Chapter Two

26 1 8
                                    

*Lei's POV*


Nagkwentuhan muna kami bago namin napagpasyahang matulog muna. Since parehas kaming puyat, dahil siya galing pang Korea at ako naman night shift sa trabaho ko.


Nagising ako na nakaunan pa din sa braso niya. Ungas na to, ang sabi lilipat din sa kama niya pag nakatulog na ako. Palagi kasi ako unang nakakatulog sa aming dalawa. Mahimbing padin ang tulog ni Baekhyun, medyo humihilik pa nga tapos nakaawang konti yung bibig niya. Nangiti nalang ako kasi ang sarap niyang pagmasdan. Para talaga siyang bata. Pagod na pagod siguro to, kawawa naman. 


Binalik ko ang ulo ko sa pagkakahiga sa braso niya at sumiksik sa kilikili niya. Paborito kong gawin to sa kanya, ang warm kasi tapos ang bango-bango pa ni Baekhyun. Ang sarap-sarap katabi matulog ni Baek, kahit na medyo malikot siya matulog kasi palagi siyang nakayakap sayo kahit ang lalim ng tulog niya. Sumiksik ako ng todo at yumakap ng mahigpit sa kanya tapos itinanday ko din yung kaliwang binti ko sa binti niya. Naramdaman ko namang nagising siya. Napasobra ata ako sa gigil. Nag stretch siya ng braso bago dahan-dahang iminulat ang mata niya.


"Hi.." bati niya sa akin habang nakangiti. Isa yun sa gusto ko sa kanya, palagi siyang nakangiti nakakagaan ng pakiramdam.


"Hi.." sagot ko naman sa kanya. Medyo nakatingala ako kaso nakaunan padin ako sa braso niya. Ang gwapo ni Baek, lalo pag wala siyang make up. Aliw na aliw ako makita yung maliit niyang nunal sa oisngi niya.


"Namiss mo nga ako. Ang tindi ng kapit mo sakin e." Panunukso niya sabay hawi ng buhok ko.


"Sobraaaaa..." sabi ko sabay yakap ulit ng mahigpit sa kanya.


"Iuwi na lang kaya kita sa Korea?" Napatingin ako ulit sa kanya kasi seryoso yung tono niya.


"Huy. Anong iuwi ka dyan. Mas mahihirapan tayo pag andon ako." Pinitik ko sya sa noo. Sorry mahilig kasi talaga ako mamitik.


"Yan ka na naman sa pamimitik mo e." Reklamo niya habang minamasahe noo niya. Nagpacute naman ako sabay kiss sa baba niya. Ngumiti siya. Odiba bilis pakalmahin ni Baek?


"Alam na alam pano bumawi." Nakangisi niyang sab.


"Syempre. Ako pa ba?" Kinindatan ko sya. Natawa siya ng malakas kaya hinampas ko sya sa dibdib. Mahina lang naman.


"Pikon na naman ang baby ko." Pinisil niya ako ng marahan sa pisngi.


"Baby mo ko? Talaga?"


"Hmm hmm." Sagot niya sabay tangu-tango.


"I love you." Sabi ko sa kanya sabay siksik na naman ng ulo ko sa kilikili niya.


"I love you, Lei." Inangat niya yung mukha ko at damping hinalikan. Ngumiti kami parehas at nagtitigan. Niyakap naman niya ako ng mahigpit at sya naman ang pumulupot sa akin.


"Anong oras na ba?" Tanong niya habang nanatili kaming ganon ang posisyon.


WaitWhere stories live. Discover now