xi. creepy dolls

952 38 4
                                    

WHO here loves dolls, raise yo hands!

I liked a doll. Oo isa lang, isang ragedy ann doll na niregalo sakin nung 7 yata ako o 8 basta. Tapos katabi ko pa sa pagtulog na feeling ko non ay nakakaramdam ng lamig na kailangan ko pang kumutan.

Actually, marami kaming manika, yun laging natatanggap naming magkakapatid sa exchange gifts e. At sa dami nun dati, halos napuno namin yung cabinet na ginawa ng tatay ko para lang sa mga manikang 'yon. Yun nga lang ay pinagtatapon na rin 'yon at wala nang natira ni isa. Bakit? Kasi nagmumukha na silang creepy sa kwartong walang natutulog lol.

Alam mo yung feeling na nasa kwarto ka, busy kaka-cellphone, ikaw lang mag-isa, tapos feeling mo ay may nagmamasid sayo? At 'pag lingon mo, yung manika ang nakatitig sayo, nakangiti, tila binabasa ang kaluluwa mo. Wiiish. 'Wag kang mag-alala, hindi lang ikaw ang nakakaramdam ng ganon dahil marami talagang manika na pinaniniwalaang possessed. At diyan magsisimula ang ating topic para sa article natin ngayong araw.

Top 10 creepiest dolls
(some possibly haunted)

Number 10 - FELICITY ROSSI'S ZOMBIE DOLLS

Kung active ka sa social media, siguro naman ay nakita mo ang mga shared post tungkol sa babaeng 'to na nagpakasal sa kanyang manika di ba? Pero, hindi 'yon ordinaryong manika kundi isang 'zombie doll'

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kung active ka sa social media, siguro naman ay nakita mo ang mga shared post tungkol sa babaeng 'to na nagpakasal sa kanyang manika di ba? Pero, hindi 'yon ordinaryong manika kundi isang 'zombie doll'. Si Felicity Kadlec Rossi ay nag-viral sa Facebook matapos i-post ang kanyang litrato kasama ang kanyang 'asawa' na hindi naman sa pagiging judgmental ay talaga namang ang creepy tingnan. Bukod pa ron ay meron din siyang iba pang zombie dolls, na although na-verify na mga manika lang, ang iba ay naniniwalang yun daw ay totoong mga bata, kundi man, ang buhok daw nito ay galing sa totoong tao. Kahit hoax lang 'yon, hindi ba't ang weird naman talagang makita ang isang taong hinahalikan ang isang doll na mukhang nagmula pa sa The Walking Dead?

Number 9 - RUBY

Ruby the explorer, ang kapatid ni Dora na gala

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ruby the explorer, ang kapatid ni Dora na gala. Yep. Ayon sa mga may-ari ng ordinary looking doll na ito, si Ruby raw ay nakikita sa iba't-ibang bahagi ng bahay kahit wala namang gumagalaw dito, o atleast umamin na gumalaw nito. Ayon pa daw sa kanila, si Ruby ay pinagpasa-pasahan na ng ilang generation at ito'y may katandaan na rin.
Isa pang kakaiba kay Ruby ay kapag hinawakan mo raw ito, o makita mo lang, ay makakaramdam ka ng di maipaliwanag na kalungkutan at pagkahilo. Sa ngayon ang manikang ito ay nasa The Traveling Museum of the Paranormal and the Occult kung saan pwede itong dalawin ng mga interesado.

X-FilesWhere stories live. Discover now