Chapter Twenty-four

6.4K 167 18
                                    


"Race me from here to there. See that tallest tree." Pokerface na sabi ni Zaint sa kanya. Deretso lang itong nakatingin sa harap habang nag-jo-jog.

He kept on jogging. On a Sunday morning. Kaninang umaga sya nito niyugyog para gumising. She thought that the sunshine really had set on her. Akala nya lang pala. Zaint told her: "Wake up now Monique. Were going to have fun."

Fun? Nasaan ang fun? Isa itong parusa! At ito pa, Zaint wasn't talking to her after sya gisingin nito. Tapos pinagmadali sya magbihis. Now she already knew, maraming namamatay sa maling akala!

"Zaint--" Monique screamed.

Pero mabilis na itong nakatakbo. Napapagod na sya. Kanina, excited pa sya. Ngayon, frustrated na sya. Sana iniwan na lang sya uli ni Zaint sa condo nito katulad ng ginawa nito kahapon maghapon edi sana natutulog pa sya diba? Hindi yung ganitong pinapahirapan at pinapagod sya sa pag takbo.

"I so hate you for this! Ugh!" Napatingala sya sa langit. "Ayoko naaa!" Sigaw nya. Pero hindi ito nakikinig. Naiinis na pinahid nya ang pawis sa noo nya.

She looked around the park and blew out a grating sound of her teeth clashing together. Nakita nya itong nag-jo-jog palapit na ulit sa kanya.

"So this is your idea of fun? Huh?!" Galit nyang sabi dito nang makalapit na sa kanya.

"Ano? Suko ka na?" Tinaasan pa sya ng kilay.

She scowled at him. He was now running backwards. She didn't know how to explain it. But he was facing her. And goodness gracious. She closed her eyes and bit her lower lip.

Droplets of water cascades down the side of his face. Oh my! Ang sarap nun pahiran at patuyuin sa pamamagitan ng kamay nya. Ano ba! Pinapahirapan na nga sya nito't lahat lahat nakuha pa nyang magnasa dito. What the heck right?

"You're still not in a good mood today. Nung isang gabi ka pa. Bakit ba kasi?!" She hissed at him.

And her eyes grew wide nung tinalikuran sya nito at nagjogging palayo. The brute! She closed her eyes in despair. Sa ayaw at sa gusto nya, ang utos ng hair hindi mababali.

Pilit syang tumakbo kahit ayaw nang makisama ng paa nya. Lintek naman kasi. Kahit kailan hindi sya naging sports minded. Inaamin nya. Tamad syang tao. She was half way there. She knew it. Natanaw nya na si Zaint sa ilalim ng malaking puno na tinuturo into sa kanya kanina.

There.

He really looks like a king standing there as if he owns everything. Everything. At kasama sya sa everything na yon. Naiinis sya sa sarili nya. Bakit ba kasi hindi nya matiis si Zaint? She could have go home and have her precious peace alone kesa naman nagtitiis syang kasama ito pero parang hindi din naman nya ito kasama. Ang gulo. Parang utak nito.

The night before last night natulog syang yakap sya nito. But hell. He wasn't talking to her the whole Saturday! She woke up with the empty side of the bed. Inamoy amoy pa man din nya yung unan na hinigaan nito. Tapos pagdating ng breakfast hindi sya pinapansin? Grabe. Daig pa ang nagka- Alzheimer's. Then he went somewhere. Iniwanan sya nito sa condo mag-isa take note: MAGHAPON. No phone calls. He came back late that night.

She was going crazy with boredom. Tapos nung tinanong nya ito kung kumain na ba. He just shrugged. Deretso sa study table nito sa kwarto. Gigil na sinundan nya ito. Inumang nya yung kamao nya sa likod nito tapos humarap sa kanya. Then she smiled sweetly to him.

Daring to Date the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon