Chapter 68: The AfterLife's Head Necklace

5 1 0
                                    


Pagsapit ng gabi ay sinimulan na ng Sound Thiefs planong huling pagnanakaw nila. Sa labas ng Museyo ay may dalawang bantay sa labas. Habang sa loob naman ng museyo ay may apat pang bantay na naglilibot, ang museyo ay may mahihigpit na seguridad gaya ng mga lihim na sinulid na nakalagay sa gilid ng mga antik na bagay sa museyo at kapag nasagi mo ito ay magbibigay ito ng babalang tunog. Mabuti na lang at nalaman ng isang kasamahan nila ang mga detalye sa pamamagitan ng pagkukunwari nitong isang namamasyal lamang sa museyo nung umaga at napansin ang mga sinulid.

Dahil dun ay may saktong daan na sila papasok at palabas ng museyo. Iniwasan nila ang dalawang bantay kaya't sa isang kanal sila dumaan na kumokonekta sa isang bakanteng silid ng museyo. Pagkapasok nila doon ay sinilip nila ang labas ng silid upang pag-aralan ang galaw ng apat pang bantay sa loob, habang ang isang kasamahan naman nila ay naiwan sa labas upang magmatiyag habang nakatago sa isang halamanan.

Nang mapag-aralan na nila ang galaw ng apat pang bantay sa loob ay dahan-dahan silang gumapang at naglakad gamit ang kakayahan nilang humakbang ng marami at mabilis ng walang tunog. Ma-ingat din nilang iniwasan ang mga sinulid hanggang sa narating nila ang silid na kung saan naroon ang AfterLife's Head necklace. Maya maya'y maingat nilang iniwasan ang nga sinulid na nakapalibot dito at sa taas nila binutas ang salaming nakatakil dito na hugis kahon.

Isang bagay ay ginamit ng isang kasamahan nila at idinikit ito sa salamin, pagkatapos ay dahan-dahan nilang binutas ito ng pabilog ng walang ingay. Pagka-butas nito ay ipinahawak ito kay Tinik habang si Tinik naman ay nilagyan ang salaking bilog na binutas ng tila kakaibang pandikit sa gilid nito na magdidikit agad sa kahit anong bagay sa madaling sandali.

Ang isa namang kasamahan nila ay minanipula ang pintuan ng silid ginawa itong mistulang pader upang hindi makita ng mga bantay na may pintuan doon at hindi maisipan na pumasok sa silid na iyon. Dahan-dahang kinukuha ng isang kasamahan nila ang kuwintas hanggang sa makuha na nila ito.

Pagkakuja sa kuwintas ay inilagay nila sa isang komportableng maliit na kahon ang kuwintas sabay si Tinik naman ay muling ikinabit ang binutas na salaming bilog at wala pa ang ilang sandali ay kumapit na mulit ito sa pinanggalingan butas nito at nagmistulang walang nangyari sa kahong salamin.

Matapos nun ay ginawa ulit nila ang kakayahan nilang maka-hakbang ng maraming beses ng mabilis at walang tunog hanggang sa makabalik sila sa bakanteng silid at muling dumaan sa kanal palabas ng museyo.

Hanggang sa maka-alis sila doon at matagumpay nilang nanakaw ang kuwintas. Pagkatapos nilang magawa ang huling pagnanakaw nila ay nagkaroon sila ng kaunting kasiyahan sa kanilang sikretong base. Kinabukasan naman ay nagpasiya na silang maghiwalay, umalis na ang tatlong kasapi ng Sound Thiefs habang si Tinik naman ay naiwan sa kanilang sikretong base, at tuluyan na nganh nabuwag ang Sound Thiefs.

Si Tinik naman at ginawa na niyang tirahan ang kanilang dating sikretong base hanggang sa nagpasiya na siyang maging bayani. Nabalitaan niya ang tungkol sa paligsahan kaya't naghanap siya ng magiging kasama niya, hanggang sa nakilala niya sina Claudia at Migel sa isang kalapit na bayan na tila nangangailangan din ng isa pang kasama para sa paligsahan.

Nag-ensayo't nagsanay sila para sa paligsahan hanggang sa dumating ang araw ng paligsahan.

Balik sa kasalukuyan, matapos maalala ni Tinik ang mga dati niyang kasamahan sa Sound Thiefs ay nakatulog na ito.

Kinabukasan, ang grupo naman nila Rex, Medinna at Aricana ay nagpasiya na ring umalis sa bayan ng Kalakas. Habang sa paglalakad nila ay napadaan sila sa isang parke at napansin ni Aricana ang isang estatwa ng tigre sa parkeng iyon...

Medinna: May problema ba Aricana?

Aricana: Ahh wala, may naalala lang ako nang makita ko 'tong estatwa ng tigre sa parkeng ito.

Rex: Oo nga pala no, tigre ang simbolo sa lugar niyo.

Aricana: Oo, matagal-tagal na rin kasi mula nung lisanin ko ang lugar namin.

Medinna: Ganun ba?

Noong nakaraang bata pa si Aricana sa kanilang lugar, siya ay natutong humawak ng sibat para sa pakikipaglaban at sa pagmimina. Ang lugar nila ay kilala sa mga minahan ng tanso, pilak at mga ginto. Ang simbolo ng kanilang lugay ay ang tigre na siyang itinuturing nilang tunay na pinuno ng kanilang lugar dahil ang mga tigre raw ang mga katulong nila sa pagpo-protekta ng kanilang lugar.

Isang araw, si Aricana ay pumunta sa loob ng isang kuweba na sikreto niyang lugar para sa kanyang pagsasanay ngunit habang nagsasanay siya sa loob ng kuweba ay biglang lumindol ang bundok at gumuho ang nga bato sa labasan ng kuweba hanggang sa natabunan ito ng malalaking bato.

Nakulong si Aricana sa loob, humingi siya ng tulong habang sinusubukan niyang atakihin ang mga malalaking bato gamit ang kanyang sibat. Ngunit dahil bata pa lamang si Aricana ay hindi pa siya ganoon kalakas upang sumira ng malalaking bato. Nang maunawaan niya na hindu niya ito kaya ay tumigil siya sa pag-atake ay umupo muna sa isang tabi habang nag-iisip ng iba pang paraan kung paano siya makakalabas sa kuwebang iyon.

Hanggang sa naisipan niya na pasukan na lang ang buong kuweba upang maghanap ng iba pang lagusan palabas ng bundok. Ilang oras na rin siyang naglalakad sa loob ng kuweba ngunit tila wala pa rin siyang mahanap na ibang daan palabas. Tila humihija na rin ang hangin sa loob ng kuweba ay bahagyang nahihirapan na siyang huminga ng maayos sa loob ng kuweba.

Habang sa paglalakad naman niya ay tila nararamdaman niya na pababa siya ng pababa. Wala nang ibang maisip si Aricana kundi tumuloy sa kanyang paglalakad. Ngunit pagkarating niya sa baba ay tila nakaramdam siya ng hangin na tila nagmumula sa dulo o hangganan ng lagusan na yun.

Tinahak ito ni Aricana at habang papalapit ng papalapit siya rito ay lumalakas at gumiginhawa ang hanging nararamdaman niya. Hanggang sa marating niya ang dulo, at pagkarating niya sa dulo ng lagusan ay tumambad sa kanya ang isang malawak na katubigan sa loob ng kuweba. Maginhawa na rin ang hangin doon at dahil sa ilang oras na paglalakad at pagka-uhaw ni Aricana ay madaling uminom siya sa katubigang iyon.

Ngunit habang umiinom siya ay tila may isang mahabang nilalang ang gumagapang at umaaligid sa lugar na iyon ng kuweba samantalang si Aricana naman ay walang kaalam-alam sa maaaring mangyaring kapahamakan sa kanya.
.
.
.
.
.
Ipagpapatuloy!!!...

Ang Alamat ng Maalamat na BayaniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon