Chapter 47: Fear

64.8K 1.1K 59
                                    

Chapter 47: Fear

 

 

Viel's P.O.V

 

 

          Tatlong araw na din kami dito sa may La Isla. And so far naging masaya naman ang mga nakalipas na araw namin ni Hanna. Kahit na nga ang daming panggulo sa amin, still, every seconds I spend with her is like forever. Every moment is memorable.

          We sleep together, woke up together, eat together. We almost done everything together.  Mas lalo tuloy akong na-eexcite na maging ganito ang araw-araw na routine ng buhay namin oras na makasal kami. ^___^ The idea makes me smile.

          "Movie marathon tayo!" suggest ni Hanna sa lahat ng nasa loob ng sala.

          "Huh? Ano namang papanuorin natin?" tanong ko sa kanya.

          "May baon akong mga heavy drama dito!" sabi nya sabay kalkal sa laman ng bag nya.

          May inilabas itong malaking CD case at saka namili ng mga magandang panoorin doon. And as usual, ano pa bang aasahan mo sa lagayan ng CD ni Hanna, puro Anime! Sya nga pala, nakalimutan kong sabihin sa inyo na die-hard anime fan 'tong si Hanna.

          "Wag mong sabihing Anime yung ipapanuod mo sa amin?" bored na sabi ko saka inilagay yung isang braso ko sa ibabaw ng sofa.

          "Movie nga di ba?" pagtataray nya.

          "Wow! One Piece!" tuwang-tuwang sabi ni Renji sabay pagitna sa aming dalawa ni Hanna. "Fan ka din ng One Piece? Ako super fan! Gusto ko dyan si Son Goku!"

          Gusto kong matawa sa sinabi ni Renji. Kahit hindi ako mahilig sa mga anime, alam kong si Son Goku ay sa Dragon Ball. At ang sa One Piece ay si Luffy.

          "Huh?! Anong Son Goku?! Sira! Sa Dragon Ball yun!" sabi ni Hanna.

          "Ah ganoon ba? Alam ko nandyan din sya eh!"

          "Taga-Japan ka tapos hindi mo alam yung mga anime sa inyo? Galing sa inyo yung anime di ba? Bakit hindi mo alam? Tapos sasabihin mong super fan ka ng one Piece?!"

          Blah! Blah! Blah! At sunod-sunod na yung pagbuka ng bibig ni Hanna. Sinermunan na nya si Renji about doon sa mga anime at sa pagiging anime fan nya. Lagot ka Renji.

          "Uy! A millionaire's first love! Maganda 'to!" singit naman ni Nozomi sa panenermon ni Hanna kay Renji. "Ito na lang ang panoorin natin Miss Hanna!"

          "Sige." at biglang nagchange mood na si Hanna.

          And she found a new friend in Nozomi.

          "Pasalamat ka at niligtas ka ni Nozomi Renji."

          "Grabe! Hindi ko alam na ganoon pala si Hanna!" T____T "Parang nagkamali lang ako eh! Kakatakot sya!"

          "Basta pag usapang anime, umayos ka. Si Hanna nakikipagpatayan sa anime." -____-

          "Bakit hindi mo sinabi agad?!"

          "Epal ka kasi."

          At nagsimula na ngang iplay nung A Millionaire's first love. Noong una medyo bored ako sa palabas na iyon. Paano ba naman babae lang naman yung mag-eenjoy sa mga ganoong drama. Pero as the story goes on, nakuha na rin nito yung atensyon ko.

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon