CHAPTER 10

1K 67 12
                                    

MARVIE

HINDI ako naniniwala sa mga sinabi ni Leguine kahapon. Alam ko, may kinalaman siya sa mga nangyari hindi niya lang maamin sa akin. Kung totoo nga siyang psychopath so it means delikado siyang tao? Kasi 'di ba may problema sa utak ang mga ganoon?

"Marvie."

Napaangat naman agad ang balikat ko ng marinig ang boses ni Lauren sa gilid ko."Pinapapunta ka nga pala ng Culinary Instructor natin sa stock room." Walang emosyon nitong sabi. Galit pa ba siya sa akin hanggang ngayon?

Napatayo naman ako sa kinauupuan ko.

"Bakit daw?"

Nagkibit-balikat na lamang siya. "Ewan. Halika, samahan na kita." Alok nito sa akin na hindi ko naman tinanggihan.

Naglalakad kami ngayon sa hallway papunta sa stock room. Nauuna naman si Lauren habang nakasunod naman ako sa kaniya. Bakit kaya ako pinapapunta? Kadalasan kasi, boys ang inuutusang pumunta do'n. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kinakabahan ako ng walang dahilan.

"Dito na." Huminto naman siya. Binuksan naman nito ang pinto. "Pasok ka na. Nasa loob si Sir, kanina ka pa hinihintay."

Tiningnan ko muna siya bago tuluyang pumasok. Nakakapagtaka ang mga kinikilos ni Lauren. Parang ang putla ng mukha niya tapos litaw na litaw ang eyebugs sa mata nito. Hindi rin ito nakangiti gaya ng lagi niyang ginagawa. Parang naging girl version siya ni Leguine.

Galit pa rin kaya siya sa akin?

Naglakad naman ako papasok. This is my first time na makapasok sa ganitong lugar. Ang lawak pala ng stock room. Puro mga naglalakihang kahon ang makikita mo. Pero closed area siya kaya limited lang ang oxygen. Medyo mainit din at hindi kakayanin ng kahit sino man na tumagal dito.

"Sir? Sir, nandito na po ako."

Ngunit wala akong narinig na response. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa narating ko ang mga kahon na puno ng mga kitchen utensils. Wala naman ata si sir dito---

Kumabog ng mabilis ang puso ko ng marinig ang paglock na iyon ng pinto. Napatakbo naman ako pabalik sa may pintuan. Sinubukan ko itong buksan pero... naka-lock na ito.

"Lauren! Lauren buksan mo 'to!" Siya ba 'yong naglock ng pintuan? Bakit?! Bakit niya ginagawa niya 'to?!

"Lauren! Please, open the door!"

"Sorry, Marvie," rinig ko sabi nito sa kabila.

"Bakit? Nagsinungaling ka ba? Hindi ako pinapapunta ni Sir dito di ba? Plano mo 'to! Plano---"

"Oo! Plano ko 'to! Kaya mabulok ka riyan!"

N-No...

"Lauren, please! Hindi ko kaya magtagal dito! Bakit kailangan mong gawin 'to? Gano'n ba kalaki ang galit mo sa akin?!" naiiyak ko ng sabi.

Alam ko hindi ako tatagal sa lugar na 'to!

"Manigas ka riyan! Ganiyan ang napapala ng malalandi!"

"Galit ka pa rin ba sa akin? Di ba sinabi ko na sa'yo? Walang gusto sa akin si Seiji. Magkaibigan lang kami!"

"Sinungaling! Hindi ka na nakuntento sa isa. Pwes, mamatay ka riyan! At sigurado akong walang tutulong sa'yo dahil magsisiuwian na sila!" Tumawa naman ito nang malakas. "Goodbye Marvie. Sana makatulog ka ng mahimbing."

Narinig ko na lamang ang papalayo nitong yabag. No!

"Lauren!"

Pinagpapalo ko naman ang pintuan. No... hindi ako pwedeng makulong dito!

Dangerous Allureजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें