dahil sa nakapangingilabot na mga pangyayari sa maliit na barkong Mignonette. Aling nakapangingilabot? Dahil nga ilang araw na silang nagpapalutang-lutang sa dagat ay naubusan na sila ng pagkain, kung kaya naman, si Thomas Dudley ay nag-suggest na kainin na lang ang isa sa kanila, na wala nang asawa't pamilyang uuwian, para mabuhay yung natitira pa.

At ang malas na tao, walang iba kundi ang kanilang cabin boy...

Na ang pangalan ay Richard Parker.

X-FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon