Umiling ako habang nakangiti. "Nothing, babe," after what I said, he hugged me tight. May tumulong luha habang nakayakap ako sa kanya.


I tried getting myself focused sa dumaang linggo. I won't just let myself down at alam ko namang kaya ko 'to mag-isa. Ginawa at pinasa ko ang mga dapat ipasa sa klase.


Puro plates lang ang pinapagawa ngayon at madali lang para sakin. Tuloy-tuloy din naman akong nagiging productive. I wouldn't blame myself for being passionate. Fashion design is really my thing.


Dumating ang biyernes, kakatapos lang ng exam sa hapon at pumasok ako sa isang café. Travis called me a while ago, he has to say something raw. We exchanged numbers during lunch with our parents.


Actually, I also have to talk to him. Madami akong dapat itanong. Madami akong gustong malaman. Mainam na 'to para naman malinaw sa'kin lahat.


Nakasuot pa sakin ang uniform ko dahil kakagaling ko lang mismo sa university. It's a pencil cut dress colored vintage brown and may belt sa waist.


I look through the glass window side dahil sabi niya ay roon siya nakaupo. I raised a brow nang magtama ang tingin namin. Sumimsim siya sa inumin niya habang ako naman ay umupo sa kaniyang tapat.


He's wearing a light pink dress shirt, navy blue necktie and gray pants. He ordered a drink for me already. Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na 'to, "So what's the thing?" bungad ko.


"What thing?" he playfully asked.


Umawang ang labi ko and I sarcastically smirked.


"You're the one who called me," sambit ko. Ako pa ang pinagmumukha niyang may kailangan, huh? My first impression to him when we first met was so different from now.


"Oh, right," He said like he remembered something funny.


Kung wala lang akong kailangan tanungin ay hindi ako sisipot sa tawag niya.


"You already know, don't you?" His face bacame serious except for his eyes.


"Yeah and I won't marry you," sinabi ko ang mga salitang 'yon nang may diin.


Ngumisi siya. "You should."


"No, why would I?" angal ko naman. I remained calm because once na napuno ako, kayang-kaya ko gumawa ng eksena rito.


He sipped on his drink like I'm not in front of him. "Tell me, bakit yun ang gusto nila Tita?" binaling ko ang tingin sa labas nang tignan niya ako.


"It was me."


I sarcastically laughed with what he said. I don't even know his fucking intentions.


Tumingin ako sa kaniya. "So you like me? and now, you wanted us to get married? I'm not even single to date you," disgusting shit I have ever said in my whole life.


"That's right, kind of," He bit his lower lip and slowly shook his head upside down.


"You know, I still have respect for your family. Sana naman, ganoon rin kayo," taas noo kong sabi. Saka tumayo at lumabas na sa lugar na 'yon.


I don't want to waste my time hearing nonsense from him. Bumabalik lang ang inis ko sa lahat ng bagay.


My friends and I are now preparing for friday night out. This time Eric is with us. We didn't had the chance to go out from the previous fridays because of tons of requirements in the university.


Scar of the WindWhere stories live. Discover now