Paglabas ko ng cr inabutan ko si Michael na nakatayo lang sa gilid habang may bitbit ng bote ng tubig at gamot.
"You wanna go to clinic?" salubong na tanong nya kaagad pero umiling-iling lang ako.
"May next subject pa tayo. Ano pang use ng pagpasok ko kung tatambay lang ako dun." Nanghihinang sagot ko sakanya.
"Uminom ka muna, baka ma-dehydrate kapa." sabi nito pero di nako naginarte pa at kinuha ko na yung hawak nyang tubig dahil kanina pako uhaw na uhaw.
Buti na nga lang hindi sya nandidiri sa sitwasyon ko ngayon eh. Ako nalang nakakaramdam ng hiya dahil sya pa talaga nagaasikaso sakin imbis na mga kaibigan ko.
"Salamat." Sabi ko sakanya, pero tanging half smile lang ang binigay nya at nauna pang maglakad sakin.
"Dapat lang. ang gwapo pa ng nagaalaga sayo tsk" at nagsimula nanaman nga syang maging hambog.
Grabe talaga taas ng confidence nitong lalaking to. Akala mo lahat titingalain sya, ang sarap pektusan hanggang sa magdugo yung anit.
——
Kakauwi ko lang ng unit ko at medyo maganda ganda na yung pakiramdam ko kung ikukumpara kanina na para kong sinasapian.
Nakahiga lang ako ngayon sa sofa ko dito sa sala habang nanunuod sa tv at gusto ko lang munang magpahinga dahil ang dami kong pinagdaanan kanina para lang malagpasan tong araw nato.
(Insert message notif)
Pinulot ko kaagad sa lamesa yung cellphone ko para tignan kung ano yung nagnotif.
'Nandito ko sa labas ng pintuan mo.'
-asungot
Ano naman kayang kailangan nito sakin ngayon?, alam naman nyang hindi maganda pakiramdam ko iniistorbo pako.
Pagbukas ko ng pintuan wala namang tao. Pinagtitripan bako ng gagong yon?, isasara ko na sana yung pinto dahil sa pagkabanas ng makita kong may malaking plastic sa paanan ko.
Pagbukas ko ng plastic may nakasulat sa maliit na papel.
'Kainin mo lahat yan, kundi ikaw kakainin ko. Tsk'
Aba't pinagbantaan pako?. Eh kung tadyakan ko mukha nya?. Padabog kong pinulot yung plastic at pumasok na sa loob.
Inisa-isa ko yung mga laman at puro lahat gamot para sa pagloloko ng tiyan. May gatorade, yakult, saging, at may pasama pang french fries, spaghetti at ice cream ng jollibee.
Bigla akong naexcite sa mga pagkain na hawak ko kaya bumalik nako sa kinauupuan ko kanina at nilantakan ko na ang mga ito.
Para akong batang tuwang-tuwa ngayon. Ang tagal ko naring di nakakain ng fast food puro delata nalang lagi kasi kinakain ko madalas.
Bigla tuloy nagbago mood ko kaya tinext ko sya dahil sa mga binigay nya.
To: Asungot
-Salamat.
Sa totoo lang ang laki ng tulong nya sakin ngayon araw, hindi ko alam pero medyo nawawala-wala na yung pagkainis ko sakanya.
Yung mga bagay na ginawa nya sakin kanina, kahit mga kaibigan ko never pang nagawa sakin yun dati dahil nga madalas magloko tiyan ko nung highschool.
Well, siguro kasi lalaki sya at malakas sikmura nya sa mga ganung bagay kaya wala lang siguro sakanya yon.
Pero naba-bother lang ako sa isang bagay. Alam ko namang ginagawa nya lang yun dahil sa dare nila, ang gago nya lang kasi talagang tinutupad nya.
Narealize ko kanina pa na kahit naman pigilan ko syang gawin yung dare alam ko naman kung anong klaseng kupal sya kaya alam kong itutuloy nya parin. Kaya hahayaan ko nalang sya kasi alam ko naman sa sarili kong hindi na magbabago tingin ko sakanya, asungot parin sya kahit anong gawin nya.
Alam ko namang magsasawa rin sya at titigil kaya hindi ko na sasayangin pa lakas ko sa pagaaksaya ng oras sakanya. Lalo pa't mababayaran ko narin sya sa atraso ko magiging malaya na ulit ako.
(Insert message notif)
'Nafa-fall kana ba?'
-asungot
Napangisi ako ng di oras dahil sa text nya. Talagang hindi sya titigil sa pangaasar sakin.
To: Asungot
-Ulol BWAHAHAH
Reply ko sakanya at binaba ko na yung phone at pinagpatuloy nalang ulit ang pagubos ng binigay nyang mga pagkain.
Maya-maya pa nagnotif nanaman yung phone ko.
'Goodnight lazy'
-asungot
Hayy nako. Bat ba tinatawag nya kong lazy?, ganun ba ko katamad sa paningin nya?. Binaba ko nalang sa lamesa yung cellphone ko at hindi na sya nireplayan.
(A/N: Nag-number 78 tayo kaagad sa bromance nakakatuwa naman. congrats sa'tin sana patuloy nyo lang akong suportahan lalong-lalo na ang 'the only exception' abangan nyo ang susunod na chapter.)
VOUS LISEZ
The Only Exception
Roman d'amourwhen someone you love becomes a memory, the memory becomes treasure. always remember the happiness that we did together, because I came here just only to leave memories that you can keep for the rest of your life. it's about who stays, not who promi...
Chapter 10 - WTF?!
Depuis le début
