Chapter Twenty-nine

1.3K 48 8
                                    

Five o'clock na nang mapagsyahan ni Monique na magligpit ng gamit sa table nya. Wala si Zaint ngayon sa opisina pumunta ito sa Sta. Rosa techno park sa Laguna. Doon kasi gaganapin ang anniversay ng A&A bukas kaya personal nitong chineck ang pagdadausan non.

Magkikita sila ni Leanne ngayon sa may lobby. Wala naman syang choice dahil ayaw nya pang umuwi.

She texted Zaint

Hi. Magkikita kami ni Lee bago ako umuwi. I miss you. Uwi ka ba mamaya?

Pagka send ay tumayo sya para ayusin sa table ni Zaint ang mga ilang papeles na kailangan nito sa mesa. Pag balik nya sa sariling mesa nya may reply na ito agad sa kanya.

Don't know yet if I can come home.

Haaay. Then another text came.

But I want to. Wish you were here.

Di maiwasang mapangiti ni Monique. Kahit sa text hindi talaga showy si Zaint but at least he was trying. Nalulungkot pa din sya dahil walang kasiguraduhan kung makakauwi ba si Zaint. Kaninang umaga hindi na nya ito nakita pahkagising. Wala na ito. Maaga kasi umalis, but hey, he cooked her breakfast. Kaya naman sobrang kinikilig sya.

Magkatext din naman sila mula pa kaninang umaga. Pero iba pa din pala talaga kapag wala ang presensya nito sa paligid. Kahit na lagi itong naka bulyaw at nakautos. Nakakalungkot. Nang wala na syang gagawing trabaho, she quickly gather her belongings and took her handbag.

At least Leanne would make her happy.

Kanino kapa ba tutungo kapag may nalulungkot? Edi syempre sa bestfriend mo. Sakay na sya ng elevator pababa ng lobby. Doon na lang sila magkikita ni Leanne.

"Lee!" Lakad pa lang nito alam na alan na nya.

"Monique?" One brow arched. Agaw eksena sila nang niyakap sya nito at nag beso. Kala mo naman di nagkita ng isang taon. E halos isang linggo lang naman.

Umabresiyete sya dito at pumunta sila sa pinakamalapit na Italian restaurant.

"So whats new?" Makahulugan nitong tanong sa kanya. Leanne knew her very well. Di pa sya nag sasalita, may idea na ito.

She pouted. So kinuwento na nya dito ang lahat. Well except the spg part. Pati kung ano nangyari after nung spg. Kaya medyo nakaramdam sya ng lungkot.

Pinisil naman nito ang kamay nya. Too sweet. She could melt. SANA.

She wolfed down the pasta enthusiastically. "Meserep be?"

Naeeskandalong tinitigan nya ito. Baka may makarinig. Sabi na nga ba yun talaga pinaka concern nito. Pahapyaw lang naman ang kwento nya sa part na yun pero ang impakta yun talaga ang tinandaan. Nagpalumbaba sya habang nagkukwento. From the beginning 'till the bitter end.

"Wow, bestfriend we could make it a story, you know." At ang bruha pumalakpak pa habang madramang umiiling iling pa . Ano? Soap opera lang?

"Salamat sa suporta ha."

"Monique?"

They both turned at the voice.

"Nico?"

Nico's face was polite. Pero nakikita nya ang isang daan at isang tanong. Leanne raised one brow at her. Alam na nya ang nasa isip nito.

"Ah, Nico this is Leanne. M-my bestfriend" nauutal?

"Nice meeting you Leanne. Monique didn't mentioned about you." Tumingin sya kay Leanne. Parang gusto nya itong batukan. Nakangiti pa ng nakakaloko. Kay Nico.

Daring to Date the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon