CHAPTER 06

1.3K 71 15
                                    

SEIJI

"Oh, pare! Shot pa!" Inilahad naman ni Alex ang isang bote ng Legacy by Angostura sa'kin.

Napailing na lamang ako."No. I'm already tipsy." I lied. Isang shot pa lang naman ang naiinom ko. I just don't want myself to get drunked that much. Baka hindi na ako makauwi. At isa pa, sumama lang naman ako sa kanila para hindi sila magtampo.

Inakbayan naman ako ni Radmun.

"Ikaw ah, napapansin ko nitong mga nakaraang araw na hindi ka na masyadong umiinom ng tas maaga kapang umuuwi. May pinag-kakaabalahan ka 'no?"

"Babae iyan. Sigurado," sabat naman ni Alex.

Siraulo! Anong tingin niya sa akin chixboy?! Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Mga chix 'yan, 'tol," natatawang sabi naman ni Lloyr. Isa ring siraulo, tss.

"Hindi ako katulad niyo, mga chixboy!"

Inismiran ko naman sila na ikinatawa naman nilang lahat. Mga siraulo talaga! 

Tinanggal ko naman ang pagkakaakbay sa akin ni Radmun."Wala akong chix, tss."

"Ay, oo nga pala. NGSB nga pala itong si Seiji," natatawang sabi naman ni Alex na sinang-ayunan naman ng dalawang siraulo na katabi ko.

"Bakit nga pala wala kang Girlfriend? Eh, sa marami naman ang naghahabol sa'yo?" nakakunot noong tanong naman ni Alex . Mahahalata sa tono ng boses nito ang pagkalasing.

"Oo nga. Bakit single ka pa rin hanggang ngayon?" Papikit-pikit naman na tanong ni Radmun sa akin na bahagya pang itinataas ang hawak niyang baso na may lamang alak. Malakas na ang tama ng isang 'to.

Bakit gano'n lagi ang tanong nila sa akin? Ganoon ba ka-big deal iyon? Tss, I'm just waiting for the right girl. Hindi ko rin naman ugali ang pakikipagflirt gaya ng ginagawa nitong mga tukmol kong barkada, na kaliwa't kanan ang jowa. I prefer serious relationship.

"Mga 'tol, ganito kasi yan," singit naman ni Lloyr. Kitang-kita ko ang pagtayo nito sa kinauupuan tsaka pagpunta sa likod ko. Ramdam ko naman ang pagtapik niya sa balikat ko."Inlove kasi itong hapon nating kaibigan sa isa naming kaklase sa culinary arts."

Fvck!

"Shut---"

"Sino 'tol? Maganda ba? Sexy? Malaki hinaharap---"

What the hell!

"Fvck you, Radmun!" Malakas kong sigaw dahilan para mapatingin ang iilang mga costumer sa akin.

Kainis!

"Confirm. Malakas nga ang tama nito do'n sa babaeng tinutukoy mo," nakangising sabat naman ni Alex kay Lloyr na kasalukuyang nasa likod ko. "Tingnan niyo, ayaw na ayaw na pinagsasalitaan ang babaeng---"

"Shut up, Alex," saway ko rito. "This dumbass is lying. Wala akong gusto sa kahit sinong babae."

Ayokong malaman nila ang tungkol kay Marvie. Alam ko... kilala ko sila. Maganda si Marvie, ayoko na magka-interes ang dalawang 'to sa kaniya. Tsk, masyado ba akong selfish? Argh! I don't fvcking care at all!

"Ako sinungaling? Halata ka masyado 'tol! May pabigay-bigay ka pa ng pagkain sa kaniya."

Hindi ba talaga titigil ang isang 'to?!

"Talaga 'tol? Wow. Inlove na nga itong si hapon." Si Radmun na ginulo pa ang buhok ko. "Ay, teka ano ba pangalan ng babae ng makilala naman namin."

Shit.

"Mar---" Bago pa man masabi ni Lloyd ang buong pangalan ni Marvie ay agad ko itong tinakpan. Pahamak talaga ang isang 'to!

"Oh? Ba't mo tinakpan ang bibig ni Lloyr? Haha, ayaw mo bang malaman namin ang pangalan ng type mo?" May halong panunukso na sabi naman ni Alex.

Dangerous AllureWhere stories live. Discover now