Chapter Six

18 2 1
                                    

*Lei's POV*



8 minutes before 5:30 ay nagising na ako. Very unusual na mangyari to, pakiramdam ko ay katawan ko lang ang natulog pero gising na gising ang diwa ko. Siguro dahil sa kakaisip ko bakit hindi man lang nag reply na si Baekhyun sa mga message ko. 


Speaking of Baekhyun, agad kong dinampot ang phone ko sa ilalim ng unan para tignan kung sumagot na ba sya. Pero to my dismay, wala. Lugmok kong binitawan sa kama ko ang phone at tumungo sa bathroom para maligo. Biyernes ngayon at siguradong mas mabigat ang traffic kaya hindi ako pwede mag bagal ng kilos. Kaya kahit mabigat ang pakiramdam ko ay pilit kong binilisan ang pag aayos para sa pag pasok sa trabaho. Hindi ko na muna inisip kung anuman ang posibleng nangyari kay Baekhyun. Wala naman sigurong masamang nangyari baka masyado lang naging busy at napagod kaya hindi na nakapag update. Pagpapagaan ko sa sarili kong loob.


Hindi naman ako nalate kahit na medyo naipit ako sa traffic. Mas nauna padin ako kay Efer dumating sa office. Busy ako sa pag aayos ng mga memo for release nang dumating siya na may dalang dalawang venti cappuccino ng starbucks.


"Oh pakaaga mo ata ngayon. Kape ka muna." Sabi niya sabay lapag ng kape sa mesa ko bago naupo sa pwesto niya.


"Salamat." Tipid kong sabi. Alam kong matamlay ang boses ko at mapapansin niya yon.


"May problema ba?" Tanong niya habang binubuksan ang personal computer niya.


"Hindi ko din alam." Tinitigan niya ako at bakas sa mukha niya ang pag-aalala


"Anong nangyari? Natulog ka ba? Laki ng eyebags mo girl."


"Si B kasi. Hanggang ngayon walang paramdam." Malungkot kong sabi sa kanya. Nailing naman siya.


"First time ba nangyari yan?" Tumango lang ako.


"Baka naman sobrang nabusy lang or baka naiwan phone somewhere. Wag ka na muna mag overthink. Magpaparamdam din yun."


"Sana nga.. sige balik trabaho muna ako ha may mga pahabol na memo si boss e." Hindi naman na nagsalita pa si Efer. Salamat naman at nakaunawa ito. Wala din kasi ako sa mood makipag usap talaga. Tinuon ko nalang ang sarili ko sa ginagawa ko hanggang sa dumating ang lunchbreak. Sa labas kumain si Efer kasama ang iba naming katrabaho, pero hindi ako sumama kasi wala naman akong ganang kumain. 


Sumilip ako sa phone pero wala pa ding bakas ni Baekhyun. Naisipan ko nalang sumilip sa mga sns ko baka sakaling may makita ako. At jackpot. Meron nga. Kinabahan ako dahil top 1 trending si Baek. Shit. Nag bukas ako ng isang article na vague ang headline.


"EXO member Baekhyun was spotted talking to his ex-girlfriend Taeyon inside his car around 10 pm last night. The two seem to be having a serious talk. Not until a few minutes, dispatch caught Taeyeon reaching out to kiss Baekhyun. Are those two back dating again?


Nanghina ako sa nabasa ko. So eto yung rason? Kaya pala hindi man lang niya ko magawang i-message. Ang sakit. Alam ko namang mangyayari yung ganito pero hindi naman ganito kabiglaan, hindi ganito kabilis. Gusto kong magalit sa kanya pero wala naman akong karapatan diba? Walang kami, wala kaming label. Siguro narealize nadin niya na nag aaksaya lang sya ng panahon sa akin. Baka sawa na sya sa akin. Masakit. Pero wala naman akong choice kundi tanggapin. Gusto ko siyang imessage pero para saan? Sabihin na nasasaktan ako? Baka pagtawanan pa niya ako kaya wag nalang. 

WaitWhere stories live. Discover now