02

241 42 94
                                    



"Sayang naman hindi ako nadiligan ngayon," kita ko ang pag-emote ni Thea sa harapan.


Pauwi na kami ngayon sa condo building at nahihilo parin ako. Hindi ko na natansya yung pag-inom ko kanina. Nagpumilit pa si Thea na magpaiwan sa club pero wala siyang nagawa dahil wala namang pwedeng magsundo sa kaniya.


Naririnig ko silang nagkekwentuhan habang ako ay tahimik lang sa loob ng kotse. Nang makarating ako sa room ay humiga muna ako sa kama. I checked my phone and saw texts from Eric. Halos nakapikit na 'ko nang tignan ko ang mga ito.


Eric: are you home? I love you.


I giggled and typed my reply.


Scarlet: yed babe im do


Iminulat ko ang mga mata ko at tinignan ang phone para tignan ang oras. It's already 11 AM! Hindi na'ko nakapagshower bago matulog. Ang dumi ko! Hindi ko pa natapos matipa ang reply ko kay Eric kagabi. Binura ko iyon at nagtext ng panibago.


Tumayo na ako at pumunta sa banyo. I tilted my head to the side nang may naiisip akong dapat kong isipin pero hindi ko maalala. My eyes widened at tumakbo pabalik sa kama saka ko kinuha ang cellphone.    


I saw my mom's 8 missed calls and texts. Right! May lunch nga pala kami.


Mom: I'll remind u, we have an important lunch.

Mom: Scarlet ure not answering my calls!


Never knew this was so important at ganto kaabala ang nanay ko sa'kin. Hindi ko pa tapos basahin lahat ng text nang tumawag ito.


[where are you?!]


"I'm in my c-condo," sagot ko.


[My god, hurry! You shouldn't be late! I'll text you the location.]


"Okay, mom," at binaba ko na ang tawag. Mamaya nalang ako magtatanong sa kanya dahil kailangan ko nang magapura.


Uminom ako ng maraming tubig bago ako dali-daling naligo at nag-ayos sa sarili. I hate running late! At wala naman akong magagawa dahil hindi ako nagising ng maaga kaya binilisan ko nalang ang kilos.


I wore ripped jeans, nude heels, white off shoulder top. Sinuot ko ulit ang galaxy moon necklace ko because it just blends well with my outfit. 5 minutes lang ako nagtagal sa paglagay ng make-up. I just clipped my hair on the left side.


Sinuot ko na rin ang sunnies ko bago lumabas hawak ang purse. Hindi na ako nagatubili pa at nagdrive na nga ako papunta sa location na sinend ng mom ko. It's a restaurant near Makati. I checked the time and it was already 12:30 PM.


Napasapo ako sa noo ko dahil nakakastress ang traffic. Kumagat ako sa chocolate na dala ko to ease my hunger. I didn't eat breakfast or something to sober!


My mom called and she asked if where I am. "I'm outside," It's 1PM already nang makarating ako sa labas ng isang malaking pinoy food restaurant. Tinago ko rin ang shades ko sa purse.


Sinalubong naman agad ako nito sa harap at ngumiti sa'kin. Parang may dapat akong ikatakot pero hinayaan ko nalang.


Scar of the Windजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें