Chapter 24: Group 47

24 1 0
                                    


Lamabas sila sa silungan at nagtaka kung anong nangyari..

Reyskie: Anong nangyari? Paanong napunta tayo sa lugar na 'to at bigla na lang dumami ang mga tao.

Reico: Oo nga ehh, nagulat din ako. Ngunit baka naman bahagi ito ng ikalawang paligsahan?

Ulymar: Sakatunayan, ang pagpunta natin sa ibang lugar ay hindi na bago. Ngunit ang maraming tao? Tila may kakaiba o may nabago sa paligsahang ito ngayon.

Reico: Anong ibig mong sabihin?

Maya maya'y biglang nagpakita at lumitaw sa kanila ang isang salamangkerong tagapamahala at ipinaliwanag sa kanila ang magiging mangyayari sa ikalawang paligsahan.

Sinabi ng tagapamahala kung paano muna sila napunta sa lugar na iyon. Sinabi niya na ang mga silungang iyon ay hindi lang basta basta pangkaraniwang silungan dahil isa talaga iyong teleportasyong bagay na pinapagana ng salamangkang teleportasyon.

Napa-isip si Reyskie at sinabing "Kaya pala pinapapasok ang mga gamit at sandata natin kagabi bago tayo matulog."

Pagkatapos ay sinabi naman ng tagapamahala kung nasaang lugar sila ngayon at sinabing nasa sagradong gubat sila ngayon ng mga namayapang sinaunang mandirigma.

Kinilabutan ang iba at inakalang baka isa iyong libingang gubat ngunit ipinaliwanag ng tagapamahala kung bakit tinawag itong "Sacred Forest of the Ancient Warriors".

Sinabi ng tagapamahala na hindi dapat kilabutan sa gubat na ito dahil maaari ngang ang gubat na ito ay naging libingan ng mga sinaunang mandirigma dahil dito namatay ang karamihan sa naganap na sinaunang digmaan ngunit naging sagrado na ito at may basbas na ng Hari ng kahariang ito at basbas mula sa mga nakatataas na mga Knights.

Ang gubat na ito ay isa nang sagrado at mayroon nang banal na salamangka kaya't wala nang papatak na dugo sa gubat na ito kahit kailan.

Namangha ang mga kalahok sa kuwento at nakatagong hiwaga ng gubat na iyon.

Matapos sabihin ang tungkol sa gubat na kanilang magiging lugar ng labanan ay sinabi na ng tagapamahala kung anu-ano ang mangyayari at patakaran ng ikalawang paligsahan.

Sinabi ng tagapamahala na sa ngayon ay 60 grupo na lang ang natitira at ang 60 grupo na iyon ay mahahati sa 4 na kuponan. Ang bawat isang kuponan ay may labing-limang grupo at ang bawat isang grupo ay magkakaroon ng tig-isang watawat.

Ngayon sa paligsahan raw na iyon ay ang isang grupo ay kailangang maka-ipon ng apat na watawat at kapag naka-ipon na ng apat na watawat ay kailangang dalhin ito sa isang malaki at malawak na Dungeon na matatagpuan sa gitna ng gubat na ito.

Ngunit kailangang ingatan din ninyong mabuti ang watawat ninyo upang hindi ito maagaw o kaya nama'y makipaglaban sa iba upang makakuha ng watawat at ipagtanggol din naman ang watawat ninyo.

Kailangan niyo din na ang grupo ninyo ang isa sa maunang makarating sa Dungeon. Napatanong naman ang isang kalahok at sinabi kung ilang grupo ba ang dapat na makarating sa dungeon bago matapos ang paligsahan.

Sinagot siya ng tagapamahala at sinabing labing-limang grupo lang ang makakatuloy sa Dungeon na siyang ikatlong paligsahan.

Dagdag ng tagapamahala na sa ikalawang paligsahang ito raw at kailangan ding gamitin ang pagtutulungan ninyo sa isa't isa kaya ito nahati sa apat na kuponan. Ang mga grupong kasama ninyo sa isang kuponan ay ituring ninyong kakampi habang ang grupo naman na nasa mga kabilang kuponan ay ang inyong nga kalaban.

Sakatunayan raw ay ang tema ng ikalawang paligsahan ay tema ng isang malawakang digmaan. Isipin na lang na ang bawat kuponan ay mga hukbo at ang 4 na hukbo na iyon ay maglalaban hanggang sa sumuko ang isa at maagaw nito ang watawat ng kalaban.

Maraming nasabik sa mga sinabi ng tagapamahala at isa na doon ang grupo nila Reico. Sinabi pa ulit ng tagapamahala na sa paligsahang ito ay maaari nang gamitin ang kanilang mga sandata para sa pakikipaglaban o sa madaling salita ay pakikidigma.

May isang kalahok naman ang napatanong ulit kung ligtas bang gamitin ang mga matatalim na sandata sa pakikipaglaban?

Sinagot iyon ng tagapamahala at sinabing wala silang dapat alalahanin dahil gaya nga ng sinabi niya tungkol sa hiwaga ng gubat. Wala nang papatak na dugo sa gubat dahil ito ay nababalot ng banal na salamangka. Subalit paalala ng tagapamahala na maaari ngang hindi ka na masusugatan sa paligsahan ngunit ang kapalit naman nito ay kapag ika'y tinamaan ng mga atake ay mababawasan ang iyong lakas at ang mababawas na lakas ay naka-depende sa lakas ng atakeng tatama sa iyo.

Binigay ng tagapamahala ang mga watawat sa bawat grupo at ang mga watawat na iyon ay may iisang kulay lamang ngunit bawat isang watawat ay may mga magkaka-ibang bilang. Ang mga bilang raw na iyon ay ang magiging pangalan ng grupo nila sa paligsahan.

Ang lahat ng watawat ng buong kuponan ay kulay Pula at mayroong labing-limang watawat na may bilang na nag-uumpisa sa bilang 36 hanggang 50.

Ang bilang ng watawat na napunta kina Reico ay bilang 47 kaya't ang pangalan ng grupo nila sa ikalawang paligsahan ay "Grupong 47".

Bago matapos sa pagpapaliwanag ang tagapamahala ay sinabihan niyang bibigyan niya muna sila ng 20 minuto upang makilala ang magiging kakampi nila sa paligsahang ito at mapag-usapan ang mga pagtutulungang gagawin nila upang matalo ang iba pang kuponan..

Tagapamahala: Mga Kalahok ngayon ng paligsahan ito at maaaring maging Bayani ng rehiyong ito sa hinaharap! Humanda na kayo para sa isang Matinding Digmaan!

Abangan ang susunod na ...

Ang Alamat ng Maalamat na BayaniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon