It will be a one hour flight from Manila to Dumaguete city. Hindi ko lang alam kung ilang oras para makapunta sa mismong isla kapag nasa Dumaguete na. But it doesn't matter. Kahit gaano pa kalayo iyon ay pupuntahan ko pa rin.

"You can sign this and finish your food Princess." Wika niya bago inabot sa akin ang folder.

Hindi ko na pinagabalahang basahin iyon at mabilis ko iyong pinirmahan. Too excited for his gift.

"Done." Sabi ko at binalik sa kanya ang papel.

Tumango lang siya at niyakap ako. "I-I love you Princess. I will do everything for you." Wika niya na medyo garalgal kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

"I know Dad and I love you more, kayo ni Mommy." Sagot ko at nagbiro pa. "Huwag ka ng umiyak diyan. Para naman akong ikakasal kung makapag senti ka." Biro ko na bahagya pang tumawa ngunit hindi siya nagsalita.

**

"Happy Birthday Brat!" Bati ni josh sa akin sabay abot ng regalo niya. Kadarating lang niya at pormadong pormado siya sa suot niyang itim na tuxedo.

Mabilis akong napangiti. "Thank you." Pasasalamat ko bago ko siya niyakap.

Ayaw akong palabasin ni Mommy kanina dahil tatawagin daw ako ng Emcee para sa Entrance ko pero mabilis ko iyong kinontra. I don't want to have a grand Entrance. Maboboring lang ako sa paghihintay sa kwarto kaya imbes na maghintay sa loob ay sinalubong ko si Dianne at Josh.

"My pleasure." Anito na gumanti ng yakap sa akin.

Mabilis kong iginala ang mata ko dahil may pakiramdam akong may nakatingin sa amin ngayon. There I saw a man standing near the garden. May kasama siyang iba pero ang mata niya ay nakatuon sa akin. Or should I say sa amin ni Josh. I dont know why pero parang patalim ang mata niya habang nakatingin sa gawi namin.

Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka namatay na kami ni Josh.

Mabilis akong kumalas ng yakap kay Josh at iniwas ang paningin ko sa lalaki. He give me chills.

"Ang gwapo mo ngayon ah. Saan ang libing?" Biro ko sa kanya na ikinatawa niya.

Pasimple akong lumingon sa kinaroroonan ng lalaki kanina ngunit wala na ito doon kaya ipinagsawalang bahala ko na lamang 'yon.

"Pagbibigyan kita dahil birthday mo ngayon. And you look gorgeous." Puri niya sa akin bago iginala ang paningin sa paligid. "Dumating na ba si Dianne?" Tanong niya na ikinataas ng kilay ko.

"Looking for your love huh?" Sabi ko na sinundot pa ang tagiliran niya kaya natawa siya.

"Shh. Wag ka ngang maingay." Saway niya sa akin at inakbayan ako. "Nasaan na ba ang kaibigan mo?" Muli ay tanong niya kaya napatawa ako.

"Nandoon na sa mesa. Bakit kasi hindi mo pa ligawan. Dinadaan mo pa sa paasar-asar." Biro ko sa kanya. Nakaakbay pa rin siya sa akin habang naglalakad kami.

Marami na ang tao at halos mga business partner iyon ni Daddy. May mga kaibigan din si Mommy doon. Ang tanging inimbita ko lang ay si Josh at si Dianne.

Tumawa siya at umiling. "Dont be nosy." Aniya at bahagya pang ngumiti.

Josh is my bestfriend. Matanda siya ng dalawang taon sa amin ni Dianne. He's a childhood friend. Parang magkapatid na ang turing namin sa isat-isa. Kahit hindi naman sabihin ni Josh sa akin ay alam ko namang iba ang tingin niya kay Dianne.

"Hayun si Dianne oh!" Turo ko kay Dianne na nasa isang mesa.

Mabilis kaming lumapit doon. "Nag-iisa ang bratinella." Buska ni Josh na ikinairap ni Dianne.

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now