Sumakay kami ng taxi ni Caster para narin matunton ang kinaroroonan ng mag-ama ko. Chos.

Hindi pa kami kasal ni Uji, pero nagpropose na ito sa akin. Syempre isang taon din itong nanligaw, dumadamoves at nang-aakit sa akin para lang mapa-oo ako. Dalagang pilipina ako kaya dapat nya lang talaga paghirapan ang oo ko. Lols.

He asked me if kailangan pa ba nyang magpropose sa akin for me to marry him, and guess what, tinanong nya ako habang nasa kalagitnaan kami ng pagsesex! Letcheng lalaki yun, kaya naman I told him na ligawan ako at araw-araw nya akong tanungin at alukin ng kasal. And if I'm ready, then I will give him my answer.

Kaya mula nung araw na yun ay halos araw-araw nya rin akong tinatong. Madalas ay dinadivert ko sa ibang bagay o di kaya ay sadyang di lang sya sasagutin.

But last month was different. He took the four of us to El Nido, and while watching the beautiful sunset ng makakatabi kaming apat ay inilabas nya ang singsing and asked my hand for marriage. It was probably the sunset or the birds chirping or the wind blowing, but one thing I know for sure is, that moment is most perfect moment to say yes to him.

Tuwang tuwa pa si Levi sa nangyari. While Caster is silent, yet he is smiling sincerely.

"Dad, you're blushing." Biglang banggit ng anak ko out of nowhere.

"I'm just remembering the past anak. How your daddy Uji proposed to me." Nakangiti kong saad habang nakatingalang inaalala ang lahat.

"Stop being so honest dad. Nakakailang po." Sagot naman nito na kinatawa ko ng mahina saka ginulo ang buhok nito.

Yumuko lang ito at inayos ang buhok saka tumahimik ulit.

Nang makarating kami sa resto na kinaroroonan nila Uji ay agad akong lumapit sa isang waitress at pinahanap sila. Iginiya ako nito papunta sa likurang bahagi ng kainan. Inutusan rin ako nitong isuot ang aking coat na sinunod ko naman kahit nalilito ako kung bakit.

At nang buksan ko ang pinto ay tumambad sa akin ang napakagandang garden at mga maliliit na manmade waterfalls.

Nabigla ako sa nakita ko at biglang may tumugtog na kanta sa kung saan.

May carpet na pula ang nakalatag na sya marahil ang gabay ko na tatahakin papunta sa kanilang kinaroroonan.

Nang lingunin ko si Caster ay nabigla akong nakaayos na ito at may dala pa itong bulaklak na inabot sa akin.

"Ano to anak?" Takang tanong ko sa kanya ngunit ngumiti lang ito at inabot ang aking kamay at dahan dahan naming tinahak ang pulang carpet.

Naguguluhan man sa mga nangyari ay nagpatianod nalang ako.

Nang marating namin ang palikong dulo ng carpet ay dun na tumambad sa akin ang mga desenyong bulalak sa may isles at mga upuang natatabunan ng asul na mga tela at ribbons.

Nakatayo sa mga upuan sina color, sila ate Dona, manong Thrace at manong Vlad  pati narin ang papa ni Uji at ang yaya nito. Nasa kabilanh side naman ang mga kaibigan ni Uji na pinakilala nya sa akin. Kasa-kasama nila ang sarili nilang mga mahal. Mga naggwagwapuhang nilalang rin na kagaya ni na nahumaling sa mga dyosang gaya ko lols.

At nasa gitna naman nakatayo ang pinakagwapong lalake sa buhay ko. Katabi nito si Levi na sa edad  na walo ay napakatangkad narin. Aakalain mong 11 na sya sa tangkad nya. Manang mana talaga sa tatay nya.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Where stories live. Discover now