CHAPTER 15

1.1K 61 8
                                    

SEIJI

SAMPAL ang inabot namin ni Leguine ng gabing iyon. Hindi naniwala si Marvie sa mga sinabi ko. Sinabi pa nitong sinisiraan ko lang si Flin para maging mabango ako sa harap niya.

Alam kong hindi niya talaga matatanggap ang tungkol sa bagay na itinatago ni Flin. Pero sana kung totoo man iyon ay layuan niya na si Flin habang maaga pa.

At para hindi na makaperwisyo si Flin, at ma-protektahan si Marvie, isinumbong ko na sa mga pulis ang ginawa niya. Linggo ngayon, alas syete ng gabi, isasagawa ang pag-aresto kay Flin.

Nang sinabi ko kay Leguine ang tungkol dito ay nagalit pa ito sa akin at sinabing huwag ko ng ituloy. Pero kalauna'y hindi na ito tumutol ng sinabi kong wawakasan ko na ang kagaguhan ni Flin sa gabing ito. Inutusan ko naman na pumunta si Leguine sa bahay ni Marvie, dahil alam kong kapag isinagawa na ang pag-aresto ay tatakas ito at tatakbo papunta kay Marvie at iyon ang hindi ko hahayaang mangyari.

"Hindi basta-bastang tao si Flin. Mas mabangis pa siya sa hayop. Kaya kailangan natin ng plano. Eksaktong plano."

Gumawa ako ng plano kasama ang mga pulis. May dala rin kaming dalawang psychiatrist. Una sa plano, papasok ako sa mansyon at magpapanggap na kaibigan ni Flin.

"Sino ka? Bakit mo naman dadalawin si Sir Flin?"

"Kaibigan niya ako." Ipinakita ko ang I.D ko."Kaibigan ako ng Girlfriend niya."

"Si Miss Aryano?" Tumango naman ako."Pasok po kayo."

Pangalawa, papasok sa mansyon.

"Kaibigan ka ni Sir Flin? Bakit mo naman siya dadalawin?" tanong ng babaeng nagpakilalang mayor doma.

"Balita ko eh, masama raw ang pakiramdam niya." Ipinakita ko naman ang dala kong prutas. "Ibibigay ko lang sana sa kaniya ito."

"Gano'n ba? Oh, sige nandoon sa pangalawang palapag sa may pinakadulong pinto ang kwarto niya."

Sinunod ko naman ang itinuro ng babae. Hindi ko naman maiwasang mapangisi. Sa mga gabing na 'to, siguradong matatapos na ang paghihirap namin, ni Marvie, ni Leguine. Hindi na kailanma'y mapupuno ng takot ang puso ni Marvie.

Kumatok ako. Nagulat naman ako ng bigla iyong bumukas. Dahan-dahan naman akong pumasok.

"I warned you before. Matigas talaga ang ulo mo."

Napatingin naman ako sa may terrace. May imahe ng lalaking nakatayo doon. Nagyo-yosi at nakatingin sa deriksyon ko.

"I didn't expect you will come here to visit me." Unti-unting itong naglakad palapit sa akin. Hanggang sa makita ko ng tuluyan ang buong katawan nito. "Anong ginagawa mo rito?"

Inilahad ko naman ang basket ng prutas."I'm here to give you this. Sinabi kasi sa akin ni Marvie na may sakit ka."

Kinuha naman niya sa kamay ko iyon tsaka tinitigan isa-isa ang prutas.

"What are you planning?"

"Planning? Ano bang sinasabi---"

"Sumagot ka ng maayos!" Itinapon niya ang basket ng prutas tsaka galit na kinuwelyuhan ako."Naaamoy ko ang panganib sayo, Mr. Fujiharo. Just fcking answer my question!"

Tinanggal ko naman ang kamay niya sa may kwelyo ng damit ko.

"Sa tingin mo ba pumunta ako dito para saktan ka? I'm here to visit---"

"Liar!"

Hinugot naman nito bigla ang baril sa may bulsa ng pantalon niya. Walang pag-aalinlangan naman niyang itinutok sa akin iyon. Dala ng takot, napapaatras na lamang ako hanggang sa tumama na ang likod ko sa may semento.

Dangerous AllureWhere stories live. Discover now