Chapter 22: I'm Alway's Ready!

26 3 0
                                    


Matapos nilang malagpasan ang pagsubok ay tuloy-tuloy sila sa pagtakbo hanggang sa makalabas sila ng bayan patungo sa timog na direksyon.

Nang makarating na sila sa gubat ay tila malapit na rin makaabot ang liwanag ng bato sa hangganan nito kaya't mas lalo nilang minadali ang pagtakbo...

Ngunit habang tumatakbo sila ay nahulog si Reyskie ng di inaasahan sa isang kumunoy. Napahinto ang dalawa. "Anak ng! Ano 'to? 'Di ako makagalaw ng maayos." sabi ni Reyskie. "Wag kang masyadong magalaw! lalo kang mabilis na lulubog diyan." tugon naman ni Reico.

Tila hindi siya pinakinggan ni Reyskie at pinipilit pa rin umahon, gumamit na siya ng kanyang kapangyarihan ngunit kahit anong pagliyab niya ay balewala, mas lumulubog lang siya ng mabilis.

Reyskie: Hoy! Kayong dalawa, tulungan niyo 'ko! hindi yung titingin-tingin lang kayo diyan.

Reico: Ba't hindi na lang kaya gawin mo ngayon 'yang sinasabi mong diskarte?

Pabirong sabi ni Reico...

Reyskie: Ikaw...! Humanda ka sa 'kin mamaya kapag naka-ahon ako dito!

Reico: Haha, biro lang. heto na, tutulungan ka na namin...

Sinubukang hilain ang kamay ni Reyskie habang hihilain naman ni Ulymar si Reico...

Subalit hindi nila nahila si Reyskie...

Reico: Pano na yan? mukhang mahirap nang hilain siya mula sa kumunoy na 'to.

Ulymar: Sa tingin ko ay kailangan natin ng isang mahaba at matibay na bagay upang mahila siya.

Reico: Tulad ng isang tali?

Ulymar: Oo, ganun na nga. Kailangan natin ng isang tali o lubid upang mahila siya sa kumunoy na 'to.

Bigla namang may nakita si Reico na isang taling nakalapag sa lupa at dali-dali niya itong kinuha...

Reico: Hoy, may tali dito ohh!

Hahawakan na ni Reico ang tali ng biglang napa-isip si Ulymar at sinubukang balaan si Reico ngunit bago pa man masabi ni Ulymar na huwag niyang hawakan ang tali ay nahawakan na ni Reico ito...

Pagka-hawak niya sa tali ay biglang mabilis na umangat ang isang kulungang tali na patibong mula sa lupa at nakulong si Reico.

Reico: Ahh! Ano 'to? paano nagkaroon ng patibong dito?

Ulymar: Pasensya! 'Di agad kita nabalaan. Sandali, hayaan mong tulungan kita...

Reyskie: Ang mangmang mo naman! 'di ka ba nagtaka kung bakit may tali sa gitna ng gubat na 'to? 'Di ba halatang patibong yan?

Reico: Hah! Ako pa ngayon ang mangmang? Eh sino kaya diyan ang malapit nang lumubog dahil sa hindi pagiging kalmado?

Naisip ni Reico na gamitin ang dala-dala niyang punyal upang pang putol sa mga tali..

Sinubukan niyang hiwain ang tali ngunit tila makapal ang tali at hindi basta basta napuputol ng dalang punyal ni Reico.

Ginamit ni Ulymar ang kanyang Gintong sibat na nabuo mula sa liwanag ng kanyang kamay na tinatawag niyang "Spear of Hours".

Ang Alamat ng Maalamat na BayaniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon