Chapter 1

10K 171 40
                                    

Alyssa's POV

*knock knock*

Ella: Besh ano ba! Hindi ka pa ba lalabas diyan?

Alyssa: Ang impatient naman ng Bride to be. Teka lang, palabas na 'ko.

Tinignan ko ulit 'yong sarili ko sa salamin para siguraduhin na maayos 'yong pagkakasuot ko nung gown na gagamitin ko sa kasal nina Ella at Von. This is already our third fitting and I'm hoping na wala ng problema para mabawasan na 'yong stress ni Ella. Tatlong linggo na lang kasi kasal na nila at marami pa silang kelangan asikasuhin.

Paglabas ko ng fitting room, natawa ako sa reaction nina Ella at Denden.

Denden: Wow Ly! Perfect fit na 'yong gown mo.

Ella: Ang ganda naman ng Maid of Honor ko. Walang agawan ng eksena sa kasal ko ha!

Alyssa: Gaga ka talaga Besh! I'm sure kahit may artista pang dumating sa kasal niyo, ikaw pa rin ang pinakamaganda para kay Von.

Ella: Dapat lang noh!

Beshies: Hahaha...

Pepsi Herrera: How do you like the fit of the gowns this time Ms Ella?

Ella: Way better. Salamat!

Pepsi Herrera: Kung wala na kayong ipapa-adjust sa mga gowns, we can have them packed para mauwi niyo na.

Ella: Ano Beshies, okay na ba kayo sa mga gowns niyo?

Alyssa and Denden: Yup!

Ella: Sige, pa-box na nung mga gowns after nila magpalit.

Pepsi Herrera: Okay. Iwan ko muna kayo, papakuha lang ako ng mga box.

Lumabas na si Pepsi tapos kami naman ni Denden bumalik sa loob ng fitting room. Pagkatapos na pagkatapos naming magpalit ng damit, nagpaalam na si Denden kasi malapit na 'yong umpisa ng shift niya sa ospital. Kukunin na lang daw niya sa 'kin 'yong gown niya.

Nung ayos na 'yong mga gown namin ni Denden, Ella and I left Pepsi Herrera's boutique and I volunteered to go with her while she ran some wedding errands. Pumunta kami ng the Wedding Library para bumili ng Pillows, Cord, Veil, Candles, at Garter. After buying the accessories, nag-aya si Ella mag-lunch sa French Baker.

Ella: Pakibilis na lang Kuya ha? Nagugutom na kasi kami eh.

Waiter: Yes Ma'am.

Ella: Thank you!

Pagkaalis ni Kuyang Waiter, tumingin lang ako kay Ella at umiling.

Alyssa: PG ka talaga kahit kelan.

Ella: Bakit ba?! Kasalanan ko ba kung gutom na 'ko?

Alyssa: Sige, lumamon ka lang ng lumamon para hindi ka magkasya sa wedding gown mo.

Ella: Hmph!

Inirapan ako ni Ella, pero di niya din natiis na wag makitawa sa 'kin. Ganito naman kasi kaming tatlo nina Denden, magkakapikunan pero sabay-sabay ding tatawa.

Alyssa: Besh, ano pang kelangan niyong gawin for the wedding? Madami pa ba talaga?

Ella: Medyo madami pa, pero on schedule naman. Ang pinaka-concern namin ngayon 'yong paghahanap ng proxy na Best Man.

Alyssa: Proxy? Anong nangyari kay Kiefer?

Ella: Hindi pa kasi kami sigurado hanggang ngayon kung makakauwi si Kiefer para sa kasal namin.

Alyssa: Feeling ko makakapunta 'yon. Kasi kung hindi siya pwede, he would have told Von a long time ago.

Ella: 'Yon din ang pakiramdam namin, kaya lang mahirap naman mag-assume na dadating siya kung hindi sa kanya mismo nanggaling diba?

Falling in Love Again (kiefly/alyfer fanfic)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora