Chapter 12: Black Raven

69 5 0
                                    

Sa isang gubat malapit sa bayan ng Magiting ay may tatlong kabataan ang nage-ensayo para sa nalalapit na paligsahan, dalawang imortal na tao at isang mortal. Yun ay sina Renega, Maya at si Reyskie, si Renega ay isang mahusay na Dual Blader, si Maya naman ay isang Book Caster at si Reyskie naman ay isang Pyromancer.

Nag-ensayo ang dalawa na sina Renega at Reyskie sa pamamagitan ng palitan ng mga atake, Gumagamit ng Fire Ball si Reyskie para tamaan si Renega ngunit hindi niya matamaan dahil ginamit ni Renega ang kanyang kakayahan na Footwork na kung saan bumibilis ang kilos nito at malaking tsansa na maiwasan ang kahit anong atake.
Mabilis na tumakbo si Renega papalapit kay Reyskie at inihanda ang kanyang dalawang dagger para gawin ang Imaginary 3 Tiger slash ngunit bago pa man niya ito nagawa ay madaling napansin naman ito ni Reyskie kaya't bago pa man makalapit si Renega ay gumamit agad siya ng Sear Flame kung saan itinapat niya ang kanyang kaliwang kamay sa direksyon ni Renega at tila may lumabas na apoy na mistulang diretsong buga ng dragon, at nang makita ito ni Renega ay nagmadali siyang umiwas gamit ang Footwork at napa-atras...

Reyskie: Oh bakit? Anong problema? Nagulat ka ba sa ginawa ko?

Renega: Anong nagulat ang pinag-sasabi mo diyan? Hanggang doon na lang ba ang ikabi-bilis mo huh?

Reyskie: Tsk! Ano ka ba? Nagpapa-init pa lang ako. Ngayon humanda ka sa mga susunod kong mga atake! Heh!

Renega: Hmm! Sige! Sabi mo ehh! Ibigay mo na lahat ng makakaya mo!

Reyskie: Heto na 'ko! Humanda ka!

Pasigaw na sabi ni Reyskie at nagpatuloy na ulit sila sa pagpapalitan ng mga atake..

Sa isang sulok naman, maiging pinag-aaralan ni Maya ang bawat mahikang nakasulat sa librong ipinamana sa kanya ng kanyang mga ninuno at iyon ay ang libro ni Gayu Mahik.

Si Gayu Mahik ay isang kilalang pinaka-mahusay at magiting na bayani ng nayon ng Majika, at sa libro niya nakasulat ang libo-libong mahikang taglay niya nung siya ay buhay pa

Sinubukan ni Maya ang isa sa mga mahika nito na tinatawag na Overload kung saan pwedeng maglabas ng isang puting pwersa ng enerhiya at patamain sa kalaban mo, ang pinsalang matatamo ng matamaan nito ay mas higit pa sa pinsala ng isang ordinaryong kidlat. Ngunit mabagal lang ang pagtama nito sa pinatatamaan.

Sinubukan ni Maya na patamaan ang isang malaking bato gamit ang mahikang Overload ng paulit-ulit ngunit nakakatatlong patama pa lang sa bato ay lusaw na lusaw na ang itsura nito.

Tuwang tuwang namangha si Maya sa kanyang nagawa..

Habang patuloy sa pag-eensayo ang tatlo ay may naramdaman si Renega na kakaiba.

Reyskie: Oh! Bakit ka na naman huminto? Huwag mong sabihing napapagod ka na?

Renega: Hindi sa napapagod ako!

Reyskie: Kung hindi pala ehh bakit ka huminto?

Renega: Hindi mo ba nararamdaman ang nararamdaman ko?

Reyskie: Ang alin?

Renega: Na parang may nagmamasid sa atin?!

Reyskie: Nagmamasid? Wala naman ahh! Baka guni-guni mo lang yun gawa ng pinakain ko sa 'yong sisig na may pira-pirasong siling labuyo na akala mo wala hahahahaha xDD!!

Renega: Tsk! Baliw ka talaga! Siguro nga guni-guni ko lang yun

Maya: Hindi! Hindi iyon isang guni-guni!

Ang Alamat ng Maalamat na BayaniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon