Chapter Thirteen

17.1K 364 40
                                    

Chapter Thirteen

HINDI muna bumaba si Monique ng kotse ni Zaint pagkahinto nito sa tapat ng bahay na tinutuluyan nya. Hindi nya alam kung anong hinihintay nya, e Malabo namang pagbuksan sya ni Zaint ng pinto ng kotse. Hindi kasi nito alam ang salitang gentleman.

Manners Monique... "Ahmmm... baka po gusto mong bumaba muna sir? A cup of coffee perhaps?"

Nilingon sya nito using that Im-more-hot-than-a-cup-of-coffee kind off look. "I can't. I have to meet someone. Some other time maybe." He's really that undeniably handsome look. Gosh! Nagpapalpitate nanaman ang pintig ng puso ni Monique dahil sa paraan ng titig nito sa kanya.

"Okey sir! Thank you for sending me home." Sa lahat ng disappointed sya na yata ang pinaka natuwa. Kahit hindi na nito pinaunlakan ang paanyaya nyang magkape ay okey lang. Bawing bawi na sa pagngiti pa lang. Kahit pa halatang tinipid lang yun. Smile still a smile.

He shrugged. "No problem. Just... just.." mula sa pagkakatitig ni Zaint sa mga mata nya, bumaba ang tingin nito sa labi nya. Shit. What does it mean? Gusto ba sya nitong halikan? "just see you tomorrow." Huminga ng malalim si Zaint bago ito umayos ng upo at humarap na sa manibela.

Hindi pa din sya gumagalaw sa pagkakaupo sa passenger seat. Titig na titig pa din sya dito. It is as if, she's waiting him to give her a goodbye kiss. Tila naman naiilang si Zaint kaya hinubad nito ang pagkakakabit ng necktie. Huh? Does she overawe him?

"I think, you didn't intended to wait for Christmas bago ka bumaba diba?" Salubong ang kilay na baling nito sa kanya.

Hah! Dream on Monique! Overawe pala ha? Eto nanaman po sila, nagsisimula nanaman itong magsuplado. "Err.. certainly not sir. Baka lang po kasi may ibibilin pa kayo. Sige po baba na ako. Ingat po kayo ha." Tila gusto nyang bawiin ang isang bagay na sinabi nya kanina dito. Hindi ito laging cute kapag salubong ang kilay! She finds it INTIMIDATING. Capslock para intense.

Nagmamadali syang bumaba sa sasakyan nito. Muntikan na nga nyang pabalang na isara ang pinto nito mabuti na lang talaga ang mataas ang self control nya. Nakatayo lang sya sa tapat ng gate nila at tinitignan ang papalayong kotse ng boss-slash-secret boyfriend nya. Hindi naman siguro nahalata ni Zaint na ito mismo ang deni-describe nya dito na boyfriend. She shrugged. Tapos ay tumalikod na sya papasok ng gate.

"Ay palaka!" gulat na sabi nya nang malingunan si Drae. "Ano ka ba naman Drae?" Sapo pa nya ang dibdib sa sobrang gulat. "Kamag-anak ka ba ni Sherlock Holmes? Bakit ba may ugali kang basta basta na lang kung sumulpot?"

"Sherlock Holmes? Hindi. Margarita Holmes buti pa." Natatawang sabi nito. "Bakit kasi dito ka sa labas ng bahay nagde-day dream?"

Tinaasan nya ito ng kilay. "Hindi ako nagde-day dream noh! Hinahatid ko lang ng tanaw yung boss ko."

"Ah.. si sir sungit pala may ari nung Ashton Martin na yon? Bigtime. Parang ikaw. Hinahatid hatid ka na lang ngayon ng boss mo." Nang-aasar na sabi nito. "Oh! bago ka maging defensive, tara na sa loob ng bahay. Nagluto kami ni Champ ng merienda." Inakbayan sya nito at sabay na silang pumasok sa loob.

Sa kusina na sila dumeretso ni Drae pagkapasok nila ng bahat. Sakto namang naghahanda na ng mesa ang ate Champ nya. "Buti at maaga ka ngayon Monique. Magpalit ka muna ng damit tapos sabay sabay na tayong magmerienda."

Humalik sya dito bago tumalikod at dumeretso sa kwarto nya. She wore her maong short and a loose white sleeveless shirt. Her hair was in pigtails. Pagbaba nya sa kusina inabutan nyang nagtatawanan na ang ate Champ nya at si Drae. Nakisalo na din sya sa kasiyahan at tawanan ng mga ito. Maya maya pa ay magana na silang kumakain at nagatatawanan. Pero naudlot yun nang may nagdorbell.

Daring to Date the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon