20 ~ Impregnate

Magsimula sa umpisa
                                    

Napahinto ang lolo niya sa pag-alis, muli siyang hinarap.

"Hindi na magpupunta dito sa Campbell, sinabi ko ng bumalik ka. Wag kang mag-alala at kakampi mo ako."

Maliit siyang napangiti at na-appreciate ang sinabi ng abuelo.

"Thanks, lo."

Isang tango lang nito bago isinarado ang pinto.

Kianna took a shower and changed a sleeping clothes. She go back to the bed and kissed Kielton's forehead before she lay beside him.

Nag-iwan lang siya ng sapat na distansya upang hindi niya ito mabangga. Gusto mang yakapin ay hindi niya na ginawa sa pangamba na baka masaktan lang ito.

THE RAYS of sunlight coming from the window woke her up from deep sleep. When Kianna heard a painful groan beside her, her eyes widened.

Mabilis na tinignan niya si Kielton at nagsisi nang makita na nakayakap siya rito at nakasiksik ang mukha niya sa braso nito. Taranta na dumistansya siya, kinain kaagad ng pagsisi kung bakit hindi niya namalayan na nakayakap na pala siya sa sobrang sarap ng tulog niya.

"H-Hi, morning," she greeted him.

Nang hindi sumagot si Kielton ay napilitan siyang bumangon. Maingat na umupo siya sa kama at tinignan ulit ito.

Maaga pa pero magkasalubong na ang mga kilay nito, may tanong sa mga mata nang salubungin ang tingin niya.

After a few moments of staring at her, Kielton's curious eyes roamed around the room, then it stopped in the glass window. Medyo napapikit ito nang masilaw sa sinag ng araw na nagmumula doon.

His eyes were still curious, he looked down to his body. Tapos ay muling ibinalik ang tingin sa kanya, medyo kinabahan siya, kung bakit ay hindi siya rin talaga matukoy.

"Where are we?" He asked in a weak husky tone.

"We are in... Romblon."

Kumunot lang ang noo nito, hindi nawawala ang pagtataka at ang maraming katanungan sa mga mata.

"And you?" He inquired.

"Me?" Turo niya sa sarili.

"Yeah, you."

Siya naman ngayon ang hindi makapaniwala sa tanong ng binata.

And when she realized something... that maybe Kielton lost his memory, she got alarmed. Pakiramdam niya ay bumaliktad ang sikmura niya sa ideyang hindi siya kilala ng kasintahan.

Kianna covered her mouth when she felt like throwing up. Nasa lalamunan niya ang lahat ng emosyon at para siyang mabibilaukan kung hindi niya 'yon mailalabas.

Nagmamadali na tumakbo ba siya papunta sa shower room at doon dumuwal. Maiyak-iyak at halos manghina pa sa sunud-sunod na pagbaliktad ng sikmura. Ang asim sa pakiramdam at talagang nakakadiri ng sobra.

After a few minutes of battling with that damn feelings, she brushed her teeth and washed her face.

Nanlalata na naglakad siya pabalik sa kama. Hindi na muna pinansin si Kielton dahil kumukuha pa siya ng lakas sa pakikipaglaban sa sikmurang bumabaliktad.

"What happened?" Kielton spoke again after a long silence between them.

Matamlay niya itong sinulyapan. Hindi pa masyado matanggap na wala nga itong naaalala.

Kagabi ay plano niyang ipaalam sa mga kaibigan nito na kasama niya si Kielton, kaya lang ay gusto niyang magpaalam muna sa binata. Pagod din siya kagabi kaya walang lakas makipag-usap at magkwento sa mga kaibigan nito.

Territorial Men 8: Kielton GrandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon