"Drink some water." Sabi ni Tres na inabot pa sa akin ang tubig. Mabilis ko iyong kinuha at ininom.

"Are you okay?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Tumango ako at iniiwas ang tingin ko sa kanya.

Bakit ganito ang pakiramdam ko? I feel like my heart is going to burst. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko at tila may paro-paro sa sikmura ko. Mabilis kong nahila ang kamay ko nang bigla niya iyong hawakan. Hindi ko sinasadyang hilain ang kamay ko pero nang oras na dumampi ang balat niya sa balat ko ay parang lalagnatin ako. Mainit at tila nakukuryente ako. Lumipad ang tingin ko sa mukha niya. Wala na ang kaninang ngiti at ngayon ay bumalik sa pagkaseryoso ang mukha niya.

"P-Papanhik na ako." Wika ko. Hindi ko na siya hinintay sumagot at mabilis kong tinakbo ang hagdan. Pagdating ko sa kwarto ay mabilis kong hinawakan ang tapat ng dibdib ko.

What is the meaning of this? The butterfly in my stomach? The spark? The race in my chest?

I have this kind of attraction with Tres since I saw him pero hindi ko akalain na ganito ang magiging epekto niya sa akin. Malaki ang epekto niya sa akin and it's not healthy.

***

Hindi ko alam kung anong oras na ako dinalaw ng antok. Buong oras ay nakatingin lang ako sa pinto. For the past few days ay ganito na ang ginagawa ko bago matulog. Just staring on the door as if someone will gonna enter it and do something to me.

I'm not scared that Tres might do something I won't approved. Mas takot ako sa sarili ko. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko at makagawa ako ng bagay na pagsisisihan ko bandang huli.

Bukod kay Tres ay may isa pang dahilan kaya hindi ako kaagad dinalaw ng antok. I am thinking of my current situation.

Maybe I can escape in this Island but not with our marriage. Mapapagod lang ako kung tatakas pa ako. At saan naman ako pupunta kung makakatakas ako? Sa magulang ko? They already sold me to Tres. I am already cornered. Wala na akong ibang mapupuntahan na hindi alam ni Tres. Should I just accept my destiny? Iyon ang bagay na nakatulugan ko.

Nagising ako nang bigla akong makaramdam ng uhaw. Napatingin ako sa side table. Ala una na ng madaling araw. Bumangon ako ngunit bago ako lumapit sa may pinto ay tinignan ko ang kabilang side ng kama.

'Hindi talaga siya pumapasok sa kwarto.'

If he wants to, he can easily open the door. In that thought I smiled. Siguro nga ay tama siya. Hindi niya ako pipilitin sa bagay na ayaw kong gawin. Tuluyan na akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina. Pagkatapos kong uminom ay akmang papanhik na ako ng marinig ko ang pagstrum ng isang gitara.

Nagmumula iyon sa labas. At dahil nasa kusina ako ay dinig na dinig ko iyon. Mabilis akong lumapit sa may pinto at binuksan iyon.

'Si Tres.'

Nakaupo siya sa duyan na nandoon at nag iistrum ng gitara. Nakaside siya sa akin kaya hindi niya ako napansin. I stared at him. Sumandal ako sa hamba ng pinto at pinagmasdan siya.

There are days
I wake up and I pinch myself
You're with me, not someone else
And I am scared, yeah, I'm still scared
That it's all a dream

Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. And his voice is soothing my ears. Ang sarap pakinggan ng boses niya. Husky and soothing.

'Cause you still look perfect as days go by
Even the worst ones, you make me smile
I'd stop the world if it gave us time

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now