Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang mga sinabi ni Kuya. Yvette, inhale, exhale ka muna. Patay na ba ako?... O_O

                “Yong Hwa oppa!!!!” sumigaw ako sa tainga niya, pero hindi naman siya natinag. Hindi niya ako narinig. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko na tumulo…. Sinubukan ko siyang hawakan sa may balikat niya pero tumagos lang yung kamay ko. Mas lalong tumulo ang mga luha ko.

                “H-Hindi pwede… Hindi pa ko pwedeng mamatay!” ang nasabi ko sa pagitan ng mga paghikbi ko sa tabi ni Kuya. “Hindi pa pwede… Ayoko pa… Hindi ko pa nasasabi kay Kuya. Hindi pa ako nakapagpaalam sa kanya… Kay Jong Hyun… Kay Jung Shin, Min Hyuk at Mi Eun…” mas lalo akong naiyak, “K-Kila Mommy Yolly at Daddy Yves… Kay Shame…” sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Pero hindi na ako maririnig ni Kuya.

                Patuloy akong umiiyak. Wala naman na akong magagawa ngayon. Parang buong mundo ko ngayon lupaypay. Wala ng magco-comfort sa akin, kundi ang sarili ko na lang. Si Kuya… Hindi na niya ako nakikita. Masakit mang tanggapin ang katotohanan, pero wala akong magagawa kundi tanggapin na lang ito. Patuloy na tumutulo ang mga luha ko, hindi ko sila kayang pigilan…

                “Yvette…” isang boses ang tumatawag sa akin. Tinaas ko ang ulo ko at nagpalinga-linga sa paligid, pero wala naman akong makitang tao bukod sa amin ni Kuya. “Yvette…”

                Biglang bumungad sa akin ay mga picture ng CN Blue sa may sala. Bigla akong upo sa kinahihigaan kong couch. Nakahinga ako ng maluwag. Thank you, Lord.

                “Yvette, you had a bad dream?” tanong ni Jung Shin at naupo sa may tabi ko tapos hinawi niya yung buhok kong nakatabing sa mukha ko at inayos niya. Aigooo… Mukha pala akong bruha. Tss. Kahiya naman kay Shin-a. >3<

                Sandaling tulala ako at naramdaman kong may mga luha pa ko sa pisngi ko kaya pinahiran ko ng kamay ko, “N-Ne, Jung Shin oppa” sagot ko sa kanya.

                “You’re weird” tapos nag-light laugh siya, “You had a bad dream at this time of day?” tapos ginulo yung buhok ko. “But I can tell it was a really bad dream, right?”

                Tumango ako, “Ne. It really was. I’m really thankful it was just a dream” ang sagot ko sa kanya. Pero may possibility namang magkatotoo yung mamatay ako, hindi ko na mababago ang kapalaran ko na yun. Tanggap ko naman na, pero konting oras pa ang hinihingi ko kay Lord para masabi kay Kuya at kila Mommy Yolly.

                Nakatingin lang si Jung Shin sa mga mata ko, but I can feel behind his stare, may alam na siya. Nag-smile siya bago magsalita, “You know Yvette, most of the time, when you dream of something it happens oppositely in reality”

                Tumango ako sa sinabi niya, “Ne. I know about that, Jung Shin oppa”

                Ngumiti na naman si Jung Shin sa akin, my gosh. Yung charismatic smile ni Shin-a na kinababaliwan ng mga Untouchable biases! “So, what did you dream about?” tanong niya.

Ang Kuya kong Sikat (A CN Blue Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon