"Dad, it's time." Bulong ni Caster sa akin.

Puno ng kaba at saya ang puso ko ngayon habang dahan dahan naming tinatahak ang dulo.

Mula pa nung bata kami ay hindi nya nakalimutan ang kanyang pangako. Na balang araw ay pakakasalan nya ako. Ngayon ay tinutupad na nya ito. Lumuluha ako hindi dahil sa kalungkutan kundi dahil sa sobrang sayang nararamdaman.

Pinagtagpo kami ng tandahan, pinaghiwalay ng panahon at muling pinagtagpo ng pagkakataon at ngayon nga sa panibagong yugto ng buhay namin ni Uji ay tinutupad na nya ang isa sa mga pangarap ko sa buhay.

"You are beautiful, my love." Di ko namalayang magkaharap na kami. Pinahiran niya ng kanyang sariling panyo ang aking mga luha saka lumuhod upang mag abot sila ni Caster.

"I'm gonna marry your daddy Brave, Caster. I hope it's okay with you." Nakangiti nitong paalam sa aking anak na syang kinatawa ko din ng konte.

"Just promise lang po na hindi nyo na paiiyakin si Daddy." Saad nito na kinalambot ng aking malambot nang puso. All this time my child is still concern of my wellbeing. Ngumiti namang tumango si Uji dito.

"I will." Nakangiti nitong tugon sa bata. Nakita ko namang ngumiti ito at inabot ang kamay ko kay Uji saka ito humalik sa pisngi nya.

Nakangiti nalang tumayo si Uji habang hawak ang kamay ko. Humalik sa aking pisngi si Levi na kita mo ang sobrang galak sabay lahad ng kamay nya kay Caster.

Ilang man ay tinanggap padin ni Caster ang kamay nito saka sabay silang umupo sa harapang upuan.

It was so surreal, I didn't even think that this day would come to me.

Nagsimula ng magsalita ang minister. Pero na kay Uji lang ang atensyon ko. Magkaharap kami ngayon at nakatitig ng nakangiti sa mga mata ng isa't isa. Gusto kong ipaalam sa kanya kung gaano ako kasaya sa araw na ito. Gusto kong ipatamdam sa kanya kung gaano ko sya kamahal.

"Please bring the ring over for the couple." Saad ng ministro at agad namang lumapit si color dala ang box na naglalaman ng dalawang singsing.

"Iba ka talaga bakla!" Kinikilig na komento nito matapos iabot sa amin ni Uji ang kanya kanya naming singsing. Natawa nalang ako sa inakto nito.

"Please wear the ring on each others designated finger and state your vow of love." Utos ng ministro.

Agad na kinuha ni Uji ang aking kamay  at taimtim na tumitig sa aking mga mata.

"My little Bau, My Brave, My love, there is nothing more for me to say to you on this beautiful day for the both of us, but a promise to love you and our children more each day and even more than my life. Our family will be the priority of my life and love will be our center and source of happiness. From this day on, I, Ryuuji Shiro Kazuma is marrying my one and only weakness and will forever submit myself to you and your happiness only. From this day on you, My Bau, will own me and only you will have the right for the entire me and for all that I have. Through thick and thin, i'll carry our family in my shoulder; through despair and hope, i'll remain by yourside and in sickeness and in health, you can always count on me. Till death do us part, I will stay with you and love you." Mahabang saad nito ng mga pangako nya na tagos na tagos sa aking puso. Hindi ko mapigilang hindi tuluyang umiyak sa sobrang saya dahil ramdam ko ang pagmamahal ni Uji sa bawat bigkas nya ng mga salita ng pag-ibig.

Hinawakan ko ang kanyang kamay dahil pagkakataon ko namang bigkasin ang mga pangako ng puso ko.

"Uji, mahal ko. Salamat sa pagtupad sa isa mga pinangako mo nung bata pa tayo. Hindi ko alam kung san magsisimula, ngunit isa lang ang gustong sabihin ng puso ko. Sa dinamidami ng pinagdaanan natin ay hindi ka nawala sa puso ko. Hindi ako napagod na mahalin ka kahit pa natatakpan ng poot at pait ang puso ko dati, laging naroon ka sa sulok ng puso ko at nananatiling tanging pag-asa ko sa pagmamahal. Kaya naman mula sa araw na ito ay pinapangako kong kahit ano pang pagdaanan nating problema o saya sa buhay, mananatili akong nakaagapay, nagmamahal at nakasuporta lagi sa iyo. Ikaw lang ang minahal kp ng ganito at ikaw lang ang mamahalin ko ng ganito hanggang sa huling hininga ng buhay ko. Mahal na mahal kita Uji at mula sa araw na ito, ako, si Auster Brave Castero-Kazuma ay ibibigay ang buong puso at buhay ko para sa'yo at sa pamilya natin." Mahabang salaysay ko ng aking pangako matapos isuot ang sa kanya ang kanyang singsing.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon