03

196 37 49
                                    



"Uy, ayos ka lang?"


Gwen tried to wave her hand infront of my face. Natauhan naman ako doon. "Ah, yeah," sagot ko at nakinig na sa discussion ng prof namin.


"Ba't absent-minded ka? Anong nangyari?" kinausap akong muli ni Gwen na nasa right side ko lang, lumingon naman ako sa kaniya habang pinaglalaruan ang hawak kong ballpen.


Should I tell her? I mean, should I tell my friends? Ayoko pa sabihin sa kanila ang napagusapan namin ng mom ko. Hindi ko naman hahayaan lang na pwedeng mangyari ang bagay na 'yon. Ang engagement.


"LQ ba kayo ng Eric mo?" tanong niya ulit. Umiling lang ako at ngumiti kay Gwen to assure her that I'm okay.


Since that day that I left in Cainta, I'm out of focus with my days. Hindi ako makaisip kung ano ang dapat o pwede kong gawin. Kinakain din ako ng konsensya ko sa pagsigaw sa magulang ko. Still, she's my mother, but I can't see any angle of her caring about me in that situation. Walang respeto akong sumagot sa kaniya noong araw na 'yon, pero hindi ba, yun din naman ang dapat kong gawin? Ang ipagtanggol ang sarili ko sa mga bagay na ako ang dapat magdedesisyon.


Buong araw lang akong nagisip ng mabuti at parang wala ring kwenta ang pagpasok ko dahil wala naman akong natutunan. The next day, ganoon pa rin ang utak ko. I can't help but to overthink everything!


"Ah!" sigaw ko nang maramdaman ang sakit galing sa sewing machine. Napatakan kaagad ng dugo ang white cloth na hawak ko.


Nabaling sakin ang atensyon ng mga kagrupo ko. "Hala, Scar!" gulat na napatingin sa daliri ko si Clyde. Lumapit din ang iba ko pang blockmate.


"What is happening here?" biglang tanong ni Prof. Azalde at gulat ding tumingin sa may kamay ko.


"You can go to the clinic, Ms. Senreyana," aniya at agad naman akong tumango. Nagvolunteer kaagad si Gwen para samahan ako. It hurts as hell that I'm crying. Well, everything hurts right now, though.


"Go na, kami na bahala dito," Clyde assured me bago pa kami makalabas ng room. Bumalik na rin sa dating posisyon ang mga tao sa loob.


"Ano ba talaga ang nangyayari sayo?" galit na may halong pag-aalalalang tanong ni Gwen sakin habang naglalakad kami papunta sa clinic.


I pursed my lips at umiling lang. Sobrang sakit ng daliri ko at animo'y buong katawan ang nadamay.


"Ouch!" Sigaw ko habang nakatakip ang isang palad sa mga mata. The nurse pulled the needle from my index finger. Pinupunasan ko ang luha ko nang nilalagyan na ng betadine gamit ang cotton sa sugat.


The nurse told me to rest on the bed for the meantime. Iniwan muna ako ni Gwen dahil may kailangan pa siyang gawin sa group work. Nang magising din ako ay gumaan ang pakiramdam ko.


Agad akong umupo at napansin si Eric na nakaupo sa may couch. Nabaling naman ang tingin nito sakin bago tumabi. "Hey babe, you got me worried. How are you feeling?" he carresed my hair and the other hand was on my thigh.


"I'm fine naman na, good thing they urged me to rest here," I gave him a half-smile.


He kissed the top of my head. "Do you have any problem, babe? May hindi ka ba sinasabi sakin?" His eyes calls out for love. Hindi ko pwedeng sabihin kay Eric ang problema ko. I don't want to hurt him in any way.


Scar of the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon