01

455 46 174
                                    



"Charles, who was earlier a draper, set up a fashion house in Paris."


Nakahalumbaba ako habang pumipikit-pikit pa ang mga mata. I looked around and it's not only me who feels sleepy. Well, sino ba'ng hindi aantukin sa History? 'Di ba pwedeng sumayaw nalang ng zumba si sir para maengganyo kami manuod sa kan'ya?


I chuckled because of my thoughts. I am not in the mood to concentrate. I tried absorbing the lesson on my brain pero wala akong naiintindihan!


Gwen suddenly tapped my arm, napalingon naman ako. "Sa'n ka magla-lunch?" pabulong na tanong n'ya. Para ba'ng may iba pa kaming pinagkakainan.


"Sa pepe mo," sagot ko, dahilan ng pagtawa naming dalawa. Hindi ganoon kalakas kaya 'di naman kami napansin ng prof.


She raised her middle finger on the lower side, "Pakyu ka, sa'n nga?" tanong n'ya pa at medyo natatawa parin.


Maaga nagdismiss ang prof namin kaya nagusap-usap muna kaming magkakaibigan.


"Friday ngayon ah, 'lam n'yo na," Ani Thea, sabay kindat sa'kin bago magkalkal sa make-up kit n'ya.


Napaisip ako kung saan naman kami ngayon. "Sa Haze kaya?" I suggested. Hindi pa naman namin napupuntahan. "Maganda rin naman yata doon," Dagdag ko pa. Nadaanan ko lang sa instagram feed ko yung location nun last time, e.


"Kahit saan basta libre mo," I rolled my eyes sa sinabi ni Clyde.


"Huwag ka nang sumama. Mga babae lang ngayon!" Pangloloko naman ni Gwen.


Clyde laughed, "Eh babae naman ako ah. Charot!" napatili naman kami na animo'y mga bakla.


Tumayo na kami at naglakad papunta sa cafeteria. Nadaanan pa namin ang main building ng Asia Pacific University. Masakit sa balat ang init ngayon dahil tanghaling-tapat kaya nakapayong kami.


May napansin akong dalawang babae na tumatakbo papunta sa gawi namin. "A-ate Scarlet!" tawag nila sa'kin. Senior high palang sila base sa uniform nila.


I smiled at them immediately and I was also flattered because they know me. It's because of my modeling career, I guess?


"Pwede po mag-p-pa-picture?" nauutal na tanong ng isa habang nakaangat ang hawak na phone. Ang isa naman ay tuwang-tuwa habang tinititigan ako.


Ngumiti ako dahil hindi naman ako tatanggi. "Oo naman!" Kinuha naman agad ni Clyde ang phone nila at lumipat sa tapat namin para makuhanan kami.


Nang matapos ay nagpatuloy na kami sa paglalakad. "Magmo-model na nga lang din ako para naman may humahabol din sa'kin," rinig kong sabi ni Thea at huminto pa para magpose ng kung ano.


Napailing nalang ako habang tumatawa sila. "Tanga, aso ang hahabol sa'yo!" sagot ni Clyde at binatukan naman ito ni Thea.


I smiled at Eric when he held my hands from behind.


"Hi, babe. Why didn't you call me?" bungad niya habang kasabay na namin siya maglakad. He also greeted my friends bago pa kami lumipat sa may likuran.


"I don't have to. You always know where I am," I rolled my eyes and he gave me an amused smile.


Ilang minuto din at nandito na kami sa cafeteria. May mga ibang estudyante na ang kumakain sa loob. Some were looking at us, this happens all the time because of me. I'm used to it.


Scar of the WindWhere stories live. Discover now