Chapter 1

5.7K 128 6
                                    

Malamig na sa balat ang hanging nagmumula sa bukas na bintana ng kanyang sinasakyang bus.

Sinilip ni Rose ang oras mula sa relong suot. Kulang sampung minuto ay mag iika-anim na nang gabi.

Unti-unti nang kumakagat ang dilim ngunit hindi iyon naging hadlang upang hindi niya mamalas ang kagandahan ng paligid.

Nagagalak sa tuwing may nakikitang interesante sa kanyang paningin.

Panay ang kuha niya ng litrato. Kaya laging nakahanda ang kanyang kamera.

Marahas na bumuntong- hininga ang katabi niyang matanda.

Kanina pa niya napapansin ang pamaya-maya nitong pagsulyap.

Mula pa sa terminal ng San Jose ay kasabay na niya ang matanda.

Sinubukan niya itong batiin, subalit ni hindi siya pinansin.

Kibit-balikat na pumormal na lamang siya ng upo.

Baka naman kasi nai-istorbo niya ang matanda sa kinauupuan.

Pag nakakakita kasi siya ng magandang tanawin ay bigla na lang siyang napapasinghap at naiikot ang puwet sa kinauupuan.

Kahit na sinubukan niyang magbukas sana ng usapin.

Masarap din kaya may ka-kwentuhan sa byahe. Bawas inip.

Minabuti niyang isilid na lamang ang kamera Sa bag.

Tumingin siya nang may paghingi ng paumanhin.

Pormal pa rin ang katabi.

Nagpasysa siyang tumanaw na lamang sa labas.

Binusog ang mata sa mga magagandang tanawin.

"Ineng, kung hindi ako nagkakamali ay dayo ka sa lugar na ito, hindi ba?"

Mabilis na ibinalik ni Rose ang pansin sa matanda nang marinig itong magsalita sa kauna-unahang pagkakataon.

Nasurpresa s'ya, marunong din pala itong managalog.

Buong akala pa naman niya ay baka hindi s:ya nito naiintindihan kaya tahimik lang.

Maliban Sa masyado itong seryoso at nakakailang kausap, napaka-eksaherado kasi nang pagkakakunot nito ng noo.

"Opo," mabilis niyang sagot.

Bagamat hindi naman nakaharap ang naturang matanda ay nagbigay siya ng palakaibigang ngiti.

"Kung hindi mo mamasamain ay saan ba ang iyong tungo?" Sunod nitong tanong.

"Patungo po ako ng San Fabian. Ayon po sa napagtanungan ko sa terminal ay anim na oras ang biyahe patungo roon. May kalayuan rin po pala."

Marahas na lumingon ang kausap. Gumuhit ang takot at pangamba sa mukha nito.

"Hindi ligtas ang lugar na ito Sa mga katulad mong dayo at babae pa," pabigla nitong sabi.

"H.. Ho?" Bigla niyang tanong.

Nagbibigay ba ng babala ang matanda o sadyang nananakot?

Gusto sana niyang klaruhin ang sinabi ng katabi nang maramdaman nila ang paghinto ng bus.

Gumuhit ang pagkabahala sa mukha ng matanda.

Sabay pa silang napa-tingin sa unahan.

Nagtaka siya wala sa sinumang nakasakay ang tumayo upang bumaba.

Sumilip siya sa bintana, latag na ang dilim sa labas.

Wala siyang maaninag na liwanag na maaaring magpatunay na may mga nakatira Sa paligid.

🌹The Forgotten Love🌹 (COMPLETED) Where stories live. Discover now