Chapter Eight

3 2 1
                                    

*Baekhyun's POV*




"O ano? Day off mo ngayon diba? wala ka bang balak lumabas? 2 weeks ka nading hindi nagpapahinga, kaliwa't kanan ang schedule mo. Hindi mo man lang ba ieenjoy off mo ngayon?" Tanong ng manager ko habang nag aayos ng mga regalo galing sa mga fans. Andito kami ngayon sa bahay ko, minabuti ko na munang mag stay dito kesa sa dorm dahil gusto ko mag-isip, gusto ko mapag-isa.


"Ayos lang ako hyung, gusto ko na lang muna magpahinga dito sa bahay, matulog. Kaya nga hindi ako sa dorm nagpahatid para makapag pahinga ako ng husto." Sagot ko sa kanya na tumango lang naman bilang tugon sa sinabi ko.


"O sige, hindi na ako magtatagal at nang makapag pahinga ka na. Sulitin mo at after 3 days loaded na naman schedule mo."Tumayo ako sa single sofa chair ko para ihatid siya sa may pintuan.


"Mauna na ko ha? Tawagan mo na lang ako sakaling may kailangan ka."


"Salamat hyung." Tumango lang siya ulit bago tuluyang naglakad palayo sa unit ko.


Sinigurado ko munang naka lock ang pinto ko, mahirap na at kakaiba din ang mga sasaeng ngayon halos walang katakutan. 


Hinubad ko ang suot kong hoodie at sinampay sa sofa bago dumiretso sa sarili kong banyo sa loob ng kwarto ko. Magbabaka sakaling makuha ng warm bath yung bigat ng ulo at dibdib na dala dala ko sa loob ng dalawang linggo.


Binuksan ko ang shower at inadjust ang temperatura ng tubig saka sumilong sa bumabagasak na tubig. Hindi ko lubos mawari kung ano ba talaga tong nararamdaman ko. Ang bigat bigat, tipong gusto kong umiyak, humagulgol pero hindi ko naman magawa. Ganito siguro talaga kapag physically and mentally drained ka. Bukod don, napapagod na din utak ko kakaisip kung ano ba nangyari sa amin ni Leigh?


Bakit kami umabot sa ganito? Bakit ko hinayaan na hindi man lang kami magkausap ng ganito katagal? Bakit hindi ko man lang naisip na baka mas lalong lumayo ang loob nya sa akin sa ginawa kong hindi pag kausap sa kanya nga halos tatlong linggo. Miss na miss ko na siya, sobra. Kahit kasi malayo siya, siya pa rin yung nagsisilbing pahinga ko. Makausap ko lang siya, nawawala na yung pagod ko. Pero anong nangyari sa akin? Bakit ba ako nagpabaya? Ngayon pa, ngayon pa talagang nasa sitwasyon kami na alam kong hindi tama pero dahil sa trabaho ko, wala akong choice.


Alam ko naman na at some point, naiintindihan ni Leigh yung sitwasyon ko. But I can't avoid the fact na baka nag ooverthink na siya. Ang hirap lang kasi malayo ako sa kanya, yes I have the means to call her, facetime her. But these past few days, it's obvious that she's been avoiding me. I can feel that she's a bit mad at me. If only I can do something para lang matigil na tong kalokohan ni Taeyeon. Hindi ko na din talaga alam anong utak mayroon tong CEO namin at sa tuwing bumababa ang sales ng buong company, kailangan palaging may sacrificial lamb, and this time ako na naman ang napili. Talagang timing pa kung kelan naman meron akong taong gustong protektahan.


Hindi pa man ako tapos maligo ay bigla na lang nag ring ang phone ko. Agad naman akong nag banlaw para tignan kung sino ang tumatawag, nagbabaka sakaling si Leigh pero bagsak ang mga balikat kong sinagot ang tawag dahil hindi siya kundi si Efer, isa sa bestfriend niya.


Hindi ko maiwasan mapaisip at magtaka dahil hindi naman basta tumatawag si Efer sa akin.

WaitWhere stories live. Discover now