Chapter 15: Farewell "My Friend"

45 5 0
                                    


(At sa pagpapatuloy ng kuwento ng 'Batang prinsipe at ang apoy")

At makalipas na nga ang limang araw ay naging malungkot ang batang prinsipe sa dahilang pinagbawalan siyang makalabas ng palasyo. Wala nang ginawa ang prinsipe kundi ang humiga sa kama at kung minsan ay nakatingin sa labas ng kanyang bintana at tinitignan ang mga bantay sa kanilang palasyo at tinitignan rin niya ang galaw ng mga ulap.

Nang matapos ang isang linggo ay pinayagan na ring makalabas ang batang prinsipe ng kanyang ama. Natuwa ang batang prinsipe dahil muling makikita niya ulit ang kanyang mahiwagang kaibigan.

Umalis ang batang prinsipe papunta sa lugar kung saan niya madalas makita ang kanyang kaibigan kasama ang kanyang ina at ilang mga kawal. Nang pagkadating nila sa lugar ay madaling tumakbo ang batang prinsipe papunta sa puno upang tawagin ang kanyang kaibigan, nagpa-alala naman ang kanyang ina na magdahan-dahan sa pagtakbo.

Pagkadating ng prinsipe sa puno ay paulit-ulit niyang tinatawag ang kaibigan niya ngunit hindi ito sumasagot, ni hindi rin ito nagpaparamdam. Nagtaka ang prinsipe kung bakit hindi sumasagot o nagpaparamdam ang kanyang kaibigan. Dahan-dahan na ring nawawala ang mga ngiti ng batang prinsipe at ito ay napansin ng kanyang ina kaya't kinausap ang prinsipe ng kanyang ina at tinanong kung iyon nga ba ang lugar ng kaibigan niya, sumagot ang batang prinsipe at sinabing hinding-hindi raw siya pwedeng magkamali, iyo raw talaga ang lugar.

At dahil napansin ng kanyang ina ang tila nawalang ngiti ng kanyang anak ay sinamahan na lang niya ito na maghintay sa sinasabing kaibigan ng kanyang anak.

Magdadapit-hapon nang naghihintay ang mag-ina sa lugar na yun ngunit hindi pa rin nagpapakita ang sinasabing kaibigan ng kanyang anak hanggang sa 'di kalayuan malapit sa banging malapit sa kinaroroonan nila ay may mga kislap ng liwanag ang lumitaw, nakita ito ng prinsipe kaya't madali niya ito nilapitan tumakbo papalapit sa bangin.

Nag-alala naman ang kanyang ina at sinabihang magdahan-dahan lumapit sa bangin sabay sunod din ng kanyang ina.

Pagkalapit ng prinsipe ay nadismaya siya sapagkay imbis na ang kaibigan niya ang makita niya ay mga gamu-gamo lang naroon sa gilid ng bangin. Nalungkot siya sa nangyari dahil hindi niya nakita nunh araw na iyun ang kaibigan.

Magga-gabi na at tila madilim na rin ang kapaligiran nang pabalik na ang mag-ina sa puno kung saan naroon ang mga kawal nila nang biglang napansin ng mag-ina ang napakaliwanag na liwanag ng buwan na tila nakatutok sa puno, at nang paglingon nila muli sa puno ay tila may lumitaw na mga sulat na naka-ukit malapit sa ugat ng puno at nilapitan ito ng prinsipe.

Pagkatingin niya ay muling nanunumbalik ang kanyang ngiti at tila dahan-dahang lumuha sapagkat tandang-tanda niya ang kulay ng kanyang kaibigan at ang mga naka-ukit na sulat mismo sa puno ay pawang kakulay ng kanyang kaibigan kaya't halos maiyak siya sa tuwa habang sinasabi ito sa kanyang ina na ang mga sulat na yun ay gawa ng kanyang kaibihan at hindi raw siya nagkakamali.

Gusto mang malaman ng prinsipe kung anong ibig sabihin ng mga naka-ukit sa puno ay wala rin siyang magawa dahil hindi niya alam kung paano basahin ang mga yun, pati mismo ang kanyang ina at mga kawal na kasama nila ay walang alam sa sulat na naka-ukit sa punong iyon.

Hanggang sa biglang umihip ang malakas na hangin at nilipad ang mga kumikinang na abo mula sa mga sulat na naka-ukit at walang anu-ano'y biglang narinig ng prinsipe ang boses ng kanyang kaibigan kasabay ng paglipad at pagdaan ng mga kumikinang na abo malapit sa tenga niya at sinasabing "Aking kaibigan, Ako'y natuwa at naging maligaya na nakilala kita, Hindi man ako taga-rito ngunit ako'y naging maligaya sa lugar na 'to. Dahil sa iyo aking kaibigan, Natutuwa ako't nag-karoon ako ng kaibigang katulad mo, ngunit kailangan ko nang lumisan upang bumalik sa aking pinanggalingan. Ako'y nagpapasalamat sa iyo aking kaibigan, Hanggang sa muli." At biglang napalingon ang batang prinsipe sa kalangitan matapos dumaan ang malakas na ihip ng hangin at nakita niya ang isang makinang na pulang bituin na kumikinang sa kalangitan at walang anu-ano'y naalala niya dito ang wangis at mga masasayang araw nila ng kanyang kaibigan.

Ang Alamat ng Maalamat na BayaniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon