xxi. the mystery of flight 914

718 29 4
                                    

PANA-PANAHON ANG PAGKAKATAON, MAIBABALIK BA ANG KAHAPON?

Uy, nostalgia. Hays, ang sarap sigurong balikan ng nakaraan ano? Yung tipong wala ka pang pinoproblema kundi anong oras ka papalabasin. O kaya naman yung mga masasayang panahon na gusto mong balikan...

Aminin mo man o hindi, we love the idea of time travel. Yung tipong gusto mong magkaroon ng drawer ni Doraemon o kaya naman ay yung Time Turner ni Hermione. Oh 'di ba, kavogue?

Time travelling has been significant in some of the most beloved sci-fi films over the past decades, at hanggang ngayon ay pinagdedebatehan pa rin kung possible nga bang mag-time travel ang mga tao; sa black holes man o bermuda triangle.

Pero ito ang itatanong ko sa'yo, paano kung isang araw ay may maka-usap kang isang time traveller mula sa past, anong gagawin mo?

Yan ang nangyari kay Juan dela Corte nang maka-usap niya ang piloto ng isang flight na nagtake-off 37 years ago...

Paano nangyari 'yon?

Ang Pan Am Flight 914 ay nagtake-off mula sa New York patungong Miami noong July 2, 1955

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang Pan Am Flight 914 ay nagtake-off mula sa New York patungong Miami noong July 2, 1955. Kasama sa flight na 'yon ay 57 na pasahero at 4 na crew. Sounds like a normal flight, right? However, after nitong magtake-off ay nawala na ang signal nito at hindi na mahagilap ng air controllers. Ganun lang, biglang naglaho sa radar at wala nang nakakita o nakaka-alam ng impormasyon tungkol sa kung anong nangyari sa eroplano. Wala ring mga bangkay ang natagpuan o nai-ulat na nagcrash ito. Kaya 'di kalaunan---although walang lead or evidences--- napunta na lang sa konklusyon ang mga investigators na baka nag-crash ito sa malalim na parte ng karagatan at lahat ng sakay ng eroplano, kabilang na ang crew, ay namatay. Marami nang nag-imbestiga at ilang araw na rin ang lumipas, pero kahit anong lead ay wala silang nakuha, kaya naman binigyan na lang ng compensation ng airline company lahat ng pamilya ng mga namatayan. That's it. The tragic story ended there.

Pero doon na nga ba nagtatapos ang kwento ng flight 914? Nope, far from it.

Lipad tayo 37 years later, dito na magsisimula ang misteryong bumabalot sa naturang eroplano.

Si Juan dela Corte ay isang air traffic controller sa airport na matatagpuan sa Caracas, Venezuela. September 9, 1992, ordinaryong araw na naging ekstraordinaryo nang may biglang sumulpot na eroplanong wala sa radar.

Juan dela Corte played a huge part in this mystery dahil siya ang nag-assist sa piloto ng isang DC-4 Douglas aircraft na bigla na lang lumitaw mula sa kung saan.

Hindi alam ni Juan kung saan galing ang eroplano dahil bigla na lang itong sumulpot sa radar. Kaya nang makakuha siya ng contact signal dito, nagtanong ang piloto ;

"Where are we?"

Followed by,

“We are Pan American Airways flight 914 from New York to Miami with a crew of [four] and 57 passengers.” 

X-FilesWhere stories live. Discover now