Daring To Date The Boss

60.1K 644 21
                                    

"Exercising casual Friday, Ms. San Luis?" seryoso at naka-kunot ang noong salubong kay Monique ng boss nya pagkalapag pa lang ng bag sa table nya. Bigla naman syang na-conscious sa suot nyang floral dress na above the knee ang haba na pinatungan nya ng cardigan. Wash day nila every Friday and Saturday kaya hindi sya naka-uniform ngayon.

Unlike her and other employee, her boss, Zaint Arevallo wearing his usual business attire. Naka-coat and tie ito. Para tuloy itong model ng Armani suit. At gwapong-gwapo ito ngayon sa paningin nya kahit pa malalim ang pagkaka-kunot ng noo nito. Nakasandal ito sa hamba ng pinto ng opisina nito hawak sa kanang kamay ang bag nito na naglalaman ng laptop at nakapamulsa naman ang kabilang kamay.

Tila aliw na aliw sya sa pagtitig dito. Bakit nga ba hindi? Her boss, Zaint Vincent Arevallo IV is a very good-looking man. Dahil nga half-Spanish ang nanay nito, may pagka-spanish ang features nito. Mula sa expressive na mga mata nitong nakakatunaw kung tumitig, na binagayan naman ng makakapal pero well-trimmed na kilay pati ang mga perpektong labi nito na ang sexy lang! Kahit ni minsan magmula ng maging personal secretary sya nito ay hindi pa nya ito nakitang ngumiti alam nyang may perfectly pearly white teeth ito.

Kung muka lang ang pagbabasehan ay masasabing hindi lang ito basta gwapo, kundi gwapong-gwapo!

He was lean and muscular. Kahit pa may suot itong damit alam nyang may nagtatagong rippling  muscles at washboard abs dun.

Talk about drop-dead gorgeous. Ay jusko!

Ito ang dahilan kung bakit hindi makapagtrabaho ng maayos ang mga babae at ang mga sugo ni Zsa-zsa Saturna in short, mga bading na miyembro ng workforce ng A & A groups simula ng naging CEO nila ito. Well aside sa pagiging masungit, moody at short tempered nito. Marami man ang takot at ilag sa suplado nilang boss, alam nyang lahat naman ay humahanga sa aking kakisigan at gandang lalaki nito.

"Are you done examining me Ms. San Luis? Did I passed your taste?" walang ka-ngiti ngiting tanong nito sa kanya.

"Err.. Of course you are sir!" wala sa sariling sagot nya dito habang tumatango-tango pa na tila ba sang-ayon talaga sya sa nakikita.

"Good. Let's go now." Sabi nito na seryoso pa din. Naglakad na ito at nilampasan sya papunta sa elevator.

Tila bumalik naman sa katinuan ang isip nya. Napangiwi sya nang maisip nya kung paano nya itong pagpantasyahan at nakuha nya pang sumagot dito ng of course ha?

"Stop day dreaming Ms. San Luis. Maabutan na tayo ng traffic kapag hindi pa tayo umalis."  Napalingon sya nang magsalita ito. Muntik na syang mapatalon akala nya kasi nakasakay na ito ng elevator pero bakit mukang hinihintay sya nito?

Buong pagtataka syang tumitig dito.

"I have an early meeting at Sta. Rosa Techno park regarding the new environment regs, remember?" tila nabasa nito ang isip nya.

Of course she remembered. Sya pa nga ang nag-set up ng meeting na yon para dito. She hadn't expected na isasama sya nito. Nung ibubuka na nya ang bibig nya para sumagot dito, he did something unexpected.

He smiled. A sexy smile. OHMYGOD.

Okey. Kung gwapo na ito kapag seryoso, damn! Mas gwapo ito ngayong nakangiti! Revealing that perfect pearly white teeth na iniisip palang nya kanina. Grabe lang yung ngiti nito.

That smile that would melt the insides of every woman in town!

This is the first time she saw that smile. Hindi nya na din tuloy mapigilang mapangiti. "Tara na po." 

May pagtataka man, kinuha nya ang gamit nya para sumunod dito. And before he enter the elevator nakita nyang lihim pa itong ngumiti habang napapailing.

Really? Unti-unti na bang nagkakaroon ng chance na matupad ang misyon nya?

Georgina Monique San Luis, this must be the start of your lucky day!

Daring to Date the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon