Ang daming tanong ang nabuo sa aking isipan dahil sa lalaking dumating. Para bang may nag tutulak saakin para alamin ang kung sino sila. Big Four.. 


Nagtataka din ako dahil sabi nila sila ang Big Four ngunit dalawa lamang ang nakita ko?


Asaan kaya ang dalawa pa? Madaming tanong ang bumagabag saakin habang nag lalakad ako.


Napag tanto ko na lang na nakarating na ako sa dorm para makapag palit ng damit at kaharap si Belle.


"Do you know them, Belle?" tanong ko.


Mukhang napukaw naman ang pansin n'ya dahil sa tanong ko. Binaling n'ya ang tingin saakin at nag taas ng isang kilay.


"Big Four" sabi ko habang nagtatanggal ng sandals.


Sinarado n'ya ang aklat na binabasa n'ya sabay sandal sa upuan. "Actually, Yes. I now them. Bakit, Cassandra? interesado ka?"


"Hindi naman sa interesado ako pero gusto kong malaman kung sino sila?" may halong pag aalangan kong sagot.


"Edi interesado ka nga!" sagot n'ya pabalik.


Natawa naman ako dahil sa pananalita n'ya. Napailing nalang ako bago humiga sa kama ko at tumitig sa kisame. Hinihintay kong magsalita s'ya para sagutin ang tanong ko pero parang wala s'yang balak kaya tinignan ko ulit s'ya.


"Bawal ba?" tanong ko ng makitang nag-aalangan pa s'yang magsalita. Bumuntong hininga s'ya bago nagsalita.


"Ok, sasabihin ko na" sabi n'ya at pumunta sa kama n'ya na malapit sa kama ko at umupo. Kinuha n'ya ang wand n'ya at tinignan iyon bago magsalita.


"Ang Bigfour ang matalik na mag kakaibigang sangkot sa labanan 17 years ago. Sila ang kumalaban kay Spade nung mga panahon na iyon ngunit may pinakadahilan ang lahat kung bakit nag hasik ng digmaan ang mga Quins, mga tauhan ni Spade laban sa mga Incants, Tao sa bayan ng Goblin. Sabi nila dahil doon kaya nawalan ng kapayapaan ang buong Magic World pero walang nakakaalam ng tungkol doon kundi ang Big Four at ang mga taong nakipaglaban nung panahon na iyon"paliwanag n'ya.


Tumingin ito saakin na parang sinasabing tapos na s'ya magpaliwanag pero agad akong nag salita. "Sino-sino ang Big Four at bakit dalawa lang ang dumating kanina?" takang tanong ko.


"Nope, You're wrong. Tatlo sila kanina." sagot n'ya.


Nagulat ako sa sinabi n'ya kaya napatayo ako galing sa pagkakahiga. Nakita kong natatawa naman si Belle dahil sa naging reaksyon ko.


"Si Miss Samantha ang pangatlo?" gulat kong tanong.


Ngumiti sya tsaka tumango! Naiawang ko ang aking bibig dahil sa pagkamangha sa nalaman. Kaya naman pala close silang tatlo eh!


 "How about the other one? Yung pang apat?" tanong ko kay Belle.


Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now